BONSAI PLANT

1944 Words
Kanina pa matamang pinagmamasdan ni Zinc ang kanyang desk. Hindi niya matukoy kung anong eksakto meron sa kanyang desk. Basta ang alam niya parang meron bago sa kanyang paningin. Ilang segundo pa ang lumipas. Kumunot ang kanyang noo. Sakto naman lumabas si Copper mula sa kanyang cubicle. “Good morning Sir Zinc” magalang na bati niya. Napakasigla ng kanyang boses. Naka-record na yata sa kanyang isip na dapat tuwing darating ang amo. Masaya at masigla ang boses niya. Dahil kung hindi katakut-takot na puna ang matatanggap niya panigurado. “What’s good in the morning? Miss Valencia, if I will see this bullshit grass in my table.”muntik na mapaurong si Copper ng marinig ang iritadong boses ni Zinc. Ano ba masama sa paglalagay ng Santan bonsai plant sa desk nito? Binigyang buhay lang naman niya ang boring na desk nito. Tapos ganito pala ang matatanggap niya na approach mula sa boss. Sana man lang nagpakita ito ng kahit kaunting appreciation. Pinag-aksayahan pa niya iyon binili sa Day to Day shop sa halagang 50 pesos. Bale dalawa nga ang binili para sa desk nilang dalawa. Hindi nga ba ang karamihan gustong-gusto ang halaman na nakikita sa kahit saang sulok. Lalo na ang mga bonsai plants na talaga namang patok na patok sa panahon ngayon. “Sir Zinc----that’s not grass po. Bonsai plant po. Stress reliever po yan. Malamig sa mata.” Malumanay na pangangatwiran niya. “I don’t care whatever is that…! I don’t need any scientific explanation. All I want is remove on my table now. Put it anywhere in this office. But not on the top of my table. Is that clear Miss Valencia?” parang kasumpa-sumpa ang galit ni Zinc De Castro sa bonsai plant. Gusto na sana niya gumalaw para sundin ang ipinag-uutos nito. Pero nararamdaman niya na meron pa gusto sabihin. Nagbabakasali pa na mahimok niya si Zinc na pabayaan na lang ang presensya ng bonsai plant sa table nito. Wala naman gagawin na masama ang halaman sa halip makatulong pa nga ito. “Sir Zinc-----madami po good benefits ang halaman sa buhay ng tao. It helps maintaining a good health. It helps to cure coughs, fatigues, sore throats and tiredness. Not only that po. Bonsai has psychological benefits and they will help you to remove your mental stress. Akala ko po Sir Zinc magugustuhan mo.” Sabi ni Copper na nagpalinga-linga sa paligid. Nakita niya na umangat ang tingin ni Zinc at sinalubong ang kanyang mga mata. “Saan mo ba yan binili? Magkano ang bili mo?” nagulat pa siya ng meron iyon hinugot sa bulsa. “Ohh…heto ang bayad ko…keep the change. Just remove now on my table. Otherwise, itatapon ko yan sa lapag. Mababasag at magkakalat then maglilinis ka pa.” Sarkastikong pagbabanta ni Zinc. Inihagis nito ang limang-daang piso sa harapan niya. Bagay na ikinasakit ng kanyang kalooban. Para bang pinamukha sa kanya na napakaliit niyang tao at mukhang pera. Nakagat niya ang pang-ibabang labi na tila maiiyak. Pero ganunpaman pinilit niya kalmahin ang sarili at kontrolin ang luha na nagbabantang umalpas mula sa mata. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harapan nito. “I said remove it now, Miss Valencia. Ayaw ko ng pabagal-bagal ang kilos ng sekretarya ko. Kapag inutos ko, sunod agad.” Madiin na wika ni Zinc sa sekretarya. Wala nagawa ang dalagang sekretarya kundi dahan-dahan siya kumilos habang kagat pa rin ang labi. Halos nakayuko si Copper na dinampot ang bonsai plant. Lingid naman sa kanyang kaalaman ay nakamasid ang boss sa pamamagitan ng palihim at pailalim nitong sulyap sa sekretarya. Napapilig si Zinc ng maramdaman na tila meron bumulong sa kanyang tenga. “Zinc sigurado ka ba sa iyong sarili na masaya ka sa mga ginagawa mo sa babaeng yan?” “Oo naman! Bakit hindi?” sagot niya na pabulong sa sarili para kontrolin ang kung anong umuusbong na kakaibang nararamdaman. No! Wala siya ibang nararamdaman dito kundi pagkadisgusto. Iyon lang. Kung hindi nga lang niya isinasaalang-alang ang kagustuhan ni Miss Belle. Hindi ito ang gusto niya na maging sekretarya. “Sir Zinc-------pwede po ba na kahit dito ko na lang sa side table mo ilagay ang bonsai plant.” Alanganin niya na sabi. Ang tinutukoy niya na side table ay ang yaring drift wood side table na nakalagay sa gilid ng desk nito. “Miss Valencia did you clean your ears before you came here?” tila nang-iinsulto ang tono ng boses nito. “Ho…? Sir…?” naguguluhan na sagot ni Copper. Medyo namula ang kanyang pisngi na waring napahiya. “I said did you clean your ears before you came here? Did you hear my instruction earlier? O’ sadyang lumilipad sa kawalan ang utak mo. Hindi ba ang sabi ko ilagay mo na kahit saan. Huwag lang sa ibabaw ng table ko. Bakit ka pa magtatanong kung pwede mo ilagay sa side table? Table ko ba yan, Miss Valencia?” napakasungit ni Zinc sa nanunuya nitong boses. Mabuti na lang at talagang napanindigan na yata ng sekretarya nito na magiging malumanay at mahinahon sa lahat ng oras. “Sorry---Sir Zinc okey po.” Yuko ang ulo na ipinatong ang bonsai sa side table. Tahimik siya na tumalikod para bumalik sa work place. “Miss Valencia…!” maya-maya ay tawag nitong muli sa kanya “Yes…! Sir Zinc…” aniya na bumaling ang tingin. “Nothing! Never mind…Miss Valencia” pagkuwa’y sabi nito na ibinalik ang tingin sa papel na hawak. “Zinc------------” bulong ng binata sa kanyang isip. Bigla siya naguluhan sa kanyang sarili. Bakit ba niya tinawag ang sekretarya? Sa totoo lang gusto na niya tawagin iyon sa first name nito na “Copper” hindi nga ba at ng una niya ito makita sa guard post. Pinagtanggol pa nito sa kanya ang security guard tungkol sa hindi pagsusuot ng ID. Na-curious na siya sa pangalan nito. Nagkataon lang ba na ang pangalan nilang dalawa ay kinuha sa chemical elements table? Namalayan na lamang niya ang sarili na nagsusulat sa kanyang planner. Zinc + Copper = Zipper CEO vs Secretary The Zipper Tandem. Ano ba ito loveteam lang ang datingan? Balak pa yata niya mag-FLAMES. Yun tipong magbabakod kung anong magkaparehong letra sa kanilang mga pangalan. To match with F.L.A.M.E.S Friends. Lovers. Angry. Married. Enemy. Sweet. Sa unang pagkakataon napangiti siya sa pagbabasa. Ito pala ang nangyayari kapag ang isang tao ay nasanay na puro about business ang isinusulat sa journal planner. Napapangiting mag-isa kapag meron naisip na strange ideas not related to business world. Parang ang dami niya nagagawa na weird things na ngayon lang niya nagagawa sa buhay. Magmula ng dumating si Copper Valencia sa kanyang opisina. Si Copper naman ay nagtataka na ibinaling muli ang tingin sa paglalakad. Marahan siya napaupo sa kanyang swivel chair. Gusto sana niya sulyapan ang boss kung ano ang ginagawa nito. Kaya lang baka na naman siya mahuli nito at mapahiya na naman siya. Naalala niya ang pera na inihagis nito sa kanya. Hindi naman niya pinulot iyon. Sa halip inilagay p sa ilalim ng bonsai plant. Susuko na ba siya sa ugali ng boss? Hindi niya gugustuhin na umalis sa trabaho. Paano na ang nakangiting fifty-thousand pesos sa kanya? Paano na ang masarap na pasalubong para sa kanyang kapatid at ina? Ito lang naman ang kanyang pinakamatibay na inspiration at motivation. Para mas lalo magpakatatag. Anong malay niya? Umaasa siya na darating din ang panahon na magiging mabait sa kanya ang boss na si Zinc De Castro. Ipagdarasal niya iyon. Basta sa ngayon kailangan niya tiisin ang bagsik nito. Alang-alang sa pangarap para sa sarili at pamilya. Magsikap at titiisin niya ang lahat. Inayos niya ang sarili bago humarap sa laptop. Madami siya dapat tapusin na paper works today. Hindi niya bibigyan ng dahilan ang boss para masermonan siya. Ilang buwan na rin siya nagtratrabaho sa kompanya. Pero wala pa naman siya nagagawang sablay pagdating sa trabaho. Marahil isa din iyon sa ipinagsisintir ng kalooban ng kanyang amo. Hindi siya masinghalan pagdating sa trabaho. Kaya idinadaan nito sa ibang bagay para siya makagalitan. Tulad na lamang ng bonsai plant na ito. “Sorry ka na lang Sir Zinc De Castro, FL yata ang nakuha mo sekretarya. Hindi naman sa pagyayabang.” sabi niya na pabulong sa isip habang panay ang type sa key board ng laptop. Nagulat pa siya sa malakas na ring ng telepono. Naka-high volume pala iyon. Mabilis na sinagot iyon. “Please come here, Miss Valencia.” Iyon lang ang narinig niya at ibinaba na ang telepono. Napabuntung hininga na lang siya bago tumayo mula sa upuan. “Yes---- Sir!” bungad niya paglapit sa may table ni Zinc. “Please prepare this document. I need this after twenty minutes.” Baritonong utos nito sabay abot sa kanya ng dalawang piraso ng bond paper. Huhhhh…napamaang na lang si Copper sa gusto ipagawa ng boss niya. Hindi naman siya kabilisan mag-type. Three pages back to back in twenty-minutes. She is not confident that she will finish it in just only twenty-minutes. Nag-aalangan man ay inabot niya ang papel. “Sir Zinc I will try to finish it in twenty-minutes. To tell you honestly Sir…Hindi po ako ganun kabilis na mag-type. But I will try my best po.” Sagot niya sa mababang boses pero nag-aalangan pa rin. “No…! Miss Valencia. Are you complaining? This is urgent. I don’t like the words “will try” just do it as per my instruction. That’s it. If you didn’t do it accurately. Then pack up your things. I don’t need you as my secretary. You can go now and do it. Thank you.” Matigas na sabi nito sa dalagang sekretarya. She have no time to argue at all. Mabilis na siya kumilos. Tinawag na yata niya lahat ng Santo para bigyan siya ng sapat na lakas. Para mapabilis ang pagtipa ng mga daliri. Iisa lang ang goal niya. Kailangan niya matapos ito after 20 minutos. “Zinc can we meet up? Tagal ko na sayo inuungot. Hindi mo pa rin ako mapagbigyan sa hiling ko.” Naglalambing na wika ni Zarina. Kasalukuyan kausap ng binata ang babae sa telepono. Matapos itong tumawag sa kanya. Si Zarina ay isa lang sa mga babaeng nakilala niya sa isang bar ng minsan siyang mapainom kasama ang ilang malapit na kaibigan. Gusto daw nito makipagkita sa kanya in private. Sus…!!! Hindi na bago sa kanya iyon. Ilan na ba ang babae na naka-meet up ni Zinc De Castro, in private kuno. Sa iisang bagay lang din naman hahantong ang lahat. Sa una magkwekwentuhan sila habang nag-iinom. Tapos maya-maya lang mararamdaman na niya na sineseduce na siya ng babae. Sino ba naman siya para tumanggi? Kahit kailan naman super mapagbigay siya sa bagay na iyon. Sabi nga sa panahon ngayon palay na ang lumalapit sa manok. “Hey! Zarina how are you? Maybe some other time. So busy right now dear!” sagot ni Zinc habang manaka-naka’y napapasulyap sa may cubicle ni Copper. Aaminin niya kausap niya si Zarina sa telepono. Pero lumilipad kanyang isip. Parang nakikinita kasi niya na nagkukumahog si Copper sa pagtatype na parang maiiyak ang hitsura. Nakokonsensya na ba siya? Dahil ang totoo hindi naman iyon urgent eh. Gusto lang niya subukan ang sekretarya. Kung hanggang saan ang lawak ng pasensya nito sa kanya. Gusto lang niya subukan kung lalaban ba talaga ito sa kanya. Pero hindi eh! Nakita naman niya na lumalaban talaga ito as long as na nasa tamang katwiran. Pero marunong din naman talaga gumalang at sumunod sa kanya. “Hmmmm…Miss Belle is correct. She is the who deserve in this position.” Nangingiting bulong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD