Nahihiya pa si Copper na sumakay sa magarang kotse ng boss niya. Isang BMW iyon. Ilang babae na kaya ang naisakay ng isang Zinc De Castro dito?
“Can I request?” mahinang wika ni Zinc na tinapunan siya saglit ng tingin na agad din ibinalik ang tingin sa pagmamaneho.
“Yes! Sir--- Zinc---” alanganin niyang tugon na bahagyang sumilay ang ngiti sa labi.
“Pwede ba kain muna tayo ng favorite lomi sa favorite tambayan ko? Ano ba date ngayon?”
“February 28 po Sir Zinc…!”
“Sakto…”
“Here we are. It’s kilometer 228. Ipapatikim ko sayo ang best lomi.” Nakangiti pa ito na pinagbuksan siya ng pinto. Mas lalo siya napahanga nito. Imagine isang bilyonaryo walang kiyeme na kumakain sa tabing-kalsada. Excited niya iniabot ang kamay. Nag-offer kasi si Zinc pagbaba niya. Pwede ba naman na biguin niya ang sariling kaligayahan.
“Sir Zinc---seryoso po. Dito tayo kakain.” Nag-aalangan niyang wika.
“Oo…! Bakit ayaw mo ba? Sige lipat tayo sa iba.” Sagot naman nito agad sa kanya.
“Sir Zinc hindi po. Gusto ko po. Nagulat lang po ako. Kumakain po pala ikaw sa mga ganitong kainan. First time ko po nakakita ng isang well-known billionaire, na basta kumakain sa tabing-daan. I mean one in a million po. Bihirang-bihira po ito.” Punong-puno ng paghanga na sabi ni Copper.
“Oo naman. Ordinaryong tao ako. Galing ako sa hirap. Alam ko ang pakiramdam ng malipasan ng gutom. Alam ko din ang pakiramdam ng walang makain. Alam ko din ang lasa ng pagkain na pinulot sa basurahan.” Nakangiting sabi ng binata. Pero meron nakatagong lungkot sa mga mata nito.
Natutuwa siya pagmasdan ang down to earth na boss. Parang mas nakilala niya ngayon ang other side of Zinc De Castro na hindi alam ng ibang tao.
“Sir Zinc sorry sa tanong ko po ha! Pero ilang sekretarya mo na po ang naisakay sa BMW car mo at idinala mo po dito sa kilometer 228 para kumain ng lomi.” Lakas loob na tanong niya sa boss. Napansin niya na natigilan si Zinc at tila umasim ang mukha. Kinakabahan siya at baka bigla na naman siya nito sindakin at bulyawan.
“Bakit mo naman naitanong ang bagay na yan? Mahalaga pa ba yun?” nakahinga siya ng maluwag ng makita na ngumiti.si Zinc. Ibig sabihin hindi ito nairita sa kanyang tanong
“Sir Zinc para sayo. Hindi na po mahalaga. Pero sa akin po. Sobrang mahalaga po.” Pagtatapat niya.
“Why it was important to you? Can you please cite convincing answer?” nanunudyong nakangiti na sagot ni Zinc sa kanya.
“Because I’m a woman Sir Zinc.”wala siya maisip na kongkretong sagot at basta iyon na lang ang lumabas sa kanyang bibig.
“and I’m a man…you’re a woman, I’m a man…” natatawang sabi ni Zinc na binanggit pa ang isang disco hits noong 80’s.
“Sir Zinc I never thought na marunong ka po magbiro.” Hindi lang niya inakala na sa pagsama sa boss dito sa kilometer 228 ay magbabago ng lubos ang pagkakilala niya sa isang Zinc De Castro.
“Believe it or not. Ikaw pa lang ang babaeng nakasakay sa BMW car ko. Ikaw pa lang din ang babae na isinama ko dito sa kilometer 228. Alam mo Copper, very sentimental sa akin ang sasakyan na iyon. Dahil unang-una ko yan napundar. That is exclusively for my personal use only. Mahirap paniwalaan. Pero iyon ang totoo.” Sabi nito na nakatitig sa mata ng dalaga.
Sumubo muna siya ng lomi. Bago muling nagsalita.
“Sir Zinc I’m so flattered po. Thank you so much po.”
“You are deserving, Copper. Alam mo ba ang history ng kilometer 228. Ayon sa owner nito, February 28 daw kasi ito itinayo. At ayon sa matatanda. Kapag pumunta daw dito ang isang babae at lalaki sa petsa na February 28. Nagkakatuluyan daw at nabubuo ang pag-ibig sa sa dalawang nilalang na ito. Tinawag din daw ito na kilometer 228. Dahil tinatayang nasa 228 kilometro ang layo nito sa “Mango Love Cup Plantation” na kung saan doon daw nabuo ang matamis na pagmamahalan sa pagitan ng haciendero at housemaid. Ang dating maasim daw na ani ng mangga ay himalang tumamis ng mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng haciendero at housemaid.” Sapat ang titig nito sa kanya. Para paniwalain ang sarili na sinsero ito sa mga katagang binitiwan.
Amazing. Ito ang eksaktong salita na maglalarawan sa kanyang boss. Akalain ba naman niya na pati ang kasaysayan ng kilometer 228 na ito ay ibahagi sa kanya. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo sa mga sandaling ito. Nakatitig sa kanya si Zinc. Titig na nagdadala sa kanya ng ibayong K.K.B
Hindi kanya-kanyang baon ha!
As in literal na kilig, kiliti at boltahe.
Ibig ba sabihin nito ay sila ang magkakatuluyan na dalawa. Paano kapag hindi sila ang nagkatuluyan? They will break the magic history record of kilometer 228. Na-curious tuloy siya sa “mango love cup plantation” saan kaya ang eksaktong lokasyon nito.
“Huhhhhh...” napansin niya na napahawak sa sintido si Zinc. Sa tingin niya ay masakit ang ulo nito. Marahil sa alak na nainom. Tapos na sila kumain ng lomi. At kasalukuyan na lang sila nagpapababa ng kinain. Nagpaalam siya na mauuna na pumasok ng kotse. Pumayag naman si Zinc. Ilang minuto lang ang nakalipas ay sumunod na rin ito sa kanya.
“Iuwi mo sa inyo. Para kay Mama at sister.” Iniabot ni Zinc sa kanya ang isang plastic. Nagtake-out pala ito ng pagkain. Para siya isang ice cream na unti-unting nalulusaw sa pagkatitig nito sa kanya.
Tama ba ang kanyang narinig? Zinc called her Mama and sister without using “mo” referring to her. She’s very proud of it. Inaangkin na ba nito na her Mama will become his Mama in the future. Her sister will become his sister-in-law in the near future.
“Sir Zinc maraming salamat po sa pag-alala sa pamilya ko.”
“Most welcome! Can I request one more?” nakangiti na sagot nito sa kanya.
“Ano po yun Sir Zinc?” sagot niya na nakangiti din.
“Can you please remove “Sir”. I want you to call me “Zinc” only. Most especially kapag nasa labas tayo. Tulad ng ganito. O’ kahit nasa office tayo. Parang mas kumportable ako. Kapag tatawagin mo ako na Zinc.” Hindi niya maiwasan na hindi kiligin sa sinabing iyon ng boss. Tuluyan na yata mawawala ang pagkailang niya dito.
Habang nasa daan sila ay panay ang tanong sa kanya ng boss. Sari-sari lang ang kanilang napagkwentuhan. Halos hindi nila namalayan na nasa harap na sila ng bahay.
“Sir Zinc maraming salamat po sa paghatid.” Sabi niya habang inaalis ang seatbelt. Ang siste…naman mukhang nag-alburutu yata ang lock ng seatbelt. Ayaw nito ma-unlock. Nagmukha tuloy siya ignorante.
“Ako na…! Copper…” narinig niyang sabi ni Zinc na lumapit sa kanya. Halos magdait ang kanilang mukha ng subukang alisin ni Zinc ang lock ng seatbelt. Napakalapit ng kanilang katawan sa isa’t-isa sa mga sandaling iyon. They had no choice. Kailangan ituon ni Zinc isang kamay nito sa headboard ng upuan niya. Paharap sa kanya. Habang ang isang kamay ay gumagalaw sa tagiliran at kinakapa ang lock ng seatbelt.
Pigil ni Copper ang paghinga. Sa ayos nilang dalawa ay daig pa ang mag-jowa na tila maghahalikan. Napapikit si Copper ng maramdaman na nasanggi ng dibdib ni Zinc ang kanyang bandang dibdib. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Nagririgodon iyon ng walang humpay. Manipis ang tela ng damit niya. Kaya malamang ramdam din ni Zinc ang pagsanggi ng dibdib niya sa dibdib nito.
Napasinghap pa siya ng makita na tila natigilan si Zinc at tumigas ang panga nito na tila nagpipigil. Kapwa sila nailang sa isa’t-isa ng hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Si Zinc ang unang nagbawi ng tingin at itinuon ang mata sa seatbelt lock na mukhang nakikisama at kinikilig sa eksena. Hindi rin magawang maalis ni Zinc ang pagkakalocked.
“Sorry----Copper ha!” bumalik na sa pagkakaupo niya ang binata.
“It’s okey Sir…”sagot ni Copper na medyo hindi pa nakakabawi sa kakalipas na eksena. Ang tindi ng epekto sa kanya ng boss. Natatakot siya para sa sarili. Kasi baka dumating ang time na tuluyan na siyang hindi makapagpigil pa. Siguro kapag nangyari ang bagay na iyon. Isa lang ang ibig sabihin true love ang nag-udyok sa kanya.
Agad naman nakaisip ng solution si Zinc. Binuksan niya ang drawer. Kinuha niya doon ang isang lubricant oil.
“Copper I think it will work. Let me try again.” Nakangiti si Zinc na lumingon sa kanya. Hinihingi ang kanyang permiso.
“Okey S-----ir Zinc…”
“Hmmmmpp…Sir?” parang batang nagrereklamo si Zinc. Nakuha naman agad iyon ni Copper.
“Okey...Zinc!” ulit niya na nangingiti. Ang ginawa niya ay dumistansya na lang. Para hindi na maulit ang eksena kanina. Binuhusan ni Zinc ng oil ang lock. Baka lang namamakat na ito. At bibihira ang umuupo doon at nagagamit ang seatbelt. Ilang sandali pa ay para iyon nagdahilan. Lubricant oil lang pala ang katapat.
Dapat bumaba na si Copper ng sasakyan. Pero hindi muna niya ginawa. Parang mas gusto muna niya mag-stay sa sasakyan ni Zinc.
“Bihira kasi na magamit ang seatbelt. Bihira din maupuan. Baka nagsisimula ng mangalawang.” Sabi ni Zinc na idiniretso ang tingin sa side mirror habang nangingiti.
“Naniniwala na po talaga ako.” Nanunudyong sagot naman ni Copper. Mukhang game na game siya makipagbiruan sa boss.
“Sabi ko naman sayo eh…believe me.” Tiningnan pa siya ni Zinc na parang nanunukso ang mata.
“Opo! Naman...”
“Masikip. Kailangan pa talaga ng lubricant oil. Para lang dumulas. Dapat pala inaalagaan ko araw-araw sa dilig para hindi kalawangin ang seatbelt.” Ewan niya kung nagbibiro lang si Zinc. Dahil bigla na lang namula ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay meron tinutumbok ang mga salita nito.
“Parang halaman lang po. Dapat alaga sa dilig. Para hindi malanta at matigang.” Hirit pa ni Copper na sinang-ayunan at idinaan pa sa biro ang sagot kay Zinc. Pagkatapos noon ay napatawa siya ng malakas. Hahahahaha!
“Tumpak…sabi nila parang babae din daw. Kasi kapag bata pa daw. Makatas. Sariwa pa. Hindi pa kailangan ng pampadulas. Pero kapag matanda na daw. Tigang na. Makunat na. Hahahahahaha.” Tawa ng tawa si Zinc sa sinabi. Si Copper naman ay halos mamilipit sa kakatawa. Hawak pa nito ang sariling dibdib. Ang totoo enjoy na enjoy siya kapag ganito ang mga topic. It’s a given fact. Dahil na rin sa kanyang edad na nasa stage ng aggressiveness at curiosity sa mga bagay-bagay. Dalang-dala siya sa birong-totoo ng boss.
“awww…grabe naman Sir---Zinc. Parang nadidiscriminate ang mga old ladies. Hahaha”hindi mapigilan ni Copper ang malulutong na tawa.
“Honestly…that’s the fact Copper. Okey, I will give you an example. Yun mga babae na sobrang bata na nag-asawa. Mararamdaman ang disadvantages from the start. Bakit? Kasi nga mahirap masadlak sa obligasyon sa murang edad. Pero later on makikita ang advantages. Bakit? Kasi nga bata ka pa lang kitang-kita mo ang paglaki ng mga anak. Yun mga babae na sobrang tanda na nag-asawa. Mararamdaman ang advantages from the start. Bakit? Kasi nga na-enjoy nila ng sobra ang pagkadalaga. Nakapagpundar sila ng madami. Pero later on makikita ang disadvantages. Bakit? Kasi nga matanda na sila, baby pa ang anak…uugod-ugod na nagtratrabaho pa. Dahil Hindi pa tapos mag-aral ang mga anak. Saklap diba…kaya ikaw Copper…huwag ka magpakatanda bago mag-asawa. Okey lang ang lalaki. Pero ang babae. Madali yan mag-depreciate ang value. Parang yun niyugan sa tabing-ilog na inuuka ng tubig. Napakababa ng appraisal value. Ganoon din ang babae. Kapag matanda na bumababa na din ang libido sa katawan.” Sa haba ng sinabi ni Zinc. Parang ang huling lines lang ang natandaan niya.
“Kapag matanda na bumababa na din ang libido sa katawan”
So! Ibig sabihin siya sobrang taas pa ganun! Kumbaga kasagsagan ang kanyang edad. Active and high pa.
“See…nagsisimula ka na mag-worry ano…hahaha” nasa mukha ni Zinc ang pagka-amused sa batang sekretarya.
“Of course not…Sir Zinc” tanggi niya na sinabayan ng tawa.
“Yeahhh…I know you’re too young.” Sabi ni Zinc na tumitig kay Copper ng tila nanunudyo.
“Yes! Nemen…Sir Zinc” may pagmamalaki na sagot niya na sinamahan pa ng hagikhik ng tawa.
“Yes…kaya nga kung mag-asawa ako. Mas gusto ko bata sa akin. Para…alam mo na…hahaha” parang gigil na sabi ng binata.
Napaunat sa kinauupuan si Copper ng muli ay titigan siya ni Zinc. Pakiramdam tuloy niya meron malalim na pahaging ito sa kanya. Bago pa siya tuluyang langgamin. Dahil sa tamis na nararamdaman.
“Okey…Sir Zinc…good luck po searching. Thank you so much po sa paghatid. Goodnight and see you po.” Palihim na kinikilig na wika. Bago tuluyang bumaba sa kotse.
“No worries…I think…I found the one already.” Makahulugang sagot nito sa kanya. At tsaka ngumiti ng ubod tamis.
“Ingat Sir Zinc---” pahabol pa niya bago tuluyang nawala sa paningin ang BMW car.
Ilang sandali pa siya na natigilan. Buhat sa kinatatayuan. Namalayan na lamang niya na pinagmamasdan ang maaliwalas na liwanag ng bilog na buwan. Kasama na ang tila isinabog na bituin. Bakit parang sobrang ganda at aliwalas ng gabi? Waring nakikisama sa kanyang kilig at ligaya na nararamdaman.