Chapter 19

1764 Words
Ellen Umupo kami ni papa sa gilid ng bahay. Hinatiran kami ng maiinom ng kaniyang butihing asawa at binigyan ng privacy upang makapag-usap. Nilingon ko si papa at nginitian. Namamaga na ang mga mata naming pareho mula sa kaiiyak dahil sa muli naming pagkikita. Masaya ako. Masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas ay nagkita na rin kami. "Saan kaba nagpunta anak? Alam mo bang muntik ng mabaliw ang asawa mo sa kahahanap niya sa iyo? Wala na siyang bukang bibig kun'di ikaw at kung saan ka hahanapin." Panimula niya. Napangiti ako kahit nasasaktan. "Kasalanan ko ang lahat papa. Naniwala ako kay Kuya Ernest." Malalim akong bumuntong-hininga nang mabanggit ang pangalan ng kapatid ko. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga kapatid mo. Tinuruan ko naman sila ng tama pero naligaw pa rin ng landas. Hindi lang siguro nila natanggap na mas naging pabor ako kay Braylon kaysa kanila. May kasalanan din ako Ellen. Kasalanan ko rin ang ipakasal ka kay Braylon noon kahit minor de edad ka. Wala na akong maisip na sulusyon sa mga problema natin. Ang ipakasal ka kay Braylon ang tanging sulusyon na naisip ko para mabayaran ang mga utang ko. Ang sama kong ama. Napakasama ko." Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian. "Hindi totoo iyan papa. Hindi ka masamang tao. Huwag mo sabihin iyan." Yumuko siya at hinaplos ang likod ng palad ko. "Simula ng ibigay ko kay Braylon ang posisyon ko sa kompaniya natin ay nagalit sa akin ang Kuya Ernest mo. Naging dahilan para kamuhian niya si Braylon hanggang sa gumawa siya ng kasalanan." Napabuntong hininga ako. Palagi na lang magsisimula ang away sa hindi pagkakaunawaan. Kagaya na lang ng pag-alis ko noon. Napaniwala ako ni Kuya Ernest na si Braylon ang may kasalanan ng lahat pero mali pala. Siguro sa lahat ng kasinungalingan sa mundong ito ay si Braylon lang ang tama para akin. Ngayon ay naintindihan ko na ang lahat kahit hindi ko mismo narinig sa kaniya ang mga sagot sa tanong ko. Wala na akong ibang naiisip ngayon kun'di ang asawa ko. Ang asawa kong walang ginawa kun'di ang mahalin ako at intindihin. Ako pala ang mali at hindi siya. Ako ang malupit at hindi siya. Ako ang halimaw at hindi siya. Kinagat ko ang ibabang labi at dumaiin ang kamay ko sa kamay ng papa ko. "Tama lang ang ginawa mong ipakasal ako sa kaniya papa. Wala ng lalaking magmamahal sa akin ng ganito maliban sa kaniya." Nasasaktan ang papa ko pero napangiti siya. Inakbayan niya ako. "Sa simula palang ay nakikita ko na sa mga mata niyang mabuti siyang tao. Marumi nga siya magsalita at walang respito pero mabuti ang puso niya. Hindi lang niya kayang ipakita ang totoong saloobin niya dahil natatakot siyang kaawaan siya ng ibang tao. Mahal ka ni Braylon, anak. Mahal na mahal ka niya." Muli akong napaiyak. Ang gagawin ko lang ngayon ay sundan si Braylon sa Maynila at sabihin sa kaniya kung gaano ko rin siya kamahal. Wala na akong ibang mamahalin kun'di siya lamang. Niyakap ko si papa. "Maraming salamat po papa dahil ikaw ang naging tatay ko." Hinaplos niya ako sa likod. "Maswerte ako dahil ikaw ang naging anak ko, Ellen. Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal kita." Umahon ako at ngumiti sa kaniya. Kinulong ko ang mukha niya sa palad ko at pinahid ang mga luha niya. "Napakaganda ng asawa ninyo papa." Namilog ang mga mata niya. Kahit hindi pa niya pinakilala sa akin si Emma ay nalaman ko na kanina. Nahihiya siyang nag-iwas sa akin ng mga mata. Mahina akong tumawa. "Alam ko po papa na asawa ninyo si Emma. Ano kayang itatawag ko sa kaniya? Mama Emma o Tita Emma?" Sinabayan ko iyon ng tawa. Nilingon ako ni papa. "Malaki ang utang na loob ko kay Emma. Siya ang naging katuwang ko rito nang dalhin ako rito ni Braylon kaya nahulog ang loob ko sa kaniya. Patawarin mo ako anak kung hindi ko natupad ang pangako ko sa mama mo na habang nabubuhay ako ay siya lang ang babaeng mamahalin ko." Muli akong ngumiti. Pinaikot ko ang kamay sa braso niya at sinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat. "Maiintindihan po kayo ni mama, papa. Kaya huwag kayong mag-alala." Pormal akong pinakilala ni papa sa asawa niya. Magaan ang loob ko kay Emma at pakiramdam ko ay nabuhay ang mama ko mula sa kaniyang katauhan. Mabait siya at mahal na mahal niya ang papa ko. Kaya sino ba naman ako para tumutol sa kanila. Gusto ko rin makita si papa na masaya at muling magkaroon ng kulay ang buhay niya. Nagpaalam ako sa kanila na susunod ako kay Braylon sa Maynila. Pumayag naman ang papa ko kaya bumeyahe kami ni Kuya Robe. "Ellen, hindi kaya mapagalitan tayo ni Sir. Kabilin bilin niyang huwag kang aalis ng Isla." Nilingon ko si Kuya Robe. Excited na akong makita ang mga tao sa mansyon lalo na sina Yaya Jen at Manang. "Okay lang iyon Kuya Robe. Akong bahala." Malalim siyang nagpakawala ng hininga. Alam kong natatakot siya kay Braylon pero gusto ko ng makita ang asawa ko. Gustong nasa tabi na niya ako sa tuwing may mga problema siyang kinakaharap. Nang makarating kami sa mansyon ay agad kaming pinagbuksan ng pinto ng mga security sa labas. Nangulila ako ng matagal dito. Para akong namamangha nang pagmasdan ang kabuwan ng mansyon. "Tara na sa loob Ellen. Mainit dito sa labas." Aya ni Kuya Robe. Ngumiti ako sabay tango. Naiiyak ako sa tuwa habang papasok na kami. Isang malakas na tili ang narinig ko nang makapasok kami sa loob. Agad akong napatingala sa hagdan nang marinig ang boses ni Manang. May hawak itong walis at nagmamadaling bumaba. "Ma'am Ellen! Ma'am Ellen! Ikaw na ba iyan ha?" Kumaway ako sa kaniya at sinalubong siya sa puno ng hagdanan baka madulas pa ito at gumulong. Nang maabot ko siya ay mahigpit niya akong niyakap. "Ma miss talaga kitang bata ka! Saan kaba nagpunta ha? Kumusta kana? Maayos ba ang kalagayan mo?" Magkasunod sunod niyang tanong habang yakap ako ng mahigpit. Tumango ako at tinapik siya sa likod. "Okay lang po ako, Manang. Na miss ko rin kayo ng sobra dito. Parang sasabog na itong puso ko sa tuwa ngayong nagkita tayo ulit." Nagpupunas na siya ng mga mata nang bitawan ako. Isang tili rin mula sa kusina ang umagaw sa atensyon namin. Si Yaya Jen na may suot pa na apron. "Ma'am Ellen!" Napangiti ako ulit. Si Kuya Robe ay napailing. Agad niya akong nilapitan at sinugod ng yakap. "Iha, saan kaba nagpunta ha? Matagal ka naming hinanap." Hinaplos ko ang likod niya. "Isipin ninyo na lang po na nagbakasyon ako ng matagal. Nandito na ako ulit. Hindi na ako aalis." Masaya kaming nagkumustahan at nagkuwentuhan. Nalaman kong wala si Braylon at nasa kompaniya raw ito. Si Kuya Robe naman ay sumunod kila Braylon upang ipaalam na nandito ako. Walang nagbago sa mansyon. Ganon pa rin ang desenyo. Kung may nagbago man ay ang malaking paintings ko na nakasabit sa ding ding ng kuwarto namin. Naiiyak akong hinaplos iyon. Iningatan ni Braylon ang mga bigay ko sa kaniya pati na rin ang nalukot na picture niyang ginuhit ko noon. Lumabas ako sa balcony at pinagmasdan ang labas. Wala na ang glass house sa tabi ng mansyon. Pinagiba niya kaya dahil tapos na sila ni Venna? Nasaan na kaya si Venna ngayon? Hindi ko kayang itanong kay Braylon o kay Kuya Robe. Nahihiya ako. Hahayaan ko na lang na siya ang kusang magsabi sa akin. Bumalik ako sa loob ng kuwarto namin at pumasok sa loob ng closet. Nandito pa rin ang mga damit ko pati uniforme ko. Napangiti akong hinaplos iyon. Makikinatab pa rin ang mga sapatos ko at sandals na naka arrange ng maayos sa baba ng closet ko. Talagang inalagaan niya ang mga gamit ko kahit iniwan ko siya noon. Mag-isa akong kumain ng hapunan dahil hindi pa sila dumadating. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako ulit sa kwarto namin at naligo. Sinuot ko ang puting long sleeve niya. Kanina pa ako pasilip silip sa labas pero hindi pa siya umuuwi. Ano kayang ginagawa niya? Okay lang kaya siya? Gusto ko na siyang makita. Nasasaktan na itong puso ko. Nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan ay agad akong lumabas ng kwarto. Sumilip ako mula sa balcony at nakita kong pababa ng van niya si Braylon. Tumalon ang puso ko sa tuwa at agad tumakbo pababa ng hagdan. Nasa puno na ako ng hagdanan nang bumukas ang main door. Natigilan siya nang makita ako. Nakabukas ang suot niyang long sleeve at halos kita ang matipuno niyang dibdib. Ngumiti ako sa kaniya. "D-dumating kana." Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Nanlulumo ang tuhod ko at para akong nauutal. Lumapit siya sa akin. "Hindi ba kabilin bilin ko sa iyo na huwag kang aalis ng Isla. Hindi ka nakikinig Ellen." Seryosong sabi na may halong galit. Lumunok ako. Namamawis ako. Umurong na ang dila ko at hindi na makapagsalita. "Ginagawa mo pa rin kung anong gusto mong gawin." Dagdag niya. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Nilapitan ko siya at pinaikot ang mga kamay sa kaniyang leeg pagkatapos ay tumingkayad ako upang maabot ang labi niya. Nagulat si Braylon nang lumapat ang labi ko sa kaniya. Kahit ako ay nagulat sa aking ginawa pero wala ng laman itong puso't isipan ko kun'di siya lang. "Ellen..." anas ni Braylon nang matapos ang halik ko sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay dahil tulala pa itong nakatingin sa akin. Nakakatawa siya. Para bang gulat na gulat dahil sa ginawa ko. "Kumain kana ba? Ipaghahanda kita. Nagluto kami kanina ng hapunan." Hindi siya gumalaw o nagsalita. Nananatiling nakatitig sa akin at manghang mangha sa mga kilos ko. Sasabihin na naman ba niya kung anong nakain ko at bigla akong bumait. Wala na rin kasi akong pinakitang maayos na pagtrato kay Braylon simula ng magpakasal kami. Paano naman kasi ako babait noon kung puro takot ang nararamdaman ko sa kaniya. "Alam kong maganda ako sa paningin mo Braylon. Huwag mo na akong titigan. Tinatanong kita kung gusto mo na bang kumain?" Mabilis ang kilos niyang nilapitan ako at binuhat. Muntik na akong tumili sa gulat at agad pinaikot ang mga hita ko sa baywang niya. "Braylon!" Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Seryoso niya akong tinitigan. "Oo nagugutom ako at nauuhaw sa iyo mahal ko." Umawang ang labi ko pero naging paraan iyon ni Braylon upang tuluyang sakupin ang buong bibig ko. Mapusok niya akong hinahalikan habang buhat buhat paakyat sa kwarto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD