COFFEE LOVE MOVES

2115 Words
Hindi napigilan ni Zinc ang mapangiti ng umagang iyon. Bakit? Pagpasok pa lang kasi niya sa personal lounge. Naamoy na agad niya ang umuusok na coffee na nakapatong sa center table. At mas lalo pa nadoble ang ngiti niya ng makita ang isang papel na hugis puso. Ito ang mensahe na nakasulat doon. Sir Zinc, Good morning po! This is your coffee po. Huwag na po masungit at suplado. Sige ka! Baka mabawasan po ang TDH package mo. Huwag din po magpapagutom. Dahil nakakapangit daw po yun. Smile na po Sir Zinc??? Have a great day ahead! Copper Sa totoo lang humahanga siya sa personalidad ni Copper Valencia, his secretary. Sobrang haba ng pasensya nito sa kanyang ugali. Kahit ilang beses na niya pinahiya. Kung ano-ano ng salita ang ibinato niya. Pero heto pa rin at nagagawa siya patawanin ng ganito. Bihira ang babaeng tulad nito. Talagang meron pangarap sa buhay ang batang ito. Meron paninindigan. Meron marangal na prinsipyo. Meron matibay na determinasyon sa sarili. At higit sa lahat palaban at lumalaban talaga. Lalo na kapag alam nito na nasa tamang katwiran ang ipinaglalaban. At syempre ang pinakagusto niya ang tambalang salita na umaamong-lumalaban. Kakaiba kasi talaga ito sa mga babaeng naging sekretarya niya. Aaminin niya sukdulan ang pag-ayaw niya kay Copper noon. Naalala pa niya ang naging argumento nila ni Miss Belle. Pero habang tumatagal na madalas kinakagalitan at pinapahiya ito. Parang mas lalo din napapalapit ang kanyang loob sa batang sekretarya. At iyon ang pilit niya nilalabanan sa kanyang sarili. “Palaban siya sa akin. Palaban din kaya siya when it comes to bed.” Pilyong ngiti ang sumilay sa kanya sa isiping iyon. Hindi maalis-alis ang ngiti. Habang binubuksan ang laptop. Hindi rin agad siya nakapag-browse doon. Dahil mas inabala niya ang sarili na basahin ng paulit-ulit ang mensahe na nakadikit sa kanyang cup of coffee. Kinakabahan na hinawi ni Copper ang kurtina. Nakatanggap kasi siya ng text message mula sa boss. Pinapapunta siya sa personal lounge nito. Excited ba siya o kinakabahan. Nagawa pa niya sipatin ang sarili sa salamin. Bago lumabas ng kanyang cubicle. Naglagay din siya ng konting lipstick at polbu. Inilugay niya ang bagsak at maitim na buhok. Para mas lumutang ang kanyang simpleng ganda sa suot na green dress. As usual above the knee ang OOTD. Pero hindi naman masagwa ang style nito. Garterized ang bewang nito. Kaya very comfy sa kanyang balingkinitang katawan. “Come in”. Narinig niyang wika ng boss. Marahil ay napansin nito ang marahan niyang paghawi sa kurtina. “Sir----Zinc” mahinang usal niya. Kinakabahan siya ng konti. Pero hindi tulad ng dati na marinig pa lang niya ang boses nito ay nagkukumahog at nangangatog na ang kanyang tuhod. Napansin kasi niya na maaliwalas ang face awra ng boss niya ngayon. Ipinagdarasal nga niya na sana meron contribution ang kanyang love notes na ginawa para dito. Kaya maganda ang mood nito. “Have a sit…Miss Valencia.” Paanyaya nito. Iginiya pa siya nito na umupo daw siya sa tano nito sa sofa. Ayaw niya ito biguin. Kaya buong puso siya sumunod sa gusto nito. Ang sarap pala pakinggan ng boses nito kapag kalmado at walang halong high pitch. “Co-----p----per-----” paputol-putol na sambit nito. Napaawang ang labi ni Copper sa pagkamangha. First time niya narinig na tinawag siya ng boss using her first name. Estranghera siya sa bagay na iyon. Dahil nasanay na siya sa tawag nito using her surname na madalas ay pasikla pa at baritonong boses nito. Ramdam niya ang pagkailang nito sa kanyang presensya. Ang cute naman pagmasdan ng kanyang boss. Ganito ba ito kapag nahihiya? Hinahaplos ni Zinc ang sariling palad sa batok nito. Yuyuko saglit tapos ibabalik ang tingin sa kanya. Parang hindi niya nakikita yung kilala niyang ruthless CEO ngayon. Ibang side siguro iyon ng pagkatao nito. O’ baka sadyang nakatago lang at bibihirang ipamalas. “Sir-----Zin---c” alanganin din niyang sagot na pigil ang ngiti. Bahagya pa niya kinagat ang labi. Para maitago ang galak na nararamdaman. “Copper, finally…mukhang matitibag na yata ang pader sa pagitan ninyo ni crush CEO Zinc De Castro.” Kinikilig na bulong ng kanyang puso. “yahhhooooooo…! Magsasanib pwersa na ang dalawang nag-iinit na elemento. Hahaha” patuloy na buska niya sa sarili. Natutuwa lang kasi siya sa naisip. Tutal naman pareho hinango sa table of elements ang kanilang pangalan na dalawa. Subukan niya paglaruan at pag-eksperimentuhan. Zinc + Copper = Zipper Hindi niya napigilan na mapangiti sa kinalabasan ng naisip. Ano ba naman ito sa dami ng naisip? Zipper pa talaga. Ano yun tamang zipper lang ng JAG Jeans. So! ngayon pa lang pala. Meron na sila future name ng kanilang magiging anak. It was a unisex name. “ZIPPER VALENCIA DE CASTRO” Ito lang naman ang magiging bunga ng kanilang pag-iibigan. Ang layo na ng narating ng isip ni Copper. Habang pinagmamasdan ang super cute na boss. Parang bigla tumigil ang ikot ng mundo ni Copper ng mga sandaling iyon. “Copper thank you so much for this ha! I really like it. I really appreciate it. I really love this. You know why? First time ko makatanggap ng ganito. Fingers on my hand and foot are not enough if I will count how many secretaries I had before? But no one did simple things like this for me.” Pakiramdam niya mas lalo lumalim ang paghanga niya sa amo. Dahil sa ipinakita nitong appreciation sa kanyang ginawa. Hindi lang kasi talaga niya inaakala na overwhelming ang magiging reaction nito. Matagal na niya gusto gawin ang bagay na iyon. Pero pinanghihinaan siya ng loob sa tuwing maaalala ang pagsusungit nito sa kanya. Pero kaninang umaga ng dating niya sa opisina. Bigla na lang niya naisipan na gumawa ng heart shape using bond paper scratch. Sinulatan niya ng mensahe ito at idinikit sa tasa ng kape nito. “Sir--- Zinc maraming salamat po at nagustuhan mo ang ginawa ko. Labis po ako natutuwa Sir Zinc.” Nahihiya man ang kilos ni Copper. Pero ang ngiti na ibinigay niya sa boss ay galing sa kaibuturan ng kanyang kinikilig na puso. Hindi iyon matutumbasan ng kahit na anong bagay sa mundo. It was a priceless feelings ever. Parang gusto niya matunaw ng ngumiti muli si Zinc sa kanya. Naninibago lang siya sa kilos nito. Nang dahil lang sa kape. Bigla nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. “Pasensya ka na sa akin. Kung nadamay ka sa kasupladuhan ko. Alam kong nasaktan kita ng sobra. Hindi ko na naiisip madalas yun nararamdaman mo, bilang isang babae. Gustuhin ko man sayo ipaliwanag. Kung bakit? Sadyang mahirap lang talaga unawain ang mga bagay na nangyayari sa buhay ng tao.” Pigil ang emosyon ni Zinc. Salang-sala din ang kanyang mga salita. Hangga’t maaari ayaw niya balikan ang nakaraan. Sapat na ang naging ganito siya. “Sir-----Zinc okey ka lang po ba? Parang ang bigat po ng kalooban mo. Habang nagsasalita ka.” Sabi ni Copper na hindi napigilan na magtanong. Ewan niya pero parang ang bigat din ng puso niya na makita ito na parang meron mabigat na dinadala sa sarili. Meron ba ito lihim ng nakaraan? Multo ng nakaraan na tila kinatatakutan sa kasalukuyan? “No…! I’m okey. No worries.”pll Sagot ni Zinc na pumakla ang hitsura ng mukha nito. Itinuon ang tingin sa tasa ng kape. Kinuha iyon at nilagok ng paulit-ulit. Hindi tumigil hangga’t nasasaid ang laman ng tasa. “Sir-----Zinc are you sure po? Okey ka lang po talaga?” nag-aalangan man ang boses ni Copper. Naglakas loob pa din siya na tanungin ang boss. Gusto niya mahuli ang kalooban niya. Handa siyang makinig dito anumang oras. Ngayon pa ba? Kung kailan nagkaka-ideya na siya kung bakit ganito ang ugali ng boss niya. “I said I’m okey…Miss Valencia. Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na okey ako diba. Tanong ka pa din ng tanong. One word is enough for a wise man. Get out of here…!!!” Hindi na namalayan ni Copper kung paano siya nakatayo mula sa sofa. Marahil sa sobrang takot niya sa boss. Bigla na lang ito nagbago ng mood. Kanina lang kalmado na ito. Tapos biglang ganito na. “Sir-----Zi-----nc” her knees was trembling. Halos maiiyak na tinungo ang kurtina. Mabilis na hinawi iyon para makalabas. Huli na ng mag-angat ng tingin si Zinc na parang nagsisisi sa ginawang pagbulyaw sa kanyang sekretarya na si Copper. Natutuliro na naihapulas ang kaliwang palad sa ulo. “Zinccccc…..!!!” wika niya na sising-sisi ang tono ng boses. Sinusubukan naman niya kontrolin ang pagiging impulsive niya. Kaya lang kapag naunahan na siya ng inis at pagkairita. Hindi na niya magawang kontrolin ang sarili. Minabuti muna niyang huwag lumabas ng personal lounge niya. Kakalmahin muna niya ang sarili. Nakabalik na si Copper sa kanyang work area. Naka-open na din ang kanyang laptop. Madami siya incoming emails na kailangang harapin. Pero sa kondisyon ng kanyang sarili. Parang hindi niya magagawang itawid sa buong maghapon. Masyado siyang nawindang at naapektuhan sa inasal ng boss. Buong akala pa naman niya ay iyon na ang magiging simula ng closeness kay Zinc. Gayunpaman, lumilipad man ang isip. Sinubukan niya magfocus sa trabaho. Isang oras mahigit ang nakalipas. Bago lumabas si Zinc mula sa P.L nito. “Can we talk?” nakangiti na si Zinc ng pumasok ito sa cubicle ni Copper. Nababahala ang hitsura ng mukha ni Copper. Natatakot na siya magbitiw ng salita sa boss. Nakakadala. Baka mamaya bigla na naman ito magtaas ng boses ng walang kadahi-dahilan. “I am really sorry. Hindi ko sinasadya na masigawan ka kanina. Nabigla lang ako. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Please I am really sorry, Copper.” Mataman lang na nakikinig si Copper. Oo! Naiinis siya sa boss na sobrang suplado at ruthless. Pero sa mga sandaling iyon. Habang at awa ang kanyang nararamdaman para dito. Kakaiba ang nababanaag niyang lungkot sa mga mata nito. “Sir Zinc…I am so afraid to say any words po. Honestly, Sir Zinc hindi ko po maintindihan ang totoong ugali mo. Kanina po, pinapunta mo ako sa P.L ninyo. I thought everything would become smooth between us. Pinuri mo pa po yun simple things that I did to you. So! I thought we’re really okey na po. But all of a sudden, sinigawan mo na lang po ako. Sir Zinc I am trying my best na unawain ang ugali palagi. Kahit madalas mo po ako pinapahiya. Opo! Nagagawa ko mangatwiran sayo. Lalo na kung alam kong nasa tamang katwiran ako. But I respect you so high, Sir Zinc.” Emosyonal na wika ni Copper. Kinuha niya ang isang bond paper. Nagkunwari siya na binabasa iyon. Para hindi mahalata na nangingilid ang kanyang luha. “Copper…! Pasensya ka na ha. Kung sana ganoon lang kadali na maunawaan mo ako.” Nakayuko ang ulo ni Zinc. “Sir Zinc tinitiis ko po ang pagtrato mo sa akin. Kahit minsan pakiramdam ko sobra na ang bugbog sa puso ko. Tama ka po. I need this job to feed my family. Mahal na mahal ko lang po ang pamilya ko. Meron din po ako goal na gusto ko matupad pagdating ng araw. Kaya sabi ko sa aking sarili. Titiisin ko po lahat, alang-alang sa pamilya at pangarap ko. Pero tao lang din po ako na marunong masaktan. Sobrang sakit ng mga salita na itinapon ninyo sa akin. Sabi ko na lang sa aking sarili. Kaya ko ito! Pasok sa kabilang tenga. Labas sa kabilang tenga. Pero hindi po pala ganoon kadali ang lahat.” Hindi nakaligtas ang giti ng luha na gumuhit sa gilid ng mata ni Copper. Dalang-dala ang binata sa emosyon. Hindi nito mapigilan ang tila kutsilyo na gumuguhit sa kanyang puso. Habang nakikita na nasasaktan at lumuluha si Copper. Dahil sa hinanakit sa kanya. Nakakapagtaka ang kanyang sarili. Kailan pa siya nadala sa iyak ng isang babae? Madami na umiyak sa kanya. Literal na awa ang kanyang naramdaman. Pero iba ito ngayon. Hindi niya kayang ipaliwanag. Kung ano ang eksaktong salita. “Copper…! Copper…! Copper…!” madamdaming sambit ni Zinc sa kanyang pangalan. Namalayan na lamang niya na nayakap na pala ang sekretarya. Pakiramdam ni Copper nanigas ang kanyang kalamnan. Nabigla siya sa bilis ng mga pangyayari. Nagtama na pala ang kanilang malamlam na mga mata. “Hello everybody! Hello CEO’s office. Good morning…!” ang masiglang boses ng kung sinumang pumasok sa loob ng opisina. Ang naging dahilan upang maghiwalay ang katawan ng dalawang nilalang na magkayakap. Mabilis na bumitaw si Zinc sa kanya. Inayos nito ang sarili. Bago lumabas mula sa cubicle ni Copper. Ganoon din ang ginawa ng dalaga. Kinuha ang salamin at itinapat doon ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD