“Zinc…kailan ka pa natutong makinig ng OPM song?” nagtatakang bulong niya sa sarili. Pagpasok pa lang kasi niya sa opisina ay inopen agad ang YouTube. Ano ba ang meron sa kanya? Naisipan na lang kasi niya na makinig ng musika. Kung bakit naman tila hindi lang pakikinig ng music ang gusto niya gawin. Dahil parang umaayon naman ang isang awitin sa kanyang narar moamdaman. Bakit? Basta namalayan na lamang niya na sinusulyapan si Copper na kasalukuyang nakatalikod sa gawi ng xerox machine.
Naiinis siya sa kanyang sarili. Dahil batid niyang hindi mapigilan ang sarili na titigan ang sekretaryang gumagalaw sa xerox machine. Napakaganda kasi nitong pagmasdan sa simpleng suot na blue balloon skirt na tinambalan ng white long sleeve. Naka-tuck in ito kaya naman kitang-kita ang balingkinitan nitong body figure. Sa simpleng flat black shoes nito na mas lalong na-emphasize ang makinis at mahabang binti. Aaminin niya meron ito kaiga-igayang unique qualities ng isang babae. Kahit minsan ay hindi nakita sa mga naging sekretarya niya.
Parang may iba akong nadarama
Magmula nang makausap na kita
Araw-araw ang puso ay umaasa
Na muli ika'y aking makikita
Sa bintana'y lagi nang nag-aabang
Ng iyong sulyap habang nagdaraan
Parang di mo pansin ang mga ngiti ko
Manhid ba ang puso at damadamin mo
CHORUS:
Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin
Ang lahat ay para bang sinasadya
Sa 'king puso ay anong laking tuwa
At muli ikaw ay aking nakausap
Para kang nangangarap nang kaharap
CHORUS:
Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin
Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin
Agad naman kitang sasagutin
Tinatamaan ba siya sa mensahe ng awitin. Naalala niya isa lamang ito sa mga pinasikat na kanta ng singer na si Tootsie Guevarra noong dekada 90’s. Yun tipo na panakaw-nakaw ng sulyap sa sekretarya. Pero hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
“Miss Valencia hindi ka ba sanay magsuot ng slacks? Why you’re always wearing skirt? Hindi ka ba giniginaw? Ang lamig ng aircon dito sa loob ng opisina ahh!” As usual pagsusuplado ang pang-cover up ni Zinc. Para labanan ang sumisibol na kakaibang pakiramdam para sa sekretarya.
Tutok ang atensyon ni Copper sa ginagawa. Tapos biglang papasok sa cubicle niya ang boss. Para lang sitahin ang kanyang OOTD. Pati ba naman ang damit niya suot. Kailangan pa nito punahin. Sa tingin naman niya ay wala siyang nilalabag na code of ethics when it comes to her dress style. Yes! Above the knee nga ito. Pero hindi naman revealing ang half legs niya. Pagdedepensa niya sa sarili.
Napatigil si Copper sa ginagawa at diretsong sinalubong ang tingin ng boss.
“Sir Zinc sorry po. Pero bago po ako matulog sa gabi. Nakahanda na ang isusuot ko kinabukasan. Kaya sigurado po ako na napag-isipan ko mabuti kung maayos ba o hindi ang outfit ko. Kasi alam ko po na kung hindi disente ang damit for sure papalitan ko po agad. Regarding naman po sa tanong mo. Yes po! Hindi po ako sanay magsuot ng slacks. Iyon nga po ang dahilan kaya madalas ako nakapalda. At isa pa, mas madali po kasi labhan at matuyo ang skirt kesa sa slacks. Mas makapal po kasi ang tela ng slacks kesa sa skirt.” Paliwanag at pangangatwiran ni Copper na ibinalik ang tingin sa laptop.
“So! Mas gusto mo pala ang manipis kesa sa makapal. Are you trying to seduce me, Miss Valencia? Do you think I will attract to you? Sa palagay mo ba ikaw yun tipo ng babae na magugustuhan ko?” nakangiti pero nakakainsulto ang boses ni Zinc.
“Sir Zinc pasensya na po. Pero gustuhin ko man po na sagutin ang mga katanungan mo. Hindi ko po magagawa. Dahil naniniwala po ako na ikaw lang po mismo ang makakasagot sa iyong sarili at wala ng iba pa.” diretsahang sagot ni Copper. Once in a blue moon sumusumpong yata ang kanyang pagkamaldita. Masyado na ba siya napipika sa ugali ng boss. Kaya natututo na rin siya na mangatwiran at idepensa ang sarili kahit paminsan-minsan.
“I believe that’s not the right way to talk to your boss, Miss Valencia. You’re just only my secretary. You should act only as my secretary. You should always follow me.” Baritono ang boses na wika nito. Para bang ipinaparamdam nito palagi ang possession distinction nilang dalawa. Kung sabagay isa nga lang pala siya hamak na sekretarya nito. Wala siya maipagmamalaki.
“Sir Zinc sorry po. Hindi na mauulit.” Sa bandang huli ay mas nanaig pa rin ang pagrespeto at goal motivation niya sa sarili
“One more thing Miss Valencia. Naalala mo ba when I was interviewed you. I discussed to you regarding personality development. Look at yourself. There’s no improvement. Hindi ka rin ba sanay mag-lipstick o kahit maglagay man lang ng foundation. Sa nakikita ko kuntento ko na sa basta liptint at polbu. Kaya naman ilang oras lang para na binuhusan ng suka ang iyong mukha sa putla.”
“Sir Zinc pasensya na po. Pero hindi ko po talaga kinahiligan na maglagay ng makapal na lipstick at foundation. Tama ka po. Nasanay lang ako sa polbu at liptint. Dahil doon po ako masaya at kumportable.” Sagot ni Copper na tinigasan ang pagsasalita. Pakiramdam kasi niya ay maiiyak na siya.
“Then what are you doing here, Miss Valencia? So! Wala ka dapat dito sa opisina ko. Hindi ko kailangan ng isang sekretarya na hindi marunong mag-alaga sa katawan. Ano na lang sasabihin sa akin ng mga business partners ko? Kumuha ako ng isang sekretaryang hindi man lang marunong mag-ayos sa sarili. You should know how to take care of yourself. You should have self-growth. You should remind yourself that you are my executive secretary not a housemaid. Hindi ka ba marunong mahiya?” Ramdam na ramdam niya ang tusok ng bawat salita ni Zinc na tila umuukit ng dugo sa kaibuturan ng kanyang puso. Umalis na si Zinc. Matapos siya tapunan ng masasakit na salita. Pakiramdam niya mas masahol pa siya sa isang langgam na napakaliit. Ang ganda ng araw niya. Sayang naman kung basta masisira lang ng boss niya.
“Parang hindi ko na po yata kaya!” iyon ang statement ni Copper ng kumustahin siya ng HR Manager. Habang kumakain sila ng lunch sa pantry. Tumusok siya ng isang fried tender juicy hotdog with cheese mula sa lunch box at agad isinubo sa bibig. Nilagyan din niya ng hotdog ang plato ni Miss Belle.
“Thank you so much dear.” Nakangiting sagot nito.
“Miss Belle…!” aniya na tila humihingi ng comfort ayuda.
“Yeaahhh…I know very well my dear. Pero katulad ng palagi ko sinasabi sayo. There is purpose. Why you are there? I believe in your brain and heart capacity. Your strong potentials is highly recommended. Copper let me tell you this, giving up is not a solution for every problem. Minsan kailangan natin limiting mabuti sa ating sarili. Kung ano ba ang goal natin sa buhay. Ano ba mas ang mas lamang positive or negative? If you think that negative things happened is almost 50 percent above then I will push you to leave in that office right away. But…Copper if you think more than above 50 percent na masaya ka sa iyong trabaho. Then I cannot see any reason to leave. Ok now, I want to ask you. Are you happy with your work?” tanong ni Miss Belle sa kanya na nakatitig sa kanyang mga mga mata.
“Yes I am…Miss Belle” mabilis naman niyang sagot na diretsong nakatitig din sa mata ni Miss Belle.
“Then I would say simply stay Copper. Look you’re big problem is Zinc’s attitude right?”
“Yes! Miss Belle. Hindi ko na kasi siya maintindihan talaga. Sala sa init, sala sa lamig po. Ok Miss Belle let me give you one instances. Binigyan po ako ng Starbucks goodies at pinuri ang aking body figure but after that bigla na lang ako sininghalan. So! Hindi ko po alam talaga kung paano titimplahin ang kanyang ugali. Pero sinusubukan ko po habaan ang aking pasensya. Kasi taman naman po sabihin ko na I am well-compensated. At alam ko din sa aking sarili na masaya ako. Kahit ganoon ang ugali ng boss ko. Kaya lang minsan parang nakakaubos din po ng pasensya.” Sa haba ng kanyang sinabi inaasahan niya na magbibigay si Miss Belle ng mahabang insights. Pero mukhang makahulugang ngiti lang ang isinagot nito at simple.
“hmmmm…”
“Miss Belle bakit po?” nangingiti din niyang sagot.
“Copper alam mo matagal ko na ito iniisip.”nakangiting sabi ni Miss Belle sa kanya.
“Ano po ang iniisip mo Miss Belle?”
“He likes you!” walang gatol na sabi ni Miss Belle.
“Miss Belle w----hattttt?” nanlalaki ang mga mata na sagot niya.
“Yes!”
“Miss Belle naman! Parang imposible naman po ang sinasabi mo.” Mariing tanggi niya na tumawa ng pagak.
“No…! That’s possible Copper. Why it’s possible? Dahil ngayon lang nagkaganyan si Zinc sa kanyang sekretarya. I know him. Never yan nagbigay ng something sa kanyang mga naging sekretarya. Kaya nga walang natagal na sekretarya. Kasi nga sa bagsik ng kanyang ugali. Yun ang sinusukuan sa kanya. Eversince ganyan na siya pagdating sa trabaho. Talagang napaka-metikuluso niya. Kapag hindi mo nasakyan at nahuli ang kanyang ugali katakut-takot na bangayan. Tulad ng nangyayari sa inyo ngayon. Pero ang pagkakaiba nga lang meron siya ipinapakitang something unique special gestures. At iyon ang babantayan ko. Hahaha. Kasi sa edad kong ito ngayon. Hindi ko maiwasan na hindi kiligin sa inyong dalawa.” Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa mga sinabi ni Miss Belle. Pero dahil kumampay at kumislig pa ang balikat ni Miss Belle. Sabay humalakhak pa iyon ng pagkalakas. Hindi na rin niya napigilan na mapabunghalit ng tawa. Bakit parang gusto niya kiligin sa mga sinabi nito? Isipin pa lang niya na meron special something sa kanya ang boss. Lumulukso na ang kanyang puso sa kaba at tuwa.
“Miss Belle aaminin ko po sayo. Matagal ko na po crush si Mr. Zinc De Castro. Kaya nga po ginusto ko at pinilit na makapag-apply sa kompanyang ito. Akala ko nga po hanggang sa magazine ko na lang po siya makikita. Kaya sobrang Nagpapasalamat po ako sa Diyos at dininig niya na makapasok ako dito. Kahit ganito po ang sitwasyon ngayon.
“Hmmmmm…! Kaya naman pala ngayon pa lang nararamdaman ko na ang spark sa inyong dalawa. Tama pala ang hinala ko. Nakakatuwa naman ang mga rebelasyong ito.” Sabi ni Miss Belle na lalo ng kinilig sa ipinagtapat ni Copper.
“So! Matagal mo na pala ako crush. Kaya pala nagpumilit ka na makapasok sa kompanya ko.” Daig pa nila ni Miss Belle ang nanginig sa kaba at nagkatinginan na lamang ng marinig nila ang baritonong boses mula sa kanilang likuran. Kung bakit naman hindi nila namalayan ang paglapit ni Zinc De Castro. Nakatalikod kasi sila sa pinto ng pantry. Kaya hindi talaga nila mamamalayan kung meron papasok.
“Hi Boss Zinc. Let’s have a lunch.” Masiglang bati ni Miss Belle na tulad Hindi apektado sa baritonong boses ni Zinc.
“Thank you Miss Belle. I’m finished already.” Sagot nito na ngumiti pa. Kasunod noon ay tumunog naman ang telepono ni Miss Belle.
“Guys please let me excuse as I need to take this call.” Magalang na paalam ni Miss Belle. Bago iyon tuluyang lumabas ng pantry.
“Go ahead Miss Belle.” Sagot ni Zinc. Hindi na mapakali si Copper sa kanyang kinauupuan. Habang sinusundan ng tingin si Miss Belle. Isipin pa lang niya na narinig ng boss ang whole conversations nila ni Miss Belle. Walang-wala na siya. Dahil bukong-buko na siya nito. Ano pa ang mukha niyang ihaharap dito? Paano niya haharapin ng normal ang boss? Paano pa niya sasalubungin ng tingin ang mga mata nito? Kapag galit sa kanya. Ang hirap naman ng kinasuungan niya na sitwasyon. Pinagpapawisan siya ng mga sandaling iyon.
“Sir Z-----i---nc kain po…!” parang meron bara ang kanyang lalamunan. Dahan-dahan siya nag-angat ng tingin. Para tunghayan ang reaction ng mukha ng boss. Sa halip na sumagot ay tiningnan siya nito ng matagal. Nakatitig sa kanyang mukha na halos namumula sa hiya. Nag-iinit ang kanyang buong mukha sa paraan ng pagkatitig nito sa kanya.
“Salamat Miss Valencia” pagkuwa’y sagot nito sa kanya. Isang makahulugang ngiti ang ibinalik nito sa dalaga. Bago siya tinalikuran at diretsong lumabas ng pantry. Nakahinga ng maluwag si Copper ng mawala sa paningin ang boss. Hindi na niya halos nagalaw ang pagkain. Parang nawala ang kanyang gutom. Napalitan ng kaba at hiya.