Pasado 6:30 na ng gabi. Napatikhim siya. Nag-uwian na ang lahat. Pero heto pa rin siya pagalaw-galaw sa apat na sulok ng kanyang cubicle. Natambakan siya ng trabaho. At bukas nga ay meron business conference ang boss. Kaya kailangan niya matapos ang ginagawa na ito. Iyon ay ang business proposal sa kanilang prospect client na ka-meeting ng boss bukas. Hindi naman siya matatakutin na tao. Malakas nga ang kanyang loob. Pero kapag ganito na siya na lang ang tao na natitira sa ikalawang palapag. Hindi niya maiwasan na kabahan.
“Hindi pwede Copper…kill your fears. Mas lalo ka matatatagalan kapag nagpatumpik-tumpik ka pa. Dalian mo na dyan…!” susog niya sa sarili.
Tama. Itinuon niya ang tingin sa laptop. Siguro mga thirty minutes pa. Tumayo siya para kunin ang printed output. Pagkuwa’y bumalik sa upuan at muling nag-set ng for printing. Napansin niya na nag-kulay orange ang button sa printer. Kaya tumayo siya ulit at dumako sa steel cabinet. Kumuha siya doon ng isang ream na bond paper at isinalpak ang ilang piraso sa printer. Continues na Ang printing. Nakahinga siya ng maluwag. Ipinikit niya ang mata. Para ipahinga din saglit. Pero maya-maya lang ay ginulantang siya.
“Blaggggggggg…!!!” parang meron bumagsak na bagay sa paligid. Sari-sari ang kanyang naiisip. Baka meron na pumasok na masamang loob. Pero hindi ganun kadali na makaakyat sa building. Sigurado hindi iyon makakaligtas sa security guard. Lalo na at dala-dalawa ang security guard na on duty tuwing gabi. Magkaiba ang nasa post guard at roving guard.
“Ahhhh…ouccchhhh…!” wala sans siya balak na alamin kung saan iyon nagmula. Pero ng marinig ang mahinang anas ay doon na siya nagsimulang maalarma.
Lumabas na siya sa kanyang cubicle. Gumawi pa siya sa may pintuan. Pero wala naman siya naramdaman o narinig.
“Oh…my God…minumulto na yata ako dito ahh…” mahinang bulong niya. Babalik na lang siya sa cubicle ng muling madinig ang mga anas. Tinalasan niya ang pandinig. Yun tipong ini-angkla pa niya ang tenga sa bawat corner ng opisina.
Napatigil siya sa paghakbang ng mapadako ang tingin sa personal lounge ng CEO. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawi ang kurtina.
“Si---------rrr Zin-----ccc” hiyaw niya. Sa sobrang taranta niya ay nabitiwan ang hawak na ball pen. Sabay takbo niya sa nakahandusay na boss sa lapag.
“Sirrr...ano po nangyari sayo? Diyos ko Lord…! Sir Zinc…gising po.” Nag-aalala na wika niya kasabay ang pagyugyog sa balikat nito.
“ahhhhhhhh…mmmm” panay gumo lang isinasagot sa kanya ni Zinc.
Nahawakan niya ang sariling ilong ng masamyo ang tila amoy alak na nanunuot sa kanyang ilong. Nagpalinga-linga siya sa paligid to get leads. At iyon nga ng mapadako ang kanyang tingin sa center table. Nasagot na ang tanong sa kanyang isip.
Isang bote ng Chivas regal ang naispatan doon. Meron pa alak na natira sa baso nito. Nakalutang pa ang ilang pirasong buong ice cube. Uminom ang kanyang boss.
Buong akala niya umuwi na ito. Wala siya ideya na sa P.L pala ito naglagi at uminom pa ng hard wine.
“hmmmm…ang gwapo talaga ng boss ko…Lord bakit ganito parang hindi ko na siya crush…kasi love ko na yata siya. Kahit yata binabamboo ako nito. Mas madami pa din ang love inks ko. ” Mahinang bulong niya habang hinahaplos ng palad ang gwapong mukha nito.
Ano ba yun…meron pa siya nalalaman na love inks. Wala lang…! Bigla lang niya naisip na pwede pala ihalintulad ang love sa squid. Kasing-tingkad ng tinta ng pusit ang kulay ng pag-ibig niya para kay Zinc De Castro.
Ang pag-ibig nila ay parang isang adobong pusit. Meron na tinta. Meron pa toyo. Siya lang naman ang toyo. Si Zinc ang adobo. Dahil hindi daw kasi makukumpleto ang adobo kung wala ang toyo.
“nmmmmmm…” ungol nito na ikinagulat ni Copper. Pagkakataon na niya matitigan ang crush. Alangan naman sayangin pa niya ang pagkakataon.
Nag-aalala siya para sa boss. Paano pa ito makakauwi sa condo unit nito? Kung langong-lango sa kalasingan.
“Sir Zinc…kaya mo po ba tumayo. Aalalayan po kita para makahiga ka ng maayos sa sofa.” Sabi niya na sinimulang isampay ang braso ni Zinc sa kanyang balikat. Mabigat. Pinagpapawisan siya. Nahihirapan na nga lang siya sa pag-aakay. Nagagawa pa maglumikot ng kanyang imahinasyon. Amoy na amoy kasi niya ang pinaghalong pawis at pabango ng boss.
“Shoocckksss…bakit ang bango niya. Amoy pawis na nga. Mabango pa.” kinikilig siya ng sobra sa mga naiisip. Ano kaya kung halikan niya ito? Matatandaan kaya nito? Ang tanong marunong ba siya humalik? Eh…wala pa naman siya nagiging boyfriend. So! Ibig sabihin wala pa din nakakahalik sa kanya.
Pwede naman niya pag-eksperimentuhan ang lasing na boss. Kahit papaano meron naman siya napapanood sa television about kissing scene. Baka pwede niya iyon mai-apply.
“Hoooohhhh…thanks God” matagumpay niya naihiga si Zinc sa sofa. Niligpit niya ang pinag-inuman ng boss. Pagkatapos ay nagpainit siya ng tubig. Bahala na. Pero hindi niya pwede iwanan ang boss na ganito ang sitwasyon. Baka mamaya bigla na lang ito pasukin dito at paslangin. Bilyonaryo pa naman ito.
Kinuha niya ang panyo saglit sa bag. Naglagay siya ng maligamgam na tubig sa baso. Inilagay doon ang panyo ng ilang segundo. Malinis naman ang kanyang panyo. Kaya hindi na iyon hinugasan. Pinunasan niya ang buong mukha ni Zinc. Hanggang leeg. Likod ng tenga. Braso. Lihim siya napangiti ng mapadako ang tingin sa dibdib ng boss.
“OMG…shall I remove his shirt?” napapikit siya sa isiping iyon.
Gusto lang naman niya guminhawa ang pakiramdam ng kanyang boss. Kaya gusto niya dampian ng maligamgam na tubig ang katawan nito.
“Hmmm…dampian ng maligamgam na tubig o dampian ng mainit na labi mo Copper?” panunukso ng kanyang isip.
Namalayan na lamang niya na nahila na paitaas ang t-shirt ng boss. Humantad sa kanyang paningin ang malapad at matipunong dibdib. Marahil sa sobrang excited niya. Mas madami pa yata ang titig kesa sa punas. Ipininunta niya ang hintuturo sa bibig. Kinagat niya iyon ng walang humpay. Habang nakangiti.
“Baliw ka na talaga Copper.” Naiiling na bulong niya. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malapot ng mapadako ang mata niya sa ibabang bahagi ng pusod nito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang portion na meron mga baby hair sa puson nito. Napahigpit ang hinga niya ng gumalaw si Zinc. Saglit na nagmulat ang mata. Pero agad din pumikit.
Nakasuot ng belt si Zinc. Kung sakaling tatanggalin niya. Tiyak na magigising na ito.
Hindi niya napigilang mapalunok ng sunod-sunod. Dumako na kasi ang panyo na hawak sa ibabang bahagi ng katawan nito. Marahan niya dinampi-dampi ang panyo. Sa tiyan. Sa pusod. Sa puson.
Parang gusto niya itapon ang panyo sa isang tabi at gamitin na lamang ang palad na pang-dampi. Sinubukan niya ang kapilyuhan na naisip. Nakangiti na itinapon ang panyo sa lapag.
Nanginginig man ang palad. Pumikit muna siya. Sinimulan niya ilapat ang nag-iinit na palad sa dibdib ni Zinc. Nagtagal ang palad doon. Ramdam niya na nagtatayuan ang mga baby hair sa kanyang batok. Sa tuwing mapadako ang daliri sa n*****s ni Zinc.
Iba ang hatid na init nito sa kanyang katawang lupa. Para siya sinisilihan ng mga sandaling iyon. Napapaangat ang kanyang malapad na balakang. Saglit siya nagmulat ng mata. Para i-check si Zinc kung nakapikit pa rin. Sa tingin niya ay mahimbing ang tulog nito. Kaya naman panatag na ipinikit muli ang mata. At doon ay hindi na siya nagdalawang isip na ibaba ang palad sa gawi ng pusod nito. Napapadiin ang haplos niya. Ramdam niya ang nagbabagang init na nagmumula sa kanyang buong katauhan. No doubts. Pinukaw ng isang Zinc De Castro ang kanyang kamalayan. Ginising nito ang natutulog na kapusukan. Naramdaman kasi niya na tila meron lumabas na likido sa pagitan ng kanyang mga hita.
“Copper…what is happening to you?” napapahiya na bulong niya sa sarili.
Kung isang panaginip lamang ang lahat ng ito. Ayaw na niya magising pa. Pero sabi nga lahat meron katapusan. Halos isang pulgada na lamang ang layo ng daliri niya sa butones ng denim jeans ni Zinc.
“Huuuuuhhhhh…what happened? What are you doing?” kung hindi siguro malàkas ang resistensya ng katawan ni Copper. Malamang natumba siya sa pagkakatulak ni Zinc. Mukhang naalimpungatan si Zinc sa hitsura nito.
Nanlalamig ang pawis ni Copper. Naihaplos niya ang palad sa noo. Habang nakatingin kay Zinc na tila hiyang-hiya sa nagawa.
“Sir Zi---nccc…pasensya na po. Akala ko po kasi nakauwi ka na. Nakarinig po ako ng ingay kanina. Hindi ko lang po sana papansinin. Maya-maya po ungol naman ang narinig ko. Na-curious lang po ako. Kaya ako lumabas. Dito po kita nasumpungan. Nakahandusay ka po sa lapag. Inakay po kita para maihiga ka sa sofa. Nagpainit po ako ng tubig. Para punasan ng maligamgam na tubig ang iyong katawan. Upang kahit paano po ay guminhawa ang iyong pakiramdam.” Kagat-labi na sabi ni Copper na yuko ang ulo. Wala siya lakas ng loob na salubungin ang tingin ng kanyang boss.
“Copper please look at me.” Naglalambing ang boses ni Zinc. Halatang-halata sa hitsura nito. Dahil namumungay pa ang malamlam na mata nito. Dagdag pa ang pagkalasing nito. Tumayo pa iyon. Para akayin siya na umupo sa sofa. Medyo sumusuray pa nga sa paglakad si Zinc.
“Sir... Zinc pasensya na po talaga. Hindi ko po…” Hindi niya malaman ang sarili sa paghingi ng paumanhin. Grabe…ang hiya na nararamdaman niya.
Hiya sa kanyang sarili.
Hiya sa kanyang boss.
Buking na buking na siya nito.
Pakiramdam niya wala na siyang sikreto na maitatago pa.
“Pssssstttt...it’s ok…Copper...Thank you so much for your concern.” Inagaw ni Zinc sa sasabihin niya. Nagulat pa siya ng idampi nito ang dalawang daliri sa kanyang labi. Palatandaan na pinapatigil siya nito sa pagsasalita. Wala siya nagawa kundi ipikit ang mga mata. Ang sarap pala maglambing ng isang mabangis na CEO na si Zinc De Castro.
Nagmulat lang siya ng mata.
“Copper ano nga pala ang ginamit mo na pampunas sa akin?” nanunudyo pero naglalambing ang mga tingin ni Zinc kay Copper.
“Ahh…Sir Zi---nccc yun panyo ko po.” Nahihiyang sagot niya na panay ang dasal sa isip.
“Ahh…okey…eh bakit nasa lapag?” nangingiting sabi ni Zinc na nakatuon ang tingin sa panyo.
“Ha…? Ahhh…eh…Sir Zinc ano po…kasi…ahhh…nahulog po kanina.” Pag-aalibay niya na agad dinampot ang panyo sa lapag. Sa totoo lang nanlalamig ang kanyang mga palad sa ginagawang pagsisinungaling.
“Copper!” tawag nito sa pangalan niya.
“Yes…Sir Zinc!” nagtatanong ang kanyang mga mata. Naninibago lang kasi siya sa pakikitungo nito. Nagdarasal din siya na sana huwag na ito magbago ng mood. Sana maging maayos na ang kanilang pagsasama as CEO and secretary.
“Bakit hindi ka pa umuuwi? Kung tatanungin mo ako. Bakit hindi pa rin ako umuuwi? Ang isasagot ko sayo. Wala lang. Tinukso kasi ako ng Chivas regal na yan. Bonding daw muna kami. Kaya yun! Pinagbigyan ko naman. Para hindi siya magtampo.” Kasunod noon ay narinig niya ang malutong na tawa ni Zinc. Ang sarap pakinggan ng tawa nito. Para iyon isang musika na malamyos at kaiga-igaya sa tenga.
“Sir Zinc ang totoo po pauwi na din ako. Kaya lang ayaw naman po kita basta iwan dito sa ganyang kalagayan mo. Baka mamaya meron biglang makalusot sa guard at kung anong gawin sayo, Sir Zinc. You are my boss po. I will protect you as long as I can.” Matapat na wika ni Copper na diretso ang tingin sa mata ni Zinc.
Naantig ang puso ni Zinc sa sinabing iyon ni Copper. Damang-dama kasi niya ang katapatan sa bawat binibitiwang salita nito.
Ang makita na lumuluha ang boss sa harap ng kanyang sekretarya ay isang napakalaking karangalan at hindi matatawarang galak sa kanyang puso. Yun buong puso siya nito tawagin sa kanyang pangalan na tila tinuldukan na nito ang gap sa pagitan nilang dalawa.
“Copper…I’m sorry if I misjudge you. Nagkamali ako ng pagkakilala sayo. Hinusgahan kita sa paraan na alam ko. Naging mayabang at mapangmata ako. Gusto ko lang malaman mo na masakit para sa akin, na gawin ang mga bagay na nakakasakit ako ng damdamin ng ibang tao. I used it as outlet. Para mapagtakpan ko ang sakit na nandito sa puso ko. Kung anuman ang meron ako sa buhay ko. Pinaghirapan ko, Copper. Gusto ko lang maging masaya na wagas. Bakit parang ang hirap? Ahh…hindi… masaya ako. Kailangan masaya ako.” Tila malulusaw ang pakiramdam ni Copper sa mga narinig. Lalo na ng makita niya na bumalong ang luha ni Zinc. Malamang nasa impluwensya pa ng alak si Zinc. Kaya nagawa nito magtapat sa tunay na estado ng damdamin nito.
“Gusto ko lang maging masaya na wagas. Bakit parang ang hirap? Ahh…Hindi… masaya ako. Kailangan masaya ako.”
Paulit-ulit na sinasabi ng kanyang puso at isip na meron deep meaning ang terminologies na ito ni Zinc. Para bang pilit nito pinapaniwala ang sarili na masaya talaga ito sa buhay niya. Pero ang katotohanan sa likod nito ay ang napakalungkot nito na buhay.
“Si----r Zinc----hindi ko po alam ang eksakto na nangyari pero…”
“No…! It’s okey…! Just make sure tapos ang business proposal para bukas. Let’s go. I’ll drop you home.” Agaw ni Zinc. Tumingin pa iyon sa orasan. Pasado 8:30 na ng gabi. Madami pa sana siya gusto sabihin sa boss. Pero parang tinuldukan agad nito ang topic. She needs to respect it. Pakiramdam kasi niya pilit nito pinagtatakpan ang kahinaan ng damdamin sa pagiging ruthless at authoritative boss.