Kinabukasan wala pa alas-otso ay nasa opisina na siya. Ang una niyang ginawa ay inayos ang mga office supplies na nakatambak sa lapag.
8:00 a.m to 5:00 p.m ang office hours. But it doesn’t matter for Copper. Gusto niya simulan ang araw na proactive at produktibo. Inirerespeto niya ang mga sinabi ng CEO na si Zinc De Castro. Ito ang kanyang amo. She is a professional woman. Nandito siya para sa mga pangarap. Her motivation is her greatest future. Kahit bata siya sa posisyong iyon. Alam niya sa sarili na meron siya ibubuga pagdating sa galing at talino. Isa lang ito hamon para sa kanya. Papatunayan niya sa kanyang amo na si Mr. Zinc De Castro na nagkamali ito ng mga sinabi sa kanya.
“Good morning Miss Copper. Catching earliest bird. Punctuality…! Nice move!” Hindi niya namalayan ang pagdungaw ni Miss Belle sa may pinto. Naabutan siya nito na nagbuhat ng two reams of bondpaper na inilalagay sa loob ng steel cabinet.
“Hello good morning Miss Belle.” Nakangiti niyang bati dito.
“I like your outfit today. You look so very beautiful.” Puri nito sa kanya na hinawakan pa ang manggas ng kanyang bughaw na blusa. Above the knee iyon kaya naman litaw ang konting bahagi ng kanyang bilugang hita at very proportion na makinis niyang binti.
“Thank you Miss Belle!” medyo nailang siya sa paraan ng pagkakangiti ni Miss Belle para kasing meron ito gusto sabihin sa kanya. Iba ang nakikita niya sa pqgkakangiti nito sa kanya.
“Miss Belle bakit naman po ganyan ka makatingin sa akin?” naglakas loob na siya magbiro sa HR Manager.
“Copper did you know why I am staring with you? Bigla ko lang naisip na baka ikaw na ang susi.” Nangingiting sagot nito sa kanya.
“Po...? Susi…Miss Belle?” nalilito niyang sagot.
“Hmmm…Copper…you know what I’m saying right? Hindi na ako magtataka kung ikaw na ang kasagutan sa sleeping heart ng gwapo at masungit mong amo.” nanunukso ang mga ngiti nito
“Miss Belle naman kung alam mo lang po ang lahat. Too much struggling. Hahaha” idinaan niya sa tawa ang nararamdaman. Ayaw niya kasing ipakita na mahina siya sa harap nito.
“I know Copper. Kahit hindi mo sabihin. Kilala ko si Zinc De Castro. Dekada na ako dito sa kompanya niya. Kaya nga kahit nagkakasamaan kami ng loob minsan dahil sa trabaho. Pero siguro ang pinagsamahan namin established na. He’s a good man. I am looking forward that you will have a big part Copper. Charrrooottt…!” tumawa si Miss Belle ng pagkalakas-lakas.
“Miss Belle talaga ohh…!” nakitawa na lang din siya. Napakadali niya nakagaanan ng loob ang HR Manager. Malaking tulong si Miss Belle para kahit papaano gumaan ang kanyang loob. Nakakatuwa lang isipin na sa kabila ng kanyang pinagdadaanan sa opisinang ito ay meron isang tao na nagpapatawa ng ganito.
“I’m telling the truth. O’ siya sige I’ll go ahead na at baka maabutan pa tayo na nagtatawanan.” Paalam sa kanya ni Miss Belle na bahagyang kumindat pa sabay tawa nito.
Tila nagdilang anghel naman si Miss Belle sa sinabi nito. Dahil pagkatapos lang ng ilang sandali dumating na nga ang kanyang boss na si Mr. Zinc De Castro.
“Good morning Sir…!” masiglang bati niya
“Good morning…!” parang tumalon sa galak ang kanyang puso ngayong araw na ito. Mukhang maganda ang pasok ng umaga sa kanyang boss. Isang himala kasi dahil ngumiti ito sa kanya ng binati niya.
Pinapakiramdaman niya kung ano ang sunod na galaw ng boss.
1…2…3
Wala naman. Hindi rin siya nito tinawag. Nakapag-check na din siya ng outlook emails sa mga sandaling iyon. Palihim siyang sumilip sa isang sulok sa pag-aakalang safe siya sa galawang iyon.
“What are you doing Miss Valencia?” halos mamuti ang kanyang mukha ng mapagsino ang nagsalita. Meron kasi siya nakita na photo frame sa ilalim ng steel cabinet.
Obvious naman na litrato iyon ng kanyang boss na sumita sa kanya. Ano nga naman kasi ang ginagawa niya sa photo frame na kasalukuyang hawak habang pinapasadahan iyon ng tingin.
“Ahhh-----hhhh wala po Sir!” sabi niya na itinaob ang photo frame para hindi makita nito. Kahit ang totoo nasukol na siya nito. Mabilis niya ibinalik ang photo frame sa ilalim ng steel cabinet. Iniba niya ang direksyon ng mukha. Para hindi mahalata ang pamumula ng kanyang pisngi.
Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi ni Zinc. Habang pailalim na pinasadahan ng tingin ang dalagang sekretarya na nakayuko na waring nahihiya.
“Miss Valencia binabayaran ka ng Alliance Tech Corporation. Para magtrabaho bilang sekretarya ko. Hindi para makipag-usap at titigan ang photo frame ko. Please let me remind you that!” ang mga katagang iyon ang lumabas sa bibig ni Zinc. Hindi naman pagalit ang boses nito. Pero mahahalata na nagdiriwang ang kalooban nito. Dahil napahiya siya sa eksenang iyon.
“Sir------Zinc sorrr------”
“Looks now well-organized! “ salo nito na tinapunan ng tingin ang first to second layer ng steel cabinet na naglalaman ng mga school supplies. Maayos na ang pagkakasalansan ng mga gamit doon.
“Ang hindi ko lang ma-gets nasa last drawer ng steel cabinet ang litrato ko. Pinagtiyagaan mo pa talaga na kalkalin ha para titigan at kausapin ng palihim. Am I right Miss Valencia? O mali ang aking nakita? Hindi naman siguro ako bulag. Para hindi makita ang ginagawa mo.” Patutsadang sabi muli ni Zinc sa kanya. Hindi na nga niya alam ang gawin sa hiya niya sa nagawa. Heto pa at inuulit pa ang nangyari. Ramdam na ramdam niya na pinapasadahan siya ng tingin ni Zinc. Wala na iyon sa kanyang paningin ng mag-angat siya ng ulo. Pero pakiramdam niya naroon pa din ang presensya nito at tinititigan ang kanyang pagkapahiya.
“Copper ano bang ginagawa mo ha? OMG…! Huling – huli ka gurl…! Nakakahiya ka sa ginawa mo. Kung bakit naman kasi hinawakan mo pa ang photo frame ng Zinc De Castro na yan. Napahamak at napagkanulo ka pa tuloy ng ng kagagahan mo.” Pagigil na tinapik-tapik niya ng dalawang palad ang kanyang mukha. Kinuha ang shoulder bag at isinubsob doon ang mukha.
Lingid sa kaalaman ni Copper. Meron mga matang nakatunghay sa kanya kanina pa. Tahimik lang iyon nakamasid sa lahat ng kanyang galaw. Dahil nakatalikod siya ng bahagya sa may gawi ng pintuan. Kaya naman hindi niya nakikita ang pagkatuwa sa mukha at ngiti sa labi nito.
Kung bakit naman sadyang meron din kapilyuhan talaga ang utak ng lalaki na bahagyang nagkukubli sa may gilid ng glass door division.
“Hep…! Hep…! Hooray…! Hoooooaaahhhhh….” Sinadya ni Zinc na palakasin ang tila paghiyaw na pigil. Gusto kasi niya makita kung paano magulat ang kanyang binibining sekretarya. Napangiti siya. Hindi siya nagkamali ng sapantaha. Dahil bigla na lang napalingon si Copper sa likuran.
“Ahh…..nyyyyaaaay….”tanging nasambit nito na halatang nagulat ang hitsura paglingon sa likod.
“OMG…!!! Meron pa yata multo dito sa cubicle niya.” Napapakislig na bulong niya sa isip.
Pero bago pa siya nito makita. Maagap siya nakatakbo sa kanyang table. Nahawakan tuloy niya ang sariling bibig. Gusto niyang mamilipit sa pagtawa. Kaya lang baka mahalata pa siya nito.
Maya-maya ay hindi nakatiis ang dalagang sekretarya na hindi lumabas. Bakas pa din ang takot sa mukha nito. Nakakaramdam din siya ng inis sa kung sino man nanakot sa kanya. Malakas ang kanyang kutob na ang boss lang niya ang nasa likod ng pananakoy na iyon.
Hindi naman niya ito pwede pagsalitaan ng below the belt. Marunong siya rumespeto. Naalala tuloy niya yun kasambahay na matanda na kinaiinisan niya ng gabing iyon. Pumasok lang naman ang tubig sa loob ng bahay. Diumano natanggal daw yun hose na nakakabit sa washing machine. Dahil hindi marunong mag-conserve ng kuryente ang matandang kasambahay. Kahit ilang piraso lang ng damit na madumi. Mas gugustuhin pa gumamit ng washing machine kesa mag-handwash! Nuknukan kasi ng tamad…! Wala lang…!!! naalala lang niya bigla ang insidenteng iyon. At kapag ganitong naiinis siya sa boss na si Zinc De Castro. Dahil sa pananakot nito. Mas gusto na lang niya pagdiskitahan ang matandang kasambahay na tamad. Pisting yawa naman...!!! Para kahit paano maibsan ang kanyang sama ng loob na dinadala ngayon.
Ganoon pa man. She needs to be more patient. Magpakita ng paggalang at sa amo.
“Sir----Zinc if you won’t mind. Meron po ba pumasok na ibang tao sa cubicle ko na nagmula sa labas.?” Nag-aalangan na tanong ni Copper sa boss.
Tiningnan muna siya ni Zinc simula ulo hanggang paa.
“Miss Valencia where did you took your guts? Para tanungin ako kung meron ibang tao na pumasok sa cubicle mo. Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo. Kung sino-sino ang labas-masok sa CEO’s office. Bakit parang baliktad ang nangyayari? Nauunawaan mo ba ang trabaho mo sa opisina ko as my executive secretary.” Napakagaling talaga niya magpanggap. Kahit kailan magaling siya magtago ng totoong saloobin. Samantalang kanina pa niya pinipigil na mapahagalpak ng tawa.
Walang nagawa si Copper kundi bumalik na lang sa kanyang cubicle. Tila bagsak ang balikat na umupo sa swivel chair. Ngali-ngali ihagis niya ang flower vase sa lapag. Ang ikinasasama lang ng loob niya. Parang pinagmumukha pa siya tanga nito at wala alam.
Sino ba naman kasi ang magkakaroon ng lakas ng loob na pumasok sa CEO’s office? Para lang siya takutin ng ganoon. Walang ibang pwede na tumakot sa kanya kundi ang sariling amo na si Zinc De Castro. Iyon ang binubulong ng kanyang konsensya. Dahil ito lang naman ang naiinis at mabigat ang loob sa kanya. Alangan naman si Miss Belle. Hindi naman iyon boses babae.
“Inay kumusta na kaya ang ate sa trabaho niya? Kumain na kaya siya ng lunch? Baka inaapi na siya ng gwapong CEO na yun.” Sabi ni Vina sa ina. Habang sila ay kumakain ng tanghalian. Masarap ang kanilang ulam. Asim kilig at malinamnam na sinigang na baboy. Binili lamang iyon ng Inay niya sa carinderia sa may kabilang kanto. Hinaluan iyon ng labanos, kangkong, okra at talong.
“Anak kilala natin ang ate mo. Hindi iyon papayag na maaapi. Lalo na kung alam niya na nasa tama siya. Ganyan ang pagkakilala ko sa ate mo. Kaya naniniwala ako Vina na meron dahilan kaya napasok ang ate mo sa kompanyang iyon.” Kampanteng paliwanag ng kanilang ina.
“Kung sabagay Inay. Tama ka po dyan. Fighter yata ang ate ko.” Pagsang-ayon naman ni Vina. Masyado lang din kasi siya nag-aalala para sa kanyang ate.