Mukhang matigas talaga ang CEO na ito. Bulong sa isip ni Copper. Imagine halata naman na nasukol na ito sa mga sagot niya. Pero ayaw pa rin magpatinag. Kahit papaano sana ay magpakita din ito ng pagtiklop ng ugali. Sadyang mataas talaga ang ego at pride. Tingin yata nito sa sarili ay isang Santo na sasambahin ng mga tao. Dahil isang bilyonaryo.
Bakit kaya ganito ang kalakaran sa mundong ito? Basta madami ka pera. Sasambahin ka ng mga tao sa paligid mo. Kahit saan tingnan maling-mali. Pero ito na yata talaga ang reyalidad ng buhay.
Hindi naman lahat ng kaligayahan ay kayang punan ng salapi.
“Look at you Miss Copper Valencia. Daig mo pa ang luya na pinitpit sa almires. Please take note panayam pa lang ito. Halos namumutla ka na. Nangangatog pa yata ang mga tuhod mo. I don’t think you are the best candidate for that position.” Tumawa pa iyon ng pagak na parang iniinsulto siya. Habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang mukha.
Pakiramdam ni Copper pinagpapawisan siya sa pagkairita sa lalaking CEO na ito. Hindi lang antipatiko. Sobrang mapanghusga pa.
“Mamaya pag-alis mo dito sa opisina ko. Kapag meron ka time. Dumaan ka sa comfort room. To glimpse your face. Ganyan ba ang magiging secretary to the CEO. Simpleng make-up lang palpak pa. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga business partners ko? Kapag isinama kita sa business meeting ko. “Zinc is she your maid? I would suggest you should undergo personality development training. Para matuto ka naman mag-ayos ng pagmumukha mo. To tell you honestly. Hindi ka mukhang mag-aapply ng trabaho. You look seems going to public market to buy one kilo of rice, one tray of eggs, one kilo of fish and one pack of dried fish including boneless bagoong. Samahan mo na din ng isang pirasong lipstick nang magmukha ka naman tao.” Wala na yata buto ng awa ang puso ng lalaking ito para alipustahin siya ng ganito.
Parang wala lang sa lalaking ito ang mang-alipusta ng kapwa. Pwes! Hindi para sa kanya. Malaking bagay ang dignidad at reputasyon ng kanyang pagkatao.
“Sir excuse me po. Opo! Tinatanggap ko po ang lahat ng sinabi ninyo sa akin. Hindi po ako nahihiya na ganito lang ang pagkatao na meron ako. Hindi po ako nahihiya na ganito lang ang hitsura ko. Hindi po ako nahihiya na kinakain ko ng buong puso ang lahat ng pagkain na binanggit mo. Maaaring hindi po pareho ang brand ng bagoong na kinakain natin. Pero isa lang po ang sigurado ko. Hindi po ako kasing-baho ng bagoong na sumingaw na nakulob sa isang garapon. Ibig lang po sabihin. Hindi mabaho ang pag-uugali ko na gaya ng isang mayamang tulad mo. Just FYI po, bago ako tumuntong sa opisinang ito. Sinigurado ko na kumpyansa ang aking sarili, sa kabila ng mumurahin kong damit, mumurahing make up at lipstick. Hindi po kasi ako mayaman at bilyonaryo na tulad mo so I can’t afford to undergo personality development. Let me remind you po. Hindi porke isa ka na pong bilyonaryo at maraming pera. It’s very easy na lang na mang-alipusta ng kapwa. Mag-iingat po kayo sa karma. Digital na po yan. At sa tingin ko po. Hindi lang ako ang dapat tumingin sa salamin. Mamaya po pag-alis ko sa opisinang ito. Sumulyap din po kayo sa salamin. Baka mas madami ka pa dumi sa mukha na kailangang linisin.” Tahasan na sabi ni Copper. Wala na siya kiyeme na magtapon ng salita. Tutal naman nilait na din siya nito ng sobra.
Halatang natigagal si Zinc. Napalunok pa iyon. Tila hindi makapaniwala na nakatanggap siya ng mga salita. Mula sa isang aplikante na tulad ni Copper Valencia. Sino ba ito para pagsalitaan siya ng ganoon? Mas lalo na nag-apoy sa galit so Zinc. Sa paraan ng pagkatitig nito kay Copper ay parang gusto niya lunukin ng buhay. Mukhang mahirap ng kalimutan ang mga salitang itinanik nito sa kanyang isip.
“You are very impolite…! Miss Valencia. Who are you? Isang katulad mo ang babastos sa akin. Damn…!!! Mataas ang boses na sabi ni Zinc.
“No! I’m not…! Mr. Zinc De Castro. I know how to respect person. Because my parents raised me well. But I believe it’s depend to the person. Gaining respect is not for charity, Sir Zinc De Castro. You should earn for it. So! Whatever you gave! It will return to you.” Taas-noo na sabi ni Copper na sinalubong ang mabalasik na tingin ng binata.
“Damn...! Damn…! Damn…!” histerikal na sabi nito na ibinagsak ang dalawang palad sa desk nito. Nagulat man si Copper. Hindi siya nagpahalata. Dahil alam niya once na nagpakita siya ng kahinaan sa lalaking ito. Mas lalo lang siya nito sisindakin. Wala na siya pakialam. Kahit hindi siya matanggap sa trabaho. Hindi siya papayag na basta na lang lalaitin at yuyurakan ang kanyang pagkatao. Sayang lang ang paghanga at pagmamahal na inipon niya sa kanyang puso. Para sa lalaking ito.
“Damn…! you too Sir…!” nakairap din niya na sabi na halos pahiyaw na din.
“How dare you to call me that way? Kung mumurahin mo lang din ako, Miss Valencia. Alam mo ba na ikaw pa lang ang bumastos sa akin ng ganyan. Hinding-hindi ko yan makakalimutan.” tiim-bagang na sabi nito.
“Sino ka din po para murahin ako…? I came here para mag-apply ng trabaho. Hindi po para magpamura at magpa-alipusta sa isang tulad mo. Mas lalo naman po ako. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang araw na ito. Isa ka pong bangungot sa buhay ko.” Mababa na ang boses ni Copper pero naroon pa din ang bawat diin.
“Ako…! Bangungot? Sa gwapo kong ito…! Baka naman magandang bangungot sa buhay mo, Miss Copper Valencia. Kung hindi ko pa alam ang mga galawan ng tingin mo sa akin.” sabi nito sa kanya na malawak na ang pagkakangiti. Ibang klase din ang lalaking ito. Pagkatapos siya laitin at bastusin.
“Aminin mo na kasi, Miss Copper Valencia na crush mo ako.” sabi pa nito na bahagyang tumayo at dinukwang siya. Hinawakan lang naman nito ang kanyang baba. Hindi naman gaanong lumapat ang daliri nito. Dahil mabilis siya nakailag. Kung sumanggi man. Siguro dulo lang ng daliri ni Zinc De Castro.
“Uyyy! Kilig ka naman Copper Valencia. Hinawakan ka Niya. Ahhhh…no…! Huwag na Copper please…ang sama ng ugali niya.” Susog ng kanyang isip.
“Siguro nga po Sir. Pero sa nangyari po. Bigla na lang naglaho na parang bula ang paghanga ko sa inyo. I realized na hindi naman po pala karapat-dapat hangaan ang isang tulad mo. Dahil napakasama po pala ng ugali mo. Monster attitude po.” sa sinabi niyang iyon lalo na umusok sa galit ang ilong ng binata. Mabilis nito kinuha ang telepono.
“Guard…please come to my office now…!!!” matigas na utos nito.
Kasing bilis din ng kidlat na gumana ang isip ni Copper.
“Hindi mo na po ako kailangang ipakaladkad. Aalis po ako ng ma maayos. Salamat po.” mabilis na tumayo si Copper sa kinauupuan at inilang hakbang lang ang pinto.
“Miss Valencia…! Miss Valencia…! Come back here. We didn’t finish yet. You don’t want to know the result.” sabi ni Zinc na nakangiti naman.
“No! Sir! Thank you na lang po sa kasamaan ng ugali mo.” Wala na siya balak lumingon pa. Diretso siya naglakad. Nasalubong pa niya sa pasilyo si Miss Belle. Ngumiti lang iyon sa kanya. Akmang lalapitan siya. Maagap siya tumalilis. Mabuti na lang at meron tumawag kay Miss Belle, dahilan para mawala ang atensyon sa kanya.