Nagmamadali na pumasok si Copper sa loob ng CEO’s office. Nasa may lobby siya kanina. Kausap niya si Miss Belle. Ngunit ng matanawan niya si Zinc. Nagpaalam na siya agad kay Miss Belle. Galing sa isang business meeting ang kanyang boss. Hindi na siya sinama nito. Dahil meron naman iniwan sa kanya na sandamakmak na gawain. Lumabas nga lang siya saglit para i-stretch ang kamay at likod. Dahil pakiramdam niya namanhid na iyon ng todo sa pagkakaupo. Pagkatapos ng dalawang oras mahigit ay bumalik na ito sa opisina.
Pinasadahan pa niya ng tingin ang desk ng amo. Bago siya pumasok Kung maayos at malinis ba ito? Sinigurado din niya na walang nakakalat na papel doon maliban sa mga dokumentong kailangan nito pirmahan.
“Miss Valencia…!” narinig niyang tawag nito.
“Hi Sir Zinc…yes po!” magalang at nakangiti niyang sagot. Napadako ang kanyang tingin sa side table kung saan nakapatong ang bonsai plant. Napansin niya na meron isang Starbucks paper bag. Tiningnan siya ng boss mula ulo hanggang paa.
“Did you finished already?” tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang tinatanong nito ay tungkol sa paper works na ipinapagawa para sa isang business proposal.
“Sir Zinc not yet po. I’ll let you know quickly, once I finished po.”kaswal na sagot ni Copper na nakangiti pa rin. She never thought na sa ginawang pagsagot na iyon ay iinit na naman ang ulo ng isang Zinc De Castro.
“Miss Valencia who told you?” sarkastikong sabi nito na lubha niyang ikinagulat.
“Sir-----Zinc sorry po but I didn’t get you.” Napapailing niyang sagot.
“Ipapaalam mo sa akin agad. Kapag tapos ka na. Tama ba ang pagkarinig ko Miss Valencia?” kunot ang noo ni Zinc na halata ang pagkairita. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi tsaka siya tiningnan na nang-uuyam.
“Opo Sir Zinc tama nga po!”
“Ikaw na ba yung boss? Dahil ikaw na yun magdedesisyon kung kailan mo tatapusin ang pinapagawa ko sayo. Kung ganoon ang katwiran mo. Magpalit na tayo ng position. Ikaw na ang maging CEO at ako na ang maging secretary.” Pakiramdam ni Copper sobrang namumula ang kanyang mukha. Dahil sa labis na pagkapahiya. Sobrang sensitive naman ni Mr. Zinc De Castro. Ano ba ang masama sa sinabi niya? Ang ganda ng araw niya mababahiran na naman ng sama ng loob.
“Sir Zinc wala naman po ako masamang intensyon sa sinabi ko. Ang sa akin lang po dahil hindi pa tapos ang pinapagawa mo sa akin. Kaya ko po nasabi na “I’ll let you know quickly once I finished”. Sa tingin ko naman po wala naman masama sa sinabi ko.” Hindi na rin maitago ni Copper ang hinanakit sa boses. Pakiramdam kasi niya masyadong OA na ang boss. Palagi na lang siya nito hinahanapan ng puna. Para magkaroon ito ng dahilan ng ikagagalit sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa gawi ng binatang yari sa salamin.
Para namang hinaplos ang puso ng binata na si Zinc De Castro ng mapansin na lumungkot ang mukha ni Copper. Naka-side view ang dalaga. Kaya naman tanaw niya ang maamong mukha nito na malungkot.
“Miss Valencia sa lahat ng ayaw ko yun pinapangunahan ako sa desisyon ko. I’m your boss right? So! Ako ang magsasabi kung kailan ko gusto na matapos ang pinapagawa ko sayo. Kapag sinabi ko na tapusin mo ngayon. Then you have no choice Miss Valencia. Tapusin mo. Kung kinakailangang mag-overtime ka. Do it. Company will pay you. Huwag mo lang sasabihin sa akin na hindi mo pa tapos at sasabihin mo lang kung kelan tapos mo na. I don’t like that. Baka nakakalimutan mo. You’re my secretary. Kung gusto mo na magkasundo tayo. Matuto kang sumunod sa mga ipinag-uutos ko. Is that clear with you?” baritonong wika ni Zinc sa dalaga na impit ang boses. Nakakaawa ang hitsura ni Copper. Nakayuko ang ulo. Nakagat pa niya ang hinliliit na daliri na tila umaamit doon ng lakas ng loob. Vow and Amen. Gustuhin man niya na mangatwiran pa. Wala din naman mangyayari at mas hahaba pa ang pagtatalo nila. Para na siyang isang puppet na sunud-sunuran sa isang amo na sinasamba. Pakiramdam niya ay nilalamon na siya ng mga salita ni Zinc De Castro.
Ano ba ang laban niya sa isang Zinc De Castro?
Ano ba ang katwiran niya sa isang Zinc De Castro?
Ano ba ang pinanghahawakan niya para ipaglaban ang pag-ibig para dito?
Wala. Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang malamig na pagtrato nito sa kanya. Isang matibay na ebidensya na kahit kailan. Hindi mangyayari ang pinapantasya niya.
“Sir Zinc-----pasensya na po. Sorry.” Paghingi niya ng paumanhin. Nakayuko pa rin si Copper. Gusto niyang umiyak. Pero tulad ng palaging sinasabi sa kanyang sarili. Bawal ang maging mahina sa harap ng isang Zinc De Castro. Dapat palagi siya malakas at matibay. Kahit nasasaktan na ang kanyang pakiramdam.
“Sige po Sir Zinc----punta na po ako sa cubicle ko.” Paalam niya sa among nuknukan ng suplado.
“Miss Valencia…” tawag nito sa kanya ng akmang patalikod na.
“Sir Zinc-----”
“Take it…para sayo ito…binili ko. Snack mo kapag nagutom ka. Ayaw ko nagugutuman ka. Tamang-tama pa naman ang hubog ng katawan. Hindi payat. Hindi rin mataba. Flat tummy and slim. Never mind. What I mean is ayaw ko nagugutuman ang mga sekretarya ko.” Sabi ni Zinc na meron pagbawi sa mga salita. Napahawak pa iyon sa sintido bago kinuha ang Starbucks paper bag at iniabot sa kanya. Nag-aalangan siya na tanggapin iyon. Pero ng makita niya na sumilay ang isang ngiti sa labi nito. Sa unang pagkakataon nakita niya ang tila hindi fake smile na ibinigay nito sa kanya. Subalit dagli lang iyon. Dahil mabilis din lumukot ang mukha nito na tila naasiwa sa ikinikilos niya.
“Miss Valencia will you accept or not? Nangangalay na yun braso ko sa pag-abot. Hindi mo pa rin kinukuha. Binilhan ka na nga. Nag-iinarte ka pa.” Sarkastikong wika nito. Wala ng nagawa si Copper. Kinuha na niya agad ang paper bag.
“Kukunin mo din pala. Pinahirapan mo pa talaga ako.” Sabi nito na ibinalik ang tingin sa hawak na papel.
“Sir Zinc----salamat po.” Nag-aalangan niyang sagot. Hindi na niya hinintay kung ano ang magiging reaksyon at sagot ng boss. Pumasok na siya sa loob ng cubicle niya. Sa isang sulok ng kanyang puso. Parang gusto niya kiligin. Kaya lang naaalala niya ang kasungitan nito. Magbigay na lang kailangan pa sungitan siya.
“hmmmm…supladong malambing ampochaaaaaa…” pagbibiro niya sa isip.
Samantalang si Zinc naman ay nangingiti naman na sinundan ng tingin ang papalayong dalaga na nakatalikod sa kanya.
Natatawa siya sa kanyang sarili. Kung bakit naman kasi sa dami ng dapat sabihin. Iyon pa talagang pagpuri sa katawan ng kanyang sekretarya ang napansin niya. Tapos tila nagulat pa siya sa nagawa at biglang binawi ang sinabi. Mababawi pa ba yun ay nasabi na niya ng lantaran sa harap ng sekretarya.
“Come on Zinc----it’s a weird. Iyon ba yun palagi mo sinisipat ang flat tummy at slim na katawan.” Sa dinami-dami kasi ng kanyang naging sekretarya. Ngayon lang siya bumili ng Starbucks goodies para sa sekretarya. Ngayon lang din siya pumuri sa katawan ng sekretarya niya. Only Copper Valencia received his appreciation.
Hindi muna ginalaw ni Copper ang paper bag na ibinigay sa kanya. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang laptop. Sisikapin niya na matapos ang paper works na ipinapagawa nito. Para wala na itong masabi pa sa kanya. Tumingin siya sa orasan limang minuto bago mag ika-12 ng tanghali. Lunch time na pala. Hindi na muna siya sasabay kila Miss Belle kumain sa pantry. Inilabas niya ang baon mula sa lunch box. Ipinagluto siya ng kanyang Inay ng ampalaya with egg. Sumusubo-subo lang siya ng paisa-isa. Habang nakatutok pa rin sa laptop. Hindi niya iyon titigilan hangga’t hindi natatapos. Maya-maya lang ay tumunog naman ang telepono. Si Miss Belle ang nasa kabilang linya.
“Copper let’s go for lunch!”
“Miss Belle sorry I can’t go with you. I have an urgent task for today. You know my boss! Hahaha” itinawa niya ang huling sinabi. Kahit papaano gumaan ng konti ang kanyang kalooban.
“Hmmmm…over dedicated ka na talaga sa boss na gwapo ahh…o’ siya sige see you na lang. Kumain ka din ahh.” Pabirong sagot ni Miss Belle sa kanya.
“Naku…! Super-duper sungit kamo Miss Belle. Kulang na lang lamunin ako ng galit. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang ugali ng boss ko. Hahaha! Thanks Miss Belle. See you.” Idinaan niya sa tawa ang sinabi. Ilang segundo lamang at natapos na rin ang kanilang usapan ni Miss Belle. Marahan niya ibinaba ang telepono. Ibinalik ang sarili sa presensya ng laptop. Tumikhim lang at itinuloy na ang ginagawa. Maya-maya ay sumubo siya ng isang kutsarang kanin at ulam. Tsaka! Kumuha ng tissue paper at ipinampunas sa bibig.
Mahigit dalawang oras pa ang ginugol ni Copper. Bago siya na-satisfied sa ginagawa. Ilang beses kasi niya sinuyod ang bawat slide. Ayaw niya makalikha ng errors. Kaya naman binusisi talaga niya ito.
Dear Sir Zinc,
Please see attached files for your review and checking.
Thank you.
Regards,
Copper Valencia
Executive Secretary to the CEO
Ultimo pag-compose niya ng email. Pinagtuunan niya ng pansin. Nakahinga lang siya ng maluwag ng mag-pop up ang “sent” notification sa screen ng laptop. Sa wakas makakahinga na din siya ng maluwag.
“Thank you so much Lord for giving me suffice wisdom and energy” nausal niya sa sarili. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag. Sana naman makapasa sa mabagsik na panlasa ni CEO-Zinc De Castro. Sa wakas maitutuloy na niya ang naunsyaming pagkain ng tanghalian. Tumayo siya saglit at sumilip sa gawi ng office ni Zinc. Wala naman iyon sa table nito. Wala rin doon ang laptop. Malakas ang kutob niya. Baka naroon sa personal lounge nito. At mukhang hindi nga siya nagkamali ng meron siya narinig na kaluskos buhat doon.
So! Confirmed. He’s there.
Bumalik na siya sa pagkakaupo at hinarap ang pagkain.
“Hello Miss Valencia. Please go to my P.L right now.” Nakakailang subo pa lang siya ng bigla tumawag ang boss. As usual inaatake na naman siya ng kaba.
“Okey Sir Zinc…I’m coming.” Medyo nginig ang boses na sagot niya.
“Copper please lang kalma ha!”
“Mas lalo ka dadalawin ng pressure sa ginagawa mo eh..!”
“Kaya mo yan, Copper. You did your best .”
Pampalakas loob niya sa sarili. Huminga muna siya ng malalim. Bago tumayo. Dahan-dahan niya hinawi ang kurtina na kulay brown. Nakaupo ang boss niya sa sofa. Habang ang laptop nito ay nasa ibabaw ng maliit na center table. Hindi pa sana siya nito mamamalayan na nakapasok na sa loob ng P.L. kung hindi pa siya tumikhim.
“Sir Zinc…!” alanganin na tawag niya. Pinagdikit ni Copper ang kanyang labi. Gusto niyang kumuha ng lakas ng loob doon. Para ikalma ang kanyang sarili. Pigil ang hininga na tila sumasabay sa pintig ng kanyang puso.
“Simbergwensa…!!! What’s this?” napakislig si Copper na tila nahintakutan ang hitsura. Sigurado siya kung nakakatunaw lang ang mabalasik nitong tingin sa kanya. Malamang kanina pa siya nalusaw na parang isang ice-cream. Sinundan niya ng tingin ang isang papel na lumipad sa pagitan ng kanyang mukha.
“S-----ir Zin----c?” Paputol-putol niyang bigkas na halos umurong ang dila sa takot. Nagawa pa rin niya pulutin ang papel sa lapag na inihagis mg boss.
“Ganito ka ba kadumi magtrabaho Miss Valencia? Simpleng slide presentation lang hindi mo pa magawa ng maayos. Ilang oras mo na nga pinag-aksayahan ng oras. Sablay pa rin. Did you check your work before you send it to my email? Anak…ng kamote naman Miss Valencia. Simpleng spelling lang mali pa. I told you, Miss Valencia. There’s no space for mistakes in my office. Akala ko ba magaling ka? Meron ba magaling na simpleng spelling lang hindi pa magawa.” Nakatiim ang bagang ni Zinc. Habang nagsasalita na panay kumpas ang kamay.
Hindi ba nito naiisip na tao lang din siya na pwede magkamali.
Pigil na pigil ni Copper ang pag-iyak sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay bibigay na ang mga luha. Kung totoo man ang paratang nito na meron mali ang kanyang ginawa. Siguro nga hindi na rin niya napansin. Kahit naman chineck niyang mabuti ang gawa. Kung meron pa din siya na-over look. Posibleng makaroon nga ng error.
“Si---r Zin----c sorry… po” Paghingi ng paumanhin niya.
“I’m sorry Miss Valencia but your sorry is not acceptable for mistakes reason. That's bullshit…! Kapag meron ako inutos sayo. Just make sure na walang mali. Kung ayaw mo ang napapahiya. Pwes! Ayusin mo ang iyong trabaho. Simple predicate, do not indicate.” Punong-puno ng pang-iinsulto ang boses ni Zinc.
Pambihira naman na buhay ito. Kanina lang feeling nagpapa-sweet pa sa kanya ang boss. Nilambing siya sa pamamagitan ng Starbucks goodies. Pagkatapos ngayon binabamboo siya nito ng sermon. Lumalabas na naman ang pagkasuplado nito.