FIRST DAY

2364 Words
Ito na yata ang pinakamaagang gising niya sa buong buhay niya. Hindi niya mawari ang sarili. Kung para ba iyon sa excitement o para sa nervousness. Ang bilis ng araw. Lunes na kasi ngayon. Ang unang araw niya sa trabaho. Nakakatuwa kasi napaka supportive ng kanyang kapatid at ina. Si Vina kasi ang nagpakintab ng kanyang black shoes using kiwi. Ang Inay naman niya ang nagplantsa ng kanyang damit. “Inay, okey na po ba ang hitsura ko.” Tila natataranta niyang tanong sa ina. Habang nakaharap sa salamin. “Naku! Talaga naman ang dalaga ko. Aba! Syempre naman super ganda mo ahh. Bagay na bagay sayo ang suot mo. Kitain mo anak hindi halata na nabili lang natin sa ukay-ukay ano! “ ang tinutukoy ng kanyang ina ay ang suot niyang black skirt at long sleeve na white. Nagkakahalaga lang kasi iyon ng one hundred fifty pesos lahat. Fifty pesos – black skirt Fifty pesos – white long sleeve Fifty pesos – black Aldo shoes 1.5 high heels “Inay bakit kaya ganito ang pakiramdam ko. Kinakabahan po ako.”palakad-lakad siya pero panay ang haplos sa kanyang skirt. “Anak naman natural feelings. Kahit sino naman lumagay sa sitwasyon mo. Ganyan din ang mararamdaman. Chill and relax lang anak. Ngayon pa ba naman? Naipasa mo nga ng bongga ang interview. Magaling at Matalino ka Copper.” Iba talaga ang nabibigay na inspirasyon ng isang ina. Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Confident naman siya sa sarili. Maganda kaya ang kanyang tindig. Aba...naging Miss Intrams kaya siya. Bukod sa pagiging matalino. Active din siya sa mga pageants. Tunay na nabigyang buhay niya ang black skirt. Dahil sa maumbok ang kanyang pwet at malapad ang balakang. Flat ang kanyang tummy na binagayan din ng long sleeve white na humahakab ang balingkinitang katawan. Masaya siya nagpaalam sa ina at kapatid. Pasado 7:30 ng umaga ng makarating siya sa Alliance Tech Corporation. Tulad ng instruction sa kanya ni Miss Belle. Dumiretso siya ng human resources office para sa contract signing. Since ngayong araw din ang kanyang joining date. Ibig sabihin ay ito na rin ang araw ng pagsisimula sa kanyang trabaho. “Diyos ko po…Copper…paano na kaya? Kapag kayo na lang dalawa ni Zinc De Castro. Ano ang mangyayari? “ tanong niya sa isip. “Natural Copper…magtatrabaho ka! Ano ba ang ineexpect mo na mangyayari? Kaya ka nga narito diba…para magtrabaho. Nagdesisyon ka na. Kaya panindigan mo yan.” Sagot din niya sa sariling tanong. Inaatake kasi siya ng kaba sa tuwing maaalala ang magiging boss niya na si Zinc De Castro. Para bang gusto na lang niya na mag-back out. Pero sa tuwing makikinita naman niya ang fresh contract na pinirmàhan. Nakangiti sa kanya ang tumataginting na fify-thousand pesos only. Iyon lang naman kasi ang kanyang sasahurin sa loob ng isang buwan excluding overtime and other benefits of the company. Sino ba naman ang hindi mabubuhay ang energy kapag ganito ang digits na sasahurin. Gusto niyang magpakatatag para sa ekonomiya para sa pamilya. Gagawin niya ang lahat para sa kapakanan ng pamilya. That is her goal. She needs to focus on her goal, not in her worries. Ang tagal niya pinangarap ang pagkakataon na ito. Kaya dapat lang na hindi niya ito sayangin. Iisipin na lang niya meron dahilan ang Diyos kaya siya idinala sa kompanya ng Alliance Tech Corporation. “Come with me! Miss Valencia. I’ll endorse you to your boss.” Nakangiting wika sa kanya ni Miss Belle. Pinilit niya kalmahin ang sarili. Habang sinasabayan sa paglakad si Miss Belle. “Hi Boss Zinc good morning. Here we are with Miss Copper Valencia. Your new secretary.” Narinig niyang sabi ni Miss Belle sa nakayuko pang lalaki na tila meron iyon pinipirmahan na dokumento. Napansin niya na napatigil iyon sa ginagawa. “Good morning ladies!” sa wakas ay narinig niyang sabi nito. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay nito. Ramdam niya na pinapasadahan siya nito ng tingin. Pailalim ang tactics ng pagtitig nito sa kanya. Ayaw naman niya patulan na salubungin iyon. Baka kung ano pa ang madiskubre niya doon. Pakiramdam kasi niya ay nag-iinit ang kanyang mukha ng mga sandaling iyon. “Copper please kumalma ka naman!” bulong niya sa sarili “Boss Zinc, I have an urgent meeting today.”maya-maya ay narinig niyang sabi ni Miss Belle. Senyales na ba ito na tuluyan na siyang iiwan nito sa kamay ng mabagsik na CEO. “No problem! Go ahead Miss Belle. Ako na ang bahala sa bago kong sekretarya.” Narinig niyang sabi ni Zinc De Castro at pagkatapos ay sinegundahan siya ng tingin na tila meron ibig sabihin ang mga titig nito. Ano ba ang ibig sabihin ng mga titig na ito? Para kasing nakakaloko iyon na hindi mawari. Mukhang nakatakda yata na masira ang unang araw niya sa trabaho. “Okey Boss. Thank you. Miss Copper I’ll go ahead. No worries, Boss Zinc is a kind one.” Nagbiro pa si Miss Belle bago iyon umalis. Iniisip niya tuloy na baka napansin nito ang pagkatakot niya. Isang tipid na ngiti lang ang kanyang isinagot. Napayuko pa siya ng lagay na iyon. “Alright…! What should I say to my new secretary?” iyon ang salitang nakapagpaangat ng kanyang ulo na nakayuko. “Welcome young lady! Welcome my new secretary! Welcome Miss Copper Valencia to Alliance Tech Corporation.” kaswal na sabi nito at pagkatapos ay ngumiti ng ubod tamis na ewan ba niya kung bukal sa kalooban nito ang ngiting ipinagkaloob sa kanya. Very professional ang kilos at dating ng pananalita nito. Pero ng ngumiti ito ay hindi na siya sigurado kung meron pa din kalakip na professionalism. “Thank you Sir!” kaswal at na sagot niya. Ilang sandali pa at tumayo na si Zinc De Castro sa upuan nito at iginiya siya sa isang cubicle na halos naka-attached lang sa opisina nito. Isang glass division lang ang pagitan nilang dalawa. Sobrang lapit niya dito. Kung tatawagin siya nito na kahit nakaupo lang sa swivel chair desk nito ay dinig na dinig niya ito. Napansin din niya na meron isang corner doon na tanging kurtina lang ang harang. Parang bigla siya na-curious. Kung para saan iyon. Iisa lang din ang comfort room doon. Ibig sabihin share silang dalawa. Kung pupunta naman siya sa comfort room na nasa labas ay malayo iyon sa CEO's office. “So! Miss Valencia. This will be your working area at all times. Just fix your self and we will have a short orientation after ten minutes. Don’t worry it’s not a typical hard orientation 5-10 minutes maximum. I don’t want to talk too much. I have a lot of things that needs to do.” Sabi nito sa kaswal na tono pero madiin ang bawat salita. Fully furnished ang opisina. Kumpleto sa office equipment. Sa ibabaw ng table nakapatong ang isang bagong laptop. Apple brand iyon. Meron nakadikit label na “CEO’s secretary”. Bukod pa flat screen PC na nasa gilid ng table niya. Ipinatong niya ang personal bag sa swivel chair at saglit na naupo doon. Ano ba pakiramdam ng first time nakaupo sa swivel chair? This is her first job. Kaya naman kabado talaga siya. Pero tulad ng naipangako niya sa kanyang sarili. She will do her best to fulfill her duties and responsibilities as CEO’s secretary. “Are you ready, Miss Copper Valencia?” napapitlag siya sa kinauupuan ng bigla na lang sumungaw si Zinc De Castro. “Yes! Sir I’m ready.” Mabilis niyang sagot. “Alright! Please come to my table.” Iyon lang ang sinabi nito at tumalikod na din. Mabilis siya kumilos. Ilang segundo lang ang lumipas at nakaupo na siya sa isang bakanteng upuan sa harap ng desk nito. Medyo nailang pa siya sa paraan ng pagkatitig nito. Hawak kasi ni Zinc ang ball pen. Nakatuon ang ballpen sa bandang ibaba ng labi nito na pinapagalaw-galaw pa, kasabay ng pag-ikot ng swivel chair. Habang matiim ang pagkatitig nito sa kanya. “Miss Valencia do you have a boyfriend?” napaunat si Copper sa bumulalas na tanong sa kanya ni Zinc. Kasama ba ito sa orientation? Ang pagtatanong ng personal. “Come on! Did you know why I am asking this things to you? Absolutely, you are wondering. It’s a personal things, hence I do not care right? But sorry to say…it’s my job requirement. ”seryosong sabi nito at nakatitig sa kanya si Zinc na para bang hinihintay nito kung ano ang kanyang sagot. Napamaang si Copper na tila nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi nga niya magawang magsalita sa sobrang pagkagulat sa tanong nito. “S----irrrr.” “You look so tense Miss Valencia.” Nakakainsultong wika ni Zinc “I’m just kidding…Miss Valencia. Ano ba naman ang pakialam ko sa personal mong buhay.”pagkuwa’y sabi nito na tumawa ng pagak. “Sir I have no boyfriend nor suitors po.” Diretsahang sagot ni Copper. Hindi niya alam kung bakit kahit sinabi na nito na wala naman pala pakialam sa personal na buhay. Parang gusto pa rin niya na malaman nito na wala naman talaga siya boyfriend at suitors. This is not her priority right now. “I said I don’t care Miss Valencia.” “Noted Sir!” “As I’ve said before. I don’t want to talk too much. I am sure that when you signed the contract and handbook. You are aware already regarding do’s and don’ts. When it comes to hiring manpower, I know and I trust the best standard taste quality of Ms. Belle. Hence I am looking forward that you will perform job beyond expectations.” Madiin na wika ni Zinc na hindi inaalis ang pagkatitig sa mata niya. Ramdam naman ni Copper na tila gusto na naman siya sindakin ng kaharap. Kailangan na ba niya ilabas ang totoong siya? Akala yata nito basta na lang siya vow…wow…vow! No way! Never! “Ibahin mo si Copper Valencia…Mr. Zinc De Castro.” Bulong niya sa isip. Kapag sinagot niya ito ng pilosopong istilo niya. Sigurado uusok na naman ang ilong nito. Pasalamat ito at unang araw niya sa trabaho. At ayaw niya basta sirain ang memorable first day of work niya. Dapat masaya siya na uuwi mamaya. Kailangan mas mataas ang level ng positive vibes kesa sa negative vibes. “Ok Sir noted po.” “Unang-una, Mistakes is Zero tolerance in my office. There is no mistakes in this office. When you’ve done mistakes it means that’s negligence from your side. “ parang galit na galit ang CEO sa pagkakamali. Hindi ba nito naiintindihan na sa pagkakamali natututo ang tao. Bakit sigurado ba ito sa kanyang sarili na hindi nagkakamali? “Ok Sir noted po.” Gusto sana niya sumagot ng pabalang at mangatwiran. Pero nakapangako na siya sa sarili na she will behave today. Makikinig at aayon lang muna siya. This is not the right time of bangayan. “Pangalawa, ayaw ko ng makalat ang table. Kung ano ang kailangang gawin. Iyon lang din dapat ang nasa ibabaw ng table. Messy work place, Messy unproductive mind. Is that clear Ms. Valencia?” nanunuya ang boses nito. “Yes Sir noted po.” “Pangatlo, kapag oras ng trabaho…it means trabaho lang. Kapag sinabi ko, sinabi ko na. Hindi na pwedeng mabali. Sa lahat ng ayaw ko yun kinokontra at sinasalungat yun opinyon ko. Is that clear, Miss Valencia? Makasagot na si Copper. Halatang nagpipigil ito. “Yes! Sir noted po.” Sa wakas ay nasabi pa rin niya. “Actually, I don’t want to be unfair with you Miss Valencia. As I am not the traitor one who will talk behind your back. So! It’s better to tell you now. I am not really fond with you. Your interview with me is failed. So! meaning to say. I don’t like you as my secretary. But I can’t do anything as I’ve trusted the recommendation of the HR Manager. So! I have no choice to have you here in my office as my new secretary.”kaswal lang na sabi ni Zinc na para bang napaka-cool lang ng mga salitang binitiwan nito. Sino ba naman ang makakapagtimpi kapag sinampal ka ng mga salitang ganito ka-brutal? Hindi man lang isinasaalang-alang ang kanyang mararamdaman bilang isang tao. Gayunpaman, pinilit niya na ikalma ang sarili at huwag basta magpadalos-dalos ng pagsagot. Nasaktan siya ng sobra sa lantarang pag-ayaw sa kanya nito. Sana pala hindi na lang siya ang tinanggap sa posisyong ito. Kung ganito lang ang magiging trato sa kanya. “But don’t worry Miss Valencia. This is your chance to prove that I was wrong to dislike you. So! I would suggest to you. Just do your best and show me that you are truly deserving in this position. Make sure that your goal is higher than your fears. Otherwise, leave from my office now. Because you have no space for you here. I guess that’s all for today. You can go back now to your work area. Thank you for your time Miss Valencia. “Thank you Sir!” mahinang sagot niya na agad din binawi ang tingin. Tumayo na siya buhat sa kinauupuan at akmang lalakad na ng bigla na naman magsalita sj Zinc. “At sa lahat ng ayaw ko Miss Valencia. Yun mahina ang boses sa pagsagot. Ayaw ko ng palamya-lamya sa opisina ko. I want an energetic person. More energy. More power. More production. More success. That’s all I want from you Miss Valencia.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Napakislot naman si Zinc ng tila na-amused siya habang pinagmamasdan ang tindig ni Copper. Aaminin niya ibang-iba ito sa lahat ng naging sekretarya niya. Pinakabata nga ito pero bakit parang pinakaiba din ito ng dating para sa kanya. “Noted Sir! Thank you” mas nilakasan niya ang boses. Nakita niya na napangiti iyon pero mapakla nga lang para sa kanya ang dating. Mabilis siya lumakad papunta sa cubicle na nakatalaga sa kanya. Pagdating sa upuan ay parang nanghihina siya na napaupo sa swivel chair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD