Hindi maipinta ang mukha ni Zinc pagpasok sa kanyang opisina. Nadala yata niya ang init ng ulo mula sa dinaluhan na business meeting. Nagkaroon kasi ng malawakang pagtatalo hinggil sa isang topic. Masyadong hyper ang ulo ng ilang head participants. Hindi naman kasi ganoon kadali na magtanggal ng tao.
Kung meron pa ibang solution na pwede gawin ang kompanya. Try it best. Kasi sa hirap ng buhay ngayon tapos mawawalan ka pa ng trabaho. Aba! Hindi biro yun. Siya bilang CEO naniniwala siya na cost cutting is not a primary solution. Kailangan mo din alagaan ang kapakanan ng see mga empleyado mo. Kailangan mo pag-aralan ng masusi ang bawat detalye.
Nagmamadali ang mga paa ni Miss Belle sa pagpasok sa opisina ng CEO. Ang siste…kagagaling lang niya sa comfort room ng sabihin ng HR staff na tumawag daw ang CEO.
“Boss…good morning. How are you po?” alanganing bati ni Miss Belle kay Zinc.
“Good morning…! Please have a sit.” Matapos siya umupo napansin agad niya ang pagkunot ng noo nito. Minabuti niya na huwag muna magsalita at paunahin ang CEO. Pero mukhang sablay yata siya sa naging desisyon na hindi kumibo. Dahil doon ay mas lalo nakaramdam ng inis si Zinc.
“Hey! Ano na Miss Belle? Magtititigan na lang ba tayo dito. What’s up my dear HR manager? Until now there’s no result with the hiring of my new secretary…! How long will it take? 1 year? 5 years? 10 years? What’s the update?” iritadong wika nito.
Hindi lang ipinahalata ni Miss Belle sa kilos niya na nahintakutan siya sa paraan ng pananalita nito. Pinilit niya kalmahin ang sarili bago nagsalita.
“Boss Zinc kung natatandaan mo. I have talked to you after the interview of one applicant. I highly recommend that young lady. But I did not get any response from you.”kalmadong paliwanag ni Ms. Belle sa CEO.
“Who is that lady? Yes! I remember that young lady. She is Copper Valencia. How will I forget that lady? Ang nag-iisang babae na aplikante na lumaspatangan sa akin dito sa loob mismo ng aking opisina. How many times I told you that I don’t like her. She’s not my type.” Madiin na sabi ni Zinc na tumalim ang pagkatitig kay Miss Belle.
Napahugot ng malalim na buntong hininga si Miss Belle. Sa loob lang niya. Bahala na kung saan mapunta ang usapang ito. Kalangan din naman niya dumepensa paminsan-minsan.
“Boss Zinc but sorry to say. Miss Copper Valencia is well-deserved in that position. She is clever. She is competent. Out of 50 applicants. She is the only one who got a perfect score both written and verbal including personality development. As a matter of fact she was exceeded to our qualifications.” Naninindigan si Miss Belle sa bawat salitang binibitawan. She needs to stand out as a Human Resource Manager of this company. She understand it was the CEO but she has right as well to fight for the manpower appropriate reasoning.
“I don’t care Miss Belle. Then look for another best one. Do you think that out of that 50 applicants? I’m sure there is! That’s bul**** if nothing…! What kind of HR I have then…?” sumumpong na ang pagka tactless at impulsive ni Zinc. Hindi na nito makontrol ang mga salitang lumalabas sa bibig. Dahil sa inis na nararamdaman. Naidadamay na niya ang ibang tao.
Tila humulagpos na rin ang pasensya ni Miss Belle. Hindi na bago sa kanya ang ugali ng CEO na ganito kung magalit at mainis. Pero ang hindi niya inaasahan ay magmumura ito ng dahil lang sa manpower hiring. Ano ba gusto nito ipahiwatig na wala siya silbing HR Manager?
Then that’s bullshit too…!!!bulong sa isip niya. Ilang buwan na ba sila naghahanap ng aplikante na papasa sa position. Wala siya mapisil. Pero ngayon na meron na siya napisil. Tsaka! Naman nag-dradrama ang CEO na si Zinc De Castro. Kesyo ayaw nito dahil sa nilapastangan daw siya.
Well…ang masasabi lang niya marahil nakatagpo na ng katapat si Zinc De Castro. Yun tipong palaban na babae. Hindi basta tumitiklop sa ugali nito. Iyon ang bagay sa kanya sa totoo lang.
Parang gusto pa yata magdiwang ng kanyang kalooban. Mabait ang CEO na ito. Pero ang problema lang talaga dito. Napaka-impulsive nito. Walang pakundangan magpahiya. He’s a ruthless. Walang awa sa nararamdaman ng iba.
“Okey Boss Zinc. This conversation is finished. Find your new human resources manager. I resigned effective today. Thank you” Walang gatol na sabi ni Miss Belle. Nakataas ang noo. Larawan ng kawalang takot sa pananalita. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para bitawan ang mga salitang ito.
Halatang natigagal si Zinc sa salitang narinig kay Miss Belle. Hindi niya akalain na sasagot sa kanya ng wagas ang HR manager. Walang imik na tumayo at tinungo ang pinto.
Pinagpapawisan si Zinc habang sinusundan ng tingin si Miss Belle na naglalakad patungo sa gawi ng pinto. Pinahid niya ng daliri ang pawis na nagbutil-butil sa tungki ng ilong.
Kahit papaano ay nakaramdam din siya ng pagsisisi sa nagawa. Oo aaminin niya. Mali ang kanyang nagawa sa pagkakataong iyon. Hindi dapat siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Kaya bago pa tuluyang mawala sa kanyang paningin si Miss Belle. Marunong din naman siya mag-analisa ng kanyang pagkakamali.
“Miss Belle please wait…! Napahinto naman si Miss Belle sa paglakad ng marinig ang tawag ng CEO. Di yata’t sa unang pagkakataon tinawag siya nito. Ito lang yata ang usapan nila na natawag siya nito. Dahil kadalasan pa ay talagang punong-puno ito ng ugaling mainitin ang ulo. Basta kapag ginusto nito. Walang makakabali sa desisyon nito.
Sounds good. Takot din naman pala ito na mawalan ng HR manager on the spot. Minsan talaga mas maganda din yun nangangatwiran. Para hindi na lang sunud-sunuran. Nakakababa yata ng moralidad yun makatanggap ka ng mura. Bilang isang HR manager actually pwede niya bigyan ng memo ang CEO sa ginawa nito pagmumura. That’s against in the discipline good manner and right conduct rules.
Tahimik lang na huminto sa paglakad si Miss Belle at kaswal na sinalubong ang tingin ni Zinc.
“Miss Belle sorry for being so impulsive. Never mind for what I’ve said. I respect your decision as HR Manager” sabi nito sa kanya na ngumiti walang bakas ng inis ang mukha. Para lang ito nagdahilan. Ganoon naman ito madalas. Kapag nagalit walang control magsalita. Pero kapag lumipas na ang galit. Parang balewala ang lahat na parang walang nangyari.
“Boss Zinc pasensya ka na din sa naging sagot ko. Noted. I’ll go ahead.” Nakangiti na din na sagot ni Miss Belle. Siguro kaya ganoon na lang din kadali ang lahat. Dahil sa tagal na din nila magkatrabaho. It’s just only a work matters related and nothing personal with it. Ang totoo nabigla lang din siya sa nasabi. Dahil hindi naman niya kaya na basta iwanan ang kompanyang bumubuhay sa kanya sa napakatagal na panahon.
“No problem! Miss Belle. I understand.”
Nang makaalis na si Miss Belle. Nanghihina na napaupo si Zinc sa kanyang sofa lounge along the corner side of his wide office. Nasapo niya ang mukha sa pamamagitan ng dalawang palad.
“Ano ba nangyayari sayo Zinc De Castro? Bakit ka nagkaganoon kay Miss Belle? She’s a decade asset of the company.” tahimik niyang himutok sa sarili na punong-puno pa din ng pagsisisi sa nagawa. Idiniin-diin pa niya ang daliri sa sintido na waring ginigising ang isip na nakatulog.
“Inay ako na po bahala magluto ha. Ako na din po ang maghuhugas dyan. Magpahinga na lang po kayo.” Naabutan niya ang ina na abala sa kusina habang nagliligpit ng mga plato sa lababo. Kadarating niya galing sa bayan. As usual nagsipat-sipat siya ng pwede aplayan. Nagpamudmud ng kanyang CV as long as she can. Minsan gusto na niya panghinaan ng loob. Pero bumabalik pa rin siya sa matibay na paniniwala na makakasumpong din ng trabaho na para sa kanya.
Totoo nga pala talaga na kahit nakatapos ng pag-aaral. Meron degree at diploma. Pahirapan pa din na makapasok ng trabaho lalo na sa panahon ngayon.
“O’ siya anak ko! Salamat napakasipag mo talaga. Kahit pagod ka sa nilakad mo. Nagagawa mo pa na kumilos para pagsilbihan kami. Hayaan mo anak. Meron away ang Diyos.” Niyakap siya ng ina bago iyon tuluyang pumasok sa kwarto.
Umupo siya saglit habang pinagmamasdan ang limang piraso ng kamatis na nagkakahalaga ng twenty-five pesos. Imagine five pesos ang isa. Sigurado konti na naman nag supply at madami ang demand. The usual trend of law of demand and supply. Kapag mataas ang supply. Mababa ang demand. Panalo ang consumer kasi mura ang presyo. Pero kawawa naman ang supplier kasi halos wala na sila tubuin dahil bagsak presyo sa merkado. Kapag mababa ang supply. Mataas ang demand. Panalo ang supplier dahil tubong-lugaw sila sa produkto. Pero kawawa naman ang consumer dahil halos hindi na makabili ng produkto dahil pricey na ang bentahan sa merkado.
Parang nanghihina ang pakiramdam na binuklat ni Copper ang plastic na puti na naglalaman ng isang balot na tinapang buraw. Medyo malalaki naman ang isda. Pero nagmamahalan pa din siya sa halagang fiftty-peso na presyo nito. Kapag naiisip niya ang pagkamahal na presyo ng bilihin. Mas lalo umiigting ang pagnanais na makahanap na ng trabaho.
“Epal kasi ang lalaking iyon eh!” kapag ganitong depressed siya pagiging jobless. Hindi tuloy niya maiwasan na hindi alalahanin ang naunsyaming application sa company ng bwisit na elementong Zinc na iyon eh!
Wala naman mangyayari kung tutunganga na lang siya diba. Kaya naman sinimulan na niya hugasan ang kamatis. Nagsalang na din siya ng frying pan. Nilagyan ng mantika. Pinainit lang ang mantika at inilagay na niya ang tinapa. Hininaan lang niya ang apoy para hindi matalsik ang mantika. Takot na takot pa naman siya na matalsikan nito.
Habang hinihintay niya na maluto ang tinapa. Sinimulan na din niya hiwain ang kamatis, sibuyas at bawang. Akmang lalapit na siya sa may gas burner ng bigla naman tumunog ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa. Dali-dali siya naghugas ng kamay.
“Hello po.”
“Hello good afternoon. Please may I speak to Ms. Copper Valencia.” Babae ang nasa kabilang linya.
“Hello! Yes! Speaking...!” sagot niya
“That’s great. This is Miss Belle Guada of Alliance Tech Corporation. We would to invite you for offer letter signing if you still interested to work with us.” Masiglang wika ni Miss Belle.
Tila hindi nakahuma si Copper sa kinatatayuan. She was shocked. She can’t believe with it. Pakiramdam niya ay isang panaginip lamang ang lahat.
“Ma’am what do you mean po?” paninigurado niyang tanong.
“You are hired for CEO’s secretary position. Congratulations Miss Copper Valencia.” Masayang bati ni Miss Belle sa kanya.
“Ohh…my…God! Thank you so much po. Pero…” Hindi naitago ni Copper ang saya at pasasalamat. Ngunit hindi rin maitago ang biglang lungkot sa nabitin na kataga.
“Why Miss Valencia any doubts?” nahalata yata siya ni Miss Belle.
“I am really happy Miss Belle of course. But to tell you honestly I am thinking also Mr. Zinc De Castro as we had rough interview last time. What I mean is that we had argumentation and debate.” Tahasang sabi niya kay Miss Belle. There is no point to lie. Lalo na at human resources person ito. Mas maganda na malaman na nito ang kanyang concern habang maaga.
“I got you Miss Valencia. It’s fine. I will give you three days to think. Then I will call you on the 3rd day. So! Today is Monday hence I will call you back on Friday alright. Then if you accept the offer. Please report on Monday to sign the contract and join us that day also. Is that sounds good to you?” Diretsahang wika ni Miss Belle. Napakagaling talaga nito magsalita. Very powerful. Kung sabagay hindi ito magiging HR manager kung hindi sufficient and fluent magsalita.
“Miss Belle…!” tangi niyang nasambit na tila humihingi ng saklolong payo.
“Come on! Miss Valencia. Your problem is too simple. I know you’re not feeling good right now. But that’s only now. What about tomorrow? Okey…just to enlighten your mind. If you think your problem is bigger than your goal. Do not accept the offer. But if you think you goal is bigger than your problem. Then, its not a problem at all. Prove it. Fight for it. Stand for it. As long as you are in the right track of path.” Napapatulala na lang si Copper sa mga sinabi ni Miss Belle. Pero isa lang ang sigurado super bumaon ang pako ng payo sa kanyang puso at isip.