Isang oras na ang nakakalipas matapos tumawag si Miss Belle. Hindi pa rin makapaniwala so Copper na tinawagan siya ng company ni Zinc De Castro. Ang lalaking nakasagutan niya habang kinakapanayam siya. Masaya siya sa oportunidad na dumating. Lalo pa at determinado talaga siya na magkatrabaho na. Kaya lang hindi rin niya maiwasan na isipin. Kung paano ang magiging buhay niya sa kamay ng isang Zinc De Castro. Lalo pa at nauna na ang hindi magandang first meeting nila.
Kumilos na muna siya para ihanda ang hapag-kainan. Tinawag na niya ang ina at kapatid para kumain.
“Ate ang sarap talaga ng luto mo. Promise…! Panalong-panalo talaga ang sarsyadong tinapa with kamatis.” Palatak ng kapatid niyang si Vina na panay ang subo.
“Aba! Syempre naman…talento yata ang pagluluto. Luto ng pagmamahal yan anes…! Mana ako kay Inay eh! ”natatawang sabi ni Copper habang ngumunguya sabay tinapunan ng tingin ang ina na halatang giliw na giliw sa kanilang magkapatid.
“Ganyan nga mga anak ha…kahit gaano kahirap ang buhay natin. Ingiti at itawa natin yan kasama ng Panginoong Diyos. Pasasaan ba at makakamtan din ninyo ang pinakamimithing pangarap sa buhay. Anak…Copper kumusta na pala ang pag-aapply mo ng trabaho? Huwag mawalan ng pag-asa anak. Hindi ka pababayaan ng Diyos. Dahil mabuti kang anak.” Sa halip na sumagot sa kanyang ina. Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan tsaka tumingin sa ina at kapatid.
“Ehem….hmmmm…ate parang alam ko na ang mga tinginan na ganyan ahhh…Inay mukhang meron good news sa atin si ate. We’re so excited ate. I-reveal na yan.” Mistulang kinikilig na sabi ni Vina.
“Pagkatapos natin kumain diretso tayo sa sala. Kwentuhan lang. Namimiss ko na kasi kayo. Masyado na ako na-busy sa pag-aapply ng trabaho ng mga nakaraang araw.” Nangingiti niyang sagot. Maging siya ay talaga namang excited sa kanyang good news. Kahit pa nga ba punong-puno ng kaba at doubts.
“Aba…eh bilisan na natin kumain at ng malaman na natin yan.” Natutuwang sagot naman ng kanyang ina.
“Opo naman Inay.” Sang-ayon naman ni Vina na sinabayan din ng tawa.
Maya-maya pa ay napuno na ng halakhakan ang maliit nilang hàpag-kainan. Salat man sila sa masarap at marangyang ulam. Sagana naman sila sa pagmamahal ng pamilya. Aanhin ang isang magarang hapag-kainan kung wala naman pagkakasundo sa bawat miyembro ng pamilya.
Nauna na umangat ang kanyang Inay at kapatid.
“Anak...hintayin ka namin ha. Bilisan mo dyan at excited na kami talaga.” Malambing na paalam ng ina. Bago iyon nagsimulang maglakad kasama si Vina. Napakasaya niya. Ramdam na ramdam kasi niya ang moral support ng pamilya.
Her success will be the success of her family as well.
Nagmamadali na hinugasan ang mga plato na kinainan nila. Naabutan niya na nanonood ng t.v ang ina at kapatid. Maya-maya pa kinuha ni Vina ang remote control at hininaan ang volume ng television.
“Wow! Totyal…meron pa talaga pa-Doritos.” Pang-aalaska ni Vina na kinuha ang isang mangkok na junk foods. Masarap lang kasi yun ganito na habang nagkukwentuhan while watching t.v meron nangunguya.
“Yes! Hayaan mo sa una kong sweldo. Hindi lang Doritos ang matitikman ninyo.” Nagbigay na siya ng hint sa topic na bubuksan habang nakangiti.
“Ate OMG…is it true?” nanlalaki ang mata na sabi ni Vina. Habang panay ang kain ng Doritos. Para kasing nahuhulaan na niya ang susunod na sasabihin ng kanyang Ate Copper.
“Anak…nagbunga na ba ang pagpupunyagi?”Hindi naman maitago ang excitement sa boses ng kanyang ina. Nakangiti iyon na tila sabik ng marinig ang kanyang sasabihin.
Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga.
“Inay…!” tawag niya
“Vina…!” tawag niya muli
“It’s a big yesssssss…!”hindi napigilan ni Copper ang sarili na mapahiyaw sa sobrang tuwa na kanyang nararamdaman.
Agad naman siya nilapitan ng ina at kapatid para yakapin ng mahigpit.
“Huge congratulations my dear ate ko. You really deserve for that blessings.” Halos maluha-luhang wika ni Vina. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa. Batid kasi niya kung gaano naghirap ang nakatatandang kapatid . Kung gaano ito katiyaga sa paghahanap ng trabaho.
“Anak…ko congrats naman sayo talaga. Nagbunga na ang lahat ng pagsasakripisyo mo. Alam ko anak kung gaano mo yan pinaghirapan. Kaya karapat-dapat ka lang na pagpalain.” Parang maiiyak na din siya ng makita ang giting luha na sumungaw sa mata ng kanyang ina. Mas lalo siya humigpit ng yapos. Maluha-luha din na tumayo si Vina mula sa kinauupuan at mabilis na yumapos sa dalawang kapamilya.
“Nakakahawa naman kayo Inay at Ate ehh…drama…rama tayo…” nagkatawanan silang tatlo ng maghiwa-hiwalay at magsibalik sa kanya-kanyang upuan. Ilang sandali parang bumalik naman ang kanyang isip sa katotohanan na pwedeng kaharapin. Dagli din napalitan ng ibayong lungkot ang kanyang maamong mukha. Hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang ina at kapatid.
“Ate…bakit parang lumungkot ang awra mo? Hindi ka ba masaya?” untag sa kanya ni Vina na lumungkot din ang mukha.
“Anak…meron ka ba problema? Please huwag mo ilihim sa amin. Nandito kami para alalayan at damayan ka.”
“Inay ang totoo po napakasaya ko talaga. Ang tagal ko pinangarap na makapasok sa Alliance Tech Corporation.” Panimula niya na tila nag-aalinlangan.
“Ate…hindi ba si Mr. CEO nga ang nasa Alliance Tech Corporation? OMG…bongga ka day…! Gossshhh…” meron pa pakilig ang balikat ni Vina
“Anong meron mga anak?” nakiabot usap naman ang ina na tila nawawala sa topic.
“Inay ang CEO ng kompanya na napasukan ni ate ay ang kanyang ultimate crush po. Ayieeehhhh…!” wala sa loob na pagtatapat ni Vina.
“Hay! Naku…pisting yawa…ultimate crush…aba hindi ko alam yan ha…mga anak.” Natatawang sabi ng kanilang ina.
“Oo sissy…siya na nga!” kumpirmang sagot ni Copper na nakaingos ang ilonng.
“O’ yun naman pala ate kooo…! Dapat masaya ka. Eveyday mo na makikita si Mr. Crush CEO. Inspired ka sigurado magtrabaho.” Masayang wika ni Vina na inakbayan pa ang ate.
“Naku…Vina kung alam mo lang. Naglaho lahat ng expectations ko sa CEO na yun.” Hindi na rin siya nahiya na ipagtapat ang totoong saloobin.
“Anak…makikinig kami.” Malumanay na sabi ng kanyang ina. Tiningnan siya ng diretso sa mata ng kanyang Inay. Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam sa presensyang iyon.
“Inay…Vina…please I need your advise. Sobrang saya ko kasi ito na yun katuparan ng pangarap ko. Napakaswerte ko kasi nasungkit ko ang position na iyon kahit fresh graduate at zero work experience ako. Gustong-gusto ko na din makatulong sa inyo. Pero isang bagay lang ang ipinag-aalinlangan ko.” Parang hirap na hirap ang boses niya sa pagsasalita.
“Ano yun anak ko?”
“Hindi ko po alam kung magkakasundo kami ng magiging boss ko na si Mr. Zinc De Castro . He is the CEO of the company.”tahasang sabi niya.
“Anak…teka lang…! Bakit meron ka na point of view na hindi kayo magkakasundo? Iyon ang hindi ko makuha. Bigyan mo ako ng kongkretong paliwanag.” Tila nalilitong tanong ng kanyang ina.
“Ate naman….crush mo nga iyon diba. Sabi mo nga mukhang mabait.” Nakangiting komento naman ni Vina.
“That’s what I thought. But I was wrong.” Walang gatol na wika niya.
“ What happened ate?” sa hitsura ni Vina ay very curious ito na malaman ang katotohanan sa likod ng kalungkutan ng kanyang ate.
“Inay…sissy, ganito kasi ang nangyari. Nag-walk in ako sa Alliance Tech Corporation. Ayaw nga ako papasukin ng security guard. Dahil mahigpit daw ako pinagbabawal doon. Pero nakakita ako ng pagkakataon na makapasok ng ipagtanggol ko yun security guard sa CEO na sumita sa kanya, about sa hindi pagsusuot ng I.D na nawala. After that incident maayos ako nakapasok sa HR office para isumite ang aking CV. Pinalad ako na makapasa sa mga exams na binigay sa akin. Then the HR Manager – Miss Belle Guada took me in the CEO’s office for interview. So! Yun na! Doon na nagsimula ang aming argumentation and debate. I don’t like the way he talk. He’s fierce. He’s ruthless. He’s impulsive. He’s boastful. He’s impolite. He’s so rude.”
“But he’s your crush love ateeeeee…!” nagtataka lang siya sa reaction ng kapatid. Dahil sa halip na mainis ito sa kanyang kinuwento ay parang masaya lang ito at hindi maalis ang kilig nito.
“Inayyy…!” tila paghingi ng saklolo niya.
“Anak ayaw kita husgahan kasi ikaw yan eh! Emosyon mo iyan. Basta ang maipapayo ko lang sayo. Gawin mo kung ano ang ibinubulong ng puso mo. Kung sa tingin mo ay mas malaki ang sampalataya mo sa iyong adhikain sa buhay. Naniniwala ka na ibinigay sayo ng Diyos ang daan na yan kasi kaya mo lampasan lahat ng lubak along the way. Then, I guess your doubts will disappear in time. Walang madali sa mundong ito anak. Lahat ay kailangan mo paghirapan upang makamit ang tagumpay. Sabi nga nila ang “ang taong walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon” totoo nga naman. Kasi alam mo anak mas masarap lasapin ang tagumpay. Kapag alam mong pinaghirapan mo talaga na makamit.”pagbibigay inspirasyon sa kanya ng dakilang ina.
“Ate kung anuman ang naging desisyon mo. Palagi lang kami ni Inay nandito para sayo. Basta ang mahalaga sa amin ay kung saan ka magiging masaya. We love you so much!” napaluha si Copper sa sinabi ni Vina.
“Pinapaiyak naman ako eh! Thank you so much Inay at Sissy.” Muli ay niyakap niya ng mahigpit ang ina at kapatid.
Bago siya natulog ng gabing iyon. Napagnilayan na niya ang desisyon sa kanyang sarili.
Dumating ang araw ng Biyernes. This is the day of truth na kailangan niya harapin.
Pasado alas-tres ng hapon ng makatanggap siya ng tawag. Tulad ng dati land line number ang nag-appear sa kanyang cellphone. Kaya naman nagkaroon na siya ng ideya at tinandaan niya ang last three digits.”
“Hello good afternoon Miss Copper Valencia. This is Miss Belle Guada of Alliance Tech Corporation. With regards to our phone conversation last few days ago. So! What’s up? Would you accept the job offer? We’re so glad to work with you Miss Valencia.” Masiglang sabi ni Miss Belle sa kanya. Nakakataba ng puso ang ganitong presensya. Lalo na at alam niya na meron ito position sa kompanya. Marahil na-impressed lang talaga ito sa performance niya bilang isang aplikante.
“Thank you for calling Miss Belle. I guess there is no reason to decline the offer. Yes! I accept it.” Determinado niyang wika na nakatingin sa relong suot.
“Good to hear that Miss Copper Valencia. I believe it’s a good decision. So! See you on Monday. Congratulations and welcome to Alliance Tech Corporation.” Kahit sa telepono lang sila magkausap ni Miss Belle. Damang-dama niya ang pagkatuwa nito sa naging desisyon niya.