Chapter 18

1711 Words
Ellen Tumabi sa akin ng upo si Braylon at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nasa kandungan niya ang magkasiklop naming mga palad at tila wala siyang balak na bitiwan iyon kahit anong pilit kong hilain. Sina King at Hudas ay nakatayo sa gilid ng pinto. Si Kuya Robe naman ay nasa single chair malapit sa pinto ng kusina. "Robe, magsalita ka, bakit kayo nandito?" Lumunok ako at binalingan itong katabi ko. Para siyang bato sa tigas at walang emosyon kung magsalita. Nagkamot ng batok si Kuya Robe bago nagsalita. "Kailangan mo na makabalik sa Maynila sir. Marami kang kinakaharap na problema ngayon kaya kailangan ninyo ng bumalik doon upang harapin ang lahat." Dumiin ang kamay ni Braylon sa palad ko. Binalingan ko siya ulit at nagtatanggis na ang bagang nito sa galit mula sa salitang narinig kay Kuya Robe. Nagsalita si King. "Hanggang ngayon ay hindi mahanap ang mga traydor. Kailangan mo ng bumalik ng Maynila boss. Hindi na namin alam ang gagawin." Napatda ako. Malaki ba talaga ang problemang hinaharap ni Braylon? Bakit kalmado lang siya at tila walang pakialam? Ginalaw ko ang kamay naming magkasiklop upang makuha ang atensyon niya. "Braylon..." "Don't ask Ellen. Please please don't ask." Tinikom ko ang bibig at yumuko. Binitiwan ni Braylon ang kamay ko at tumayo. Natigilan ako at tumingala sa kaniya. "Dilikado kung isasama ko ang asawa ko pabalik ng Maynila. Robe, ikaw muna ang bahala kay Ellen. Alam mo na ang gagawin mo." Napatingin ako kay Kuya Robe. Nang akmang aalis si Braylon sa tapat ko ay inabot ko ang kamay niya. Natigilan siya at napatingin sa kamay namin. Tumikhim si King at nag-excuse na silang lumabas ni Hudas. "Gusto kong sumama." Presinta ko. Natigilan siya at tumitig sa akin. Gumalaw ang kaniyang panga pero hindi niya ako sinagot. Tumikhim si Kuya Robe. "Lalabas muna ako." Nang makalabas si Kuya Robe ay tumayo ako at nananatiling hawak ang kamay ni Braylon. Tiningnan ko siya sa mga mata. "Ayaw kong maiwan dito. Gusto kong sumama sa iyo pabalik ng Maynila." ulit ko. Yumuko siya sabay ngisi. Nagbuga ng hininga pagkatapos ay tiningnan ako ulit. "Dito ka lang Ellen. Makinig ka sa akin." Malakas akong lumunok. Kinalas niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at madalian siyang pumasok sa kwarto namin. Sinundan ko siya sa loob. "Ano bang nangyayari? Tungkol na naman ba ito sa mga kapatid ko? Magsalita ka Braylon, huwag mo akong gawing bata!" Hindi niya ako sinagot. Sinuot niya ang maong na jacket at binulsa ang wallet niya. "Hindi kaba matatakot na umalis ako ulit kapag iniwan mo ako rito?" Natigilan siya sabay baling sa akin. Nanlinsik ang mga mata niya pero agad rin naglaho nang magtitigan kami. Nilapitan niya ako at mabilis na hinapit sa baywang. Napalunok ako nang tumama ang katawan ko sa matigas niyang katawan. "Nandito si Robe. Babalik rin ako kaagad kapag naayos na ang lahat." Nag-init ang dulo ng mga mata ko at gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit sumasakit itong puso ko nang dahil sa hindi niya ako isasama? Nalulungkot ako ng hindi ko maintindihan. "Braylon..." Hinaplos niya ang buhok ko at mababaw na dinampian ng halik. "Babalik ako." Mabilis niyang pinatakan ng halik ang labi ko pagkatapos ay lumabas na ito. Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama namin nang maglaho sa harapan ko si Braylon. Kung ano man ang problemang kinakaharap niya ngayon ay pinagdadasal kong sana ay malutas kaagad. Pinunasan ko ang mga luha at tumakbo palabas pero hindi ko na siya naabutan. Si Kuya Robe lang ang nasa labas habang nakatayo at nakatanaw sa karagatan. Nilingon niya ako nang maramdaman na nasa likuran niya ako. Ngumiti siya sa akin. "Halika Ellen. Magiging okay lang siya kaya huwag ka ng malungkot." Lumapit ako sa kaniya at tumabi ng tayo. Pinagsiklop ko ang mga kamay sa tapat ng dibdib at tumingin sa malayo. "Kuya Robe, tapatin mo nga ako. Ano bang kasalanan ng pamilya ko kay Braylon?" Lumunok si Kuya Robe. Nang balingan ko siya at nakatingin na rin ito sa malayo. "Panahon na siguro Ellen para malaman mo ang lahat." Malalin siyang bumuntong-hininga. Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya. Nagkamot siya ng batok at muling huminga nang malalim. "Sabihin mo sa akin. Makikinig ako." "Ellen?" Tiningnan ko siya ng deretso. "Ang mga kapatid mo ang dahilan kung bakit malaking problema ang hinaharap ngayon ni sir. Umutang ang mga kapatid mo sa bangko ng malaking halaga at pinangalan kay Sir Braylon." Nanuyo ang lalamunan ko at malakas akong napasinghap. Umawang ang mga labi ko pero hindi ako makapagsalita. "Naalala mo ba noong araw na bibisita sana kayo sa bahay ninyo tatlong taon na ang nakalipas?" Tumango ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ang mga kapatid mo ang may utos sa mga nanimbang sa inyo. Gusto nilang ipapatay si Sir Braylon para makuha ang kayaman niya." Muli akong napasinghap. Nangilid ang luha ko sa mga mata at hindi makapaniwala sa mga narinig. "Mabuting tao si Sir Braylon, Ellen at totoong minahal ka niya. Ngayon ko pa nakitang nagkaganito sa babae na handang gawin ang lahat at isuko ang lahat. Kahit anong paninira at pagbibigay ng gulo ng mga kapatid mo sa kaniya ay tinitiis niya para lang sa iyo. Kaya nakikiusap ako ngayon sa iyo mismo Ellen. Huwag mo na siyang iiwan." Tinakpan ko ang bibig. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman sa mga oras na ito. "Gusto mo ba makita ang papa mo?" Agad akong lumingon kay Kuya Robe. Tumalon ang puso ko sa tuwa nang marinig na binanggit niya si papa. "N-nasaan ang p-papa ko?" Nginuso niya ang malalayong kapitbahay namin. "Nandiyan ang papa mo. Matagal na siyang tinatago rito ni Sir upang hindi madamay sa mga ginagawa ng mga kapatid mo." Malakas akong napahikbi. Buhay si papa. Buhay ang papa ko. Matagal ko na siyang gustong makita at nangulila sa kaniya. Nilapitan ako ni Kuya Robe at tinapik sa balikat. "Tumahan kana. Tara at dadalhin kita sa kaniya." Magkasunod sunod akong tumango. Para akong batang naglulukso sa tuwa. Inayos ko ang sarili at tahimik namin tinahak ang daan papunta sa village. Kinakabahan ako at namamawis ang mga kamay habang papalapit na kami. Lumulukso ang puso ko sa tuwa at nasasaktan. Hindi ko alam ang unang sasabihin kapag nagkita na kami ni papa. Tatlong taon ko siyang hindi nakita. Tatlong taon akong lumayo at ni walang communication sa kaniya. Nang makarating na kami sa mga bahay ay binati nila si Kuya Robe. Mukhang kilala siya rito dahil panay ang tawag nila sa kaniyang pangalan. "Siya nga pala Manong Simon, siya ang asawa ni sir Braylon." Pakilala niya sa akin sa matandang nakasalubong namin. Tumango ako at ngumiti sa matanda. Tiningnan niya ako na may tuwa sa mukha. "Aba'y napakagandang babae itong asawa ni sir, Robe ano?" Nakagat ko ang ibabang labi. Pinagtitinginan pa kami ng iba pang mga tao. Pinakilala ako ng matanda sa mga taong nasa paligid namin. Mas lalo akong nahiya nang maghiyawan sila. Puro papuri ang natanggap ko sa kanila. Ang babait ng mga tao rito sa Isla. "Sa wakas at nakita rin namin itong asawa ni Sir Braylon. Ang tagal namin hinintay ito." Masayang salita ng asawa ni Manong Simon. Tumango si Kuya Robe. "Salamat po Manang Margie. Sige po tutuloy na kami kay Mr. De Leon." Muli na naman akong nakaramdam ng excitement nang marinig ang papa ko mula kay Kuya Robe. Nagpasalamat ako ulit sa mga tao at pumunta na kami sa pinakadulo na bahay. Simple ang mga bahay rito at gawa sa kawayan. Parang katulad rin ng kubo na tinitirahan namin ni Braylon. Walang kuryete rito pero ramdam kong mas masaya mamuhay rito ang mga tao. Tahimik at sariwa ang hangin. Nang makarating kami sa bahay na pakay namin ay agad kumatok si Kuya Robe. Pinagbuksan kami ng may edad na babae. Agad siyang ngumiti nang makita si Kuya Robe. "Sir Robe, ikaw pala? Napadalaw ka?" Nakasuot ito ng kupasing damit pero lumilitaw pa rin naman ang taglay niyang ganda kahit may edad na. "Ma'am Emma, nasaan po ang asawa ninyo?" Malakas akong napalunok. Tila nakuha ko na ang sagot at itong babaeng nasa harapan namin ay asawa ng papa ko. Nilikod ko ang kamay at minasahe ang mga daliri ko. Ngumiti sa amin si Emma. Tinuro ang gilid ng dagat kung saan may isang lalaki na nag-aayos ng lambat. Bumulong ang luha ko nang hindi ko napigilan. Nakatayo ang papa ko sa gilid ng dagat at inaayos ang lambat na nakasabit. Kinagat ko ang ibabang labi at napaatras. Agad akong hinawakan ni Kuya Robe sa braso upang alalayan at nang lumingon ako sa dalawang kasama ay nakita kong namimilog ang mata ni Emma. "I-ikaw ba si E-ellen?" Hindi ako makapagsalita. Namimiss ko na ang papa ko kaya walang ibang laman ang isip ko ngayon kun'di ang lapitan siya at yakapin. Hindi ko na alam ang naging sagot ni Kuya Robe sa asawa ni papa dahil agad ko silang tinalikuran at tumakbo palapit sa papa ko. "Papa!" Nabitawan niya ang hawak at agad lumingon nang marinig ang boses ko. Natigilan ako sa paglapit sa kaniya. Nagkusot siya ng mata at tila inaarok kung ako ba talaga ito. "Papa..." Umawang ang mga labi niya at tuluyang humarap sa akin. Malaki ang ipinagbago niya. Umitim siya at tumanda sa loob ng tatlong taon na hindi namin pagkikita. "Papa?" ulit ko. "E-ellen..." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin habang humahakbang siya palapit. "Ellen, anak?" Mahina akong humikbi. Tinakbo ko siya at mahigpit na niyakap. Narinig kong umiyak siya. Pinugpog ng halik ang buhok ko at halos madurog ako sa mahigpit na pagkakayakap niya sa akin. "Ellen, anak ko. Ang prinsesa ko. Anak..." Humigpit ang kamay ko sa baywang niya at siniksik ko ang mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ako makapagsalita. Wala akong ibang gusto kun'di magsawa sa pagkakayakap sa ama ko. "Anak, saan kaba nagpunta ha? Matagal ka naming hinanap ni Braylon. Matagal kitang hinanap..." Humikbi ako ulit. "Huwag na po kayong magsalita papa. Gusto kitang yakapin na lang." Hinaplos niya ng buhok ko at muling hinalikan. "Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako..." Ngumiti ako sabay pikit. Parang sasabog na ang dibdib ko sa tuwang nararamdaman dahil sa muli naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD