FIRST MEETING WITH THE CEO

1181 Words
Gusto na lang yata lumubog ni Copper sa kinauupuan ng maramdaman niya na tinititigan siya ng matiim ng CEO na si Mr. Zinc De Castro. Pakiramdam niya ay kaya niya harapin ang interview kay Mr. Zinc De Castro. Basta hindi aalis si Ms. Belle. Kahit pa nga sabay ang dalawa na ito, na mag-interview sa kanya. Kampante siya na maitatawid ang pagsagot ng maayos. Pero ang maiwan na mag-isa sa loob ng opisina ni Mr. Zinc De Castro. Iyon ang nagdadalawang isip siya kung kakayanin niya ang presensya nito. Baka kasi sa sobrang paghanga niya rito ay hindi na siya makapag-focus sa mga tanong nito. O baka naman sa sobrang tensyon at kaba na nararamdaman niya ay mag-collapse na siya sa harap nito. “Huwag muna please…!!!” piping bulong sa isip. Pero tila nananadya ang pagkakataon. “I’ll go ahead now!” ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Tumayo na si Ms. Belle para umalis. “Alright…! Thank you so much, Ms. Belle. I’ll let you know the result within today.”pakiramdam ni Copper pati kili-kili niya pinagpapawisan na, sa sobrang kaba at tensyon. Wala na siya nagawa kundi habulin na lang ng tingin ang papalayong si Ms. Belle. “ommggg…! gwapo talaga ng crush ko…lalo na pala talaga kapag malapitan.” bulong niya sa isip. Naka-side view si Zinc ng pwesto ng mga sandaling iyon. Nakita niya na meron ito kinuha na isang sliding folder sa gilid. Kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon na matitigan ito. “Baka naman malusaw na ako sa pagkatitig mo sa akin…Miss” Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tila nag-iinit ang kanyang mukha sa hiya. Namumula na parang ibobug na prutas. Ganoon na ba ka-obvious ang ginawa niya pagtitig dito? Gusto sana niya magsalita. Pero wala naman siya maisip na akmang salita. Wala din siya lakas ng loob. Nakita niya na ngumiti pa iyon na parang nanunudyo. Pagkatapos kinuha ang kanyang CV na ipinatong kanina sa gilid ng table nito. Alerto siya sa bawat galaw ng CEO na si Zinc de Castro. Ngayon naman ay pinapasadahan nito ng tingin ang kanyang curriculum vitae. Kumunot ang noo nito na tila ba hindi satisfied sa details na nakita sa kanyang CV. “You are fresh graduate. Dalawang pahina ang CV mo. Halos wala pa ½ na detalye ang nakalagay sa second page. No work experience at all. Maliban sa OJT-on the Job training. kaswal na komento ni Zinc na kinuha ang ballpen at itinukod sa kanyang baba. Pinapaikot-ikot ang swivel chair na inuupuan. Habang nakatingin lang sa kanya. Sa paraan ng pagkatitig nito sa kanya. Parang nakakainsulto. Parang nagsasabi na “wala ka naman alam, lakas ng loob mo mag-apply”. “Wala man lang ako mabasa. You know…just to impress me. Your personal details…you’re too young.” parang naaalibadbad na sabi nito sa kanya. Pakiramdam ni Copper nasasaktan na siya sa mga komento nito. Wala siya ideya kung paraan lang ito ng pagganti sa kanya. Dahil sa insidente na pinagtanggol niya ang security guard. Malakas kasi ang kutob niya na natandaan siya nito. Inaalangan nito ang kanyang edad. Ang tingin nito sa kanya ay wala siya alam dahil sa fresh graduate lang siya. Iniinsulto na nito ang kanyang buong pagkatao. Tama ba na ganito ang paraan ng pakikipag-usap ng isang employer sa isang job applicant na katulad niya. “What a mess-most irritating day?” naiinis siya. Buong akala pa naman niya ay magiging maganda at swerte ang kanyang araw. “Ang lakas naman ng loob mo, Miss. Alam mo ba na ikaw pa lang ang fresh graduate na aplikante sa posisyong ito. Sorry! But I have doubts on you.” sa sinabi nito hindi nga siya nagkamali sa mga naiisip. “So…!!! Your name is Copper Valencia…Copper Valencia…!!! Copper Valencia…!!!”paulit-ulit na bigkas nito sa kanyang pangalan. Habang nakatitig ito sa kanyang CV. Sa hitsura nito hindi na siya magtataka na meron ito pilit na inaalala sa isip. “Y----e…sss Sir!” tangi niya nasambit. “I am not asking you. Huwag ka sumagot.” baritonong boses nito na tila hindi nagustuhan ang kanyang pagsagot. Mas lalo nakaramdam si Copper ng pagkairita. Masama ba ang kanyang ginawa. Sumang-ayon lang naman siya sa pangalan niya na binigkas nito. Hindi na siya nakatiis. Umigkas ang kanyang isang kilay. Palatandaan na mauubos na yata ang kanyang kabaitan at mapapalitan ng kamalditahan. Sasagot na ba siya? Grabe ha! Mukhang totoo yata na mabagsik ang Zinc De Castro na ito. “Wow…aplikante ka pa lang…meron ka na nalalaman na pataas-taas ng kilay.” sarkastikong wika nito na lubha niya ikinagulat. Ang talas naman ng mata nito. Lahat na yata ng kilos niya masumpungan ng mga mata nito. “Sa lahat ng ayaw ko Miss Copper Valencia. Yung sumasagot sa akin na hindi ko naman tinatanong. Yung nakikisali sa usapan na hindi ko naman hinihingi ang kanyang opinyon. Yung feeling bossy na mataray ang istilo. I really hate that. ngumisi pa iyon sa kanya na tila nakakainsulto. “Sir mawalang galang na po pero--------” “What…? mangangatwiran ka Miss Valencia” salo nito na hindi naituloy ang sasabihin. “Do you think I did not recognize you…Miss Copper Valencia…!”pagdidiin pa nito. “Sir pasensya na pero ginawa ko lang naman po yun tama na alam ko.”walang gatol na katwiran niya. Ito ang tawag na lakasan ng loob. Hindi rin kasi siya mapapakali, hangga’t hindi nailalabas ang saloobin. Namumutla siya. Pero malakas talaga ang kanyang loob na sumagot. Iyon na talaga ang personalidad niya. Basta alam niya na nasa tamang katwiran. Napapitlag si Zinc sa upuan. Yun totoo hindi niya akalain na meron magkakakas ng loob na sagutin siya ng ganito. “This girl is quite so challenging for him.” “This girl is different among others.” “This girl is too young but the personality was very strong.” Ganoon pa man. Hindi kasi siya yun tipo ng tao na kapag natutuwa o nai-impress ng sobra ay ipinapakita ang appreciation. He’s an opposite. He’s a certified torture man. Yun bang tipo na hangga’t meron siya mapipiga na katas ng utak para matuto. Wala siya ititira. Kaya nga ang bansag sa kanya ng ilang empleyado ng kompanya. Siya daw yun tipo ng boss na nakaka-drain ng utak. Nakakasindak. Nakakalunos ng brain energy. Kaya wala daw tumatagal na sekretarya sa kanya. Wala naman siya pakialam sa kahit na ano pa man. Basta ang alam niya despite of outer side of him. He’s a man of good heart. Wala naman alam ang mga tao sa tunay na pinagdaanan niya sa buhay. Kaya wala karapatan ang mga ito na husgahan siya sa panlabas na pinapakita niya. “Hindi ka lang pala pakialamera sa usapan, Miss Copper Valencia. Matabil din ang iyong dila.” matigas na sabi nito na tumayo mula sa pagkakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD