Ellen
Nilubog ko ang mukha sa unan at tahimik na umiyak. Tumagilid ako ng higa at humarap sa dingding upang hindi ko siya makita. Nasaktan ako sa ginawa niya. Para niya akong tiniris ng kutsilyo at binudburan ng asin.
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Suot ko pa ang ruba niya hanggang ngayon. Umusod siya sa akin at dinikit ang mukha sa balikat ko. Naramdaman ko ang init ng hininga niya na bumubuga sa aking batok.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Braylon ngayon? Ang utak ko ay nagsasabing iwanan ko na siya pero itong traydor kong puso ay nagsasabing manatili ako sa kaniyang tabi.
"M-my love. . ."
Pumikit ako nang marinig ang endearment niya sa akin. Kapal ng mukha niya! Pagkatapos niya akong puwersahin ay lalambingin niya ako ng ganito.
"Ellen..."
Winaksi ko ang braso upang matanggal niya doon ang palad niya.
"Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako." Bulong niya.
Mas lalo niyang napapasama ang loob ko mula sa paghingi niya ng tawad sa akin. Dumikit pa siya sa akin at mahigpit na pinulupot ang braso sa baywang ko. Muli niyang sinamyo ang leeg ko.
"Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya, nagalit ako kanina kaya ko nagawa iyon."
Parang ahas na si Braylon na lumigkis sa akin. Kahit anong tanggal ko sa kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin ay nanatili pa rin iyon na nakapulupot sa baywang ko.
"Ellen, ano ba? Magagalit na ako."
Kumulo ang dugo ko nang marinig ang salita niya. Siya pa itong may ganang magalit gayong siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.
Pinalo ko ang kamay niya. "Bitiwan mo nga ako!"
Malakas siyang umungol. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya. Muli kong kinalas ang kamay niya sa tiyan ko.
"Sorry na nga! Arte arte mo pa, pasalamat ka at mahal na mahal kita!"
Natigilan ako. Parang tumigil ang ikot ng mundo nang marinig ang sinabi ni Braylon. Malakas akong napalunok at dahan-dahan na tumihaya. Binalingan ko siya at gusto kong ulitin niya ang kaniyang sinabi.
"A-anong s-sabi m-mo?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Ang sabi ko, sorry na. Hindi ko sinasadya, nabigla lang ako dahil sinisigawan mo ako. . .ah hindi lang iyon Ellen, sinampal mo pa ako. Wala ka talagang puso na babae."
Sumakit ang dibdib ko nang hindi marinig ang inaasahan ko. Kinagat ko ang ibabang labi at hinablot ang unan niya. Bumangon ako at malakas ko iyong hinampas sa kaniya.
"Walang hiya ka talagang lalaki ka! Hindi kana nagbago Braylon! Hanggang ngayon ay masama pa rin ang pag-uugali mo! Walang hiya ka!"
Umupo rin siya at pilit na iniiwas ang mukha sa unan na pinapalo ko sa kaniya. Nang mahawakan niya ako sa kamay ay nagsalita siya.
"Tama na nga iyan, nasasaktan na ako Ellen."
Masama ko siyang tiningnan. "Wala akong pakialam! Hindi mo na ako matatakot ngayon. Hindi mo na ako magiging alipin dito sa pamamahay mo Braylon! Ikaw ang magdusa sa mga kamay ko!" Pinagsusuntok ko siya braso kaya umalis ito sa kama.
Namaywang siya at ngumisi. "Talagang palaban kana ngayon hah. Sige nga ipakita mo sa akin ang tapang mo." Hamon niya.
Muling kumuyom ang mga kamao ko. Bumaba ako sa kama at nilapitan siya. Balak ko siyang sampalin pero agad niyang nahuli ang bisig ko.
Malakas akong tumili nang hilain niya ako sa kaniya at agad na niyakap.
"Braylon! Ano ba?!"
Hindi niya ako binitawan. Kinuha ang isang hita ko at pinaikot iyon sa balakang niya.
"Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako Braylon!"
Dumiin ang pagkakayakap niya sa baywang ko. Ang isang hita ko ay hindi niya binibitawan at nanatili iyon sa kaniyang balakang.
"Dito ka lang sa tabi ko Ellen. Huwag mo na akong iiwan..."
Nag-init ang dulo ng mga mata ko. Kakaibang Braylon ang kasama ko ngayon. Mainahon ang boses niya at ramdam kong may lungkot sa kaniyang pananalita.
Naging mabait naman sa akin si Braylon noon, iyon ang totoo. Nasasalamin ko sa kaniyang mga mata ang mabuti niyang puso kahit magaspang ang ugaling pinapakita niya sa akin. Hindi siya masamang tao. Nakasama ko siya kaya nararamdaman ko. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit galit na galit siya sa mga kapatid ko.
"Braylon?" Tinapik ko siya balikat.
Binitiwan niya ang hita ko at tuluyan akong niyakap ng mahigpit.
"Hindi ako mabubuhay ng wala ka Ellen. Kapag iniwan mo ako ulit ay wala ng saysay ang buhay ko. Puwede bang manatili ka sa aking tabi. . .maging asawa ko."
Mahina akong suminghap. Nasasakal na ako sa mahigpit niyang yakap.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Uminahon ako at pilit hinanap ang kaniyang mga mata.
Malalim siyang nagpakawala ng buntong hininga. Binitiwan niya ako at umiling.
"Hindi kana minor de edad Ellen. Hindi ba malinaw sa iyo ang mga sinabi ko? Ang hirap talaga paintindihin ang mga babae. Masakit sa ulo."
Napaawang ang mga labi ko nang talikuran niya ako at lumabas ng kwarto. Napailing ako. Sa inis ko sa kaniya ay nilapitan ko ang unan niya at pinaghahampas iyon sa kama.
Walang mudo na lalaki! Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin dahil hindi niya nililinaw ang kaniyang mga salita. Alam kong siya ang tipong lalaki na hindi marunong magpakita ng emosyon pero sana man lang ay iparamdam niya sa akin.
Hindi ako nagkamali ng dinig. Alam kong sinabi niyang mahal na mahal niya ako at gusto ko iyon marinig ulit na sabihin niya sa akin ng harapan.
Umupo ako sa kama at niyakap ang unan niya.
"Baka hindi mo na malaman kung gaano kita kamahal, Braylon." Bulong ko sa sarili.
--
Naglinis ako ng bahay pagkatapos ay nagluto. Kompleto naman itong kubo ng kagamitan. Ang problema nga lang ay walang kuryete.
Kanina pa siya sa labas at may ginagawa. Hindi na bago sa akin itong ginagawa ni Braylon dahil noon pa man ay mayroon na siyang welding house sa tabi ng mansyon. Hilig na talaga niya ang mag-repair ng bagay.
Mamaya na ako maghahain kapag pumasok na siya. Pumasok ako ulit sa loob ng kwarto namin at hinanap ang mga damit niyang marumi. Balak kong maglaba pagkatapos namin mananghalian. Sana ipasyal man lang niya ako rito sa Isla. Sana dalhin man lang niya ako sa mga kapitbahay namin.
Ngumuso ako. Nakapa ko ang wallet niya sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon. Kinuha ko iyon at binuksan. Walang pera pero maraming credit cards. I tsked. Tiningnan ko pa sa loob at lihim akong napangiti nang makita ang I.D niya. Siguro ay bata pa siya sa litrato na ito.
I was 20 years old and Braylon is turning 37. Napailing ako. Malayo sa imagination ko ang nangyari sa buhay ko.
Pangarap kong makapag-asawa ng kasing edad ko. Gusto ko rin ng lalaking teacher ang profession pero sa iba ako nahulog. Nahulog ako sa mas matanda sa akin at malupit na businessman. Hinaplos ko ang I.D niya at binalik iyon sa loob ng wallet.
Inipon ko lahat sa basket ang labahin at ginilid iyon sa pinto. Nang hindi pa siya pumasok ay hinahanap ko siya sa labas.
Nagpupunas na siya ng kamay nang makita niya ako.
"Handa na ang pagkain mo," ani ko.
Tiningnan lang niya ako at pumasok na sa loob. Ang gusto niya ay pagsilbihan ko siya kaya naman ginagamapanan ko na ang papel ko sa kaniya.
Sinandukan ko ng kanin at ulam ang plato niya. Napatingin siya sa akin.
"Bumait ka yata Maria Elena?"
Inirapan ko siya. "Tigilan mo nga ako sa katatawag na Maria Elena. Ellen ang pangalan ko Braylon." Paulit ulit ko na itong sinasabi sa kaniya.
Tumahimik siya. Umupo na rin ako paharap sa kaniya at nagsimulang kumain. Nang matapos na kami ay natigilan ako dahil nakatingin na naman siya sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto ko ng kape."
Hindi na ako nagsalita at nagpainit ng tubig. Niligpit ko ang pinagkainan namin bago siya tinimplahan ng kape.
Nang matapos ako magligpit ay nilapitan ko ang labahin.
"Saan ka pupunta?"
Nilingon ko siya. Nakapamaywang siyang nakatingin sa akin.
"Maglalaba," sagot ko.
Tiningnan niya ang binti ko. "Nang ganiyan ang suot mo?"
Napatingin ako sa cotton short ko. Alam kong maiksi pero dito ako komportable.
"Anong problema sa suot ko?"
"Maiksi ang short mo Ellen."
"Alam ko. Dito ako komportable."
Naghilamos siya ng mukha. Anong problema ng lalaking ito?
"Makikita ka ng mga mangingisda diyan sa labas."
Tinaasan ko ang noo.
"Ano ngayon? Hindi naman ako nakahubad."
He gritted his teeth. "Pinapainit mo ba ang ulo ko Ellen ha?"
Inirapan ko siya at binuhat ang basket.
"Bahala ka diyan sa buhay mo." Tinalikuran ko siya at lumabas ng bahay.
Naginhawaan ako nang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Pumuwesto ako sa batuhan at nilagyan ng tubig ang maliit na palanggana. Binuhusan ko iyon ng powder na sabon at nilublob doon ang mga damit ni Braylon. Pero hindi pa ako nag-uumpisa sa paglalaba nang makita si Braylon na palabas ng bahay.
Napapikit ako sabay hinga ng malalim. May dala siyang maliit na upuan at ang kape niya.
Lumapit siya sa akin at pumuwesto sa tabi ko.
"Bakit kaba sumunod dito. Hindi ako makahinga kapag nakikita ka!"
Natigilan siya mula sa pag-inom sa hawak niyang tasa. Masama niya akong tiningnan.
"Kung hindi ka makahinga sa tuwing nakikita mo ako, ako naman ay hindi makahinga kapag hindi kita nakikita."
Napalunok ako. Mahina akong tumikhim at nagsimulang kusutin ang mga damit niya. Walang mangyayari kung makikipagtalo ako sa lalaking ito.
Inabala ko ang sarili sa ginagawa at hindi siya pinansin. Tama nga si Braylon. May mga mangingisda ang napadaan sa amin at kumakaway pa. So nandito pala siya para bantayan ako dahil lang sa suot ko.
"Anong ginawa mo sa loob ng tatlong taon sa Cambodia?"
Natigilan ako mula sa pagbabanlaw ng mga damit niya nang bigla siyang magtanong. Kinagat ko ang ibabang labi bago sumagot.
"Nag-volunteer lang ako sa orphanage."
"Paano mo nakayang mabuhay doon ng mag-isa? Sana sinama mo na lang ako."
Malakas akong napalunok. Parang bala ang salita ni Braylon na tumama sa dibdib ko.
"Kung hindi kita tinakasan noon sa tingin mo ba papayagan mo akong pumunta doon?"
Tumango siya. Napatitig ako sa kaniya.
"Basta magkasama tayo Ellen, kahit saan mo hilingin na pumunta tayo ay susundin ko."
Nakagat ko ulit ang labi at muntik na mabitiwan ang hawak na palanggana. Hindi na ako nagsalita at binilisan ang ginagawa. Nang matapos ako ay siya ang bumuhat sa mga dala ko pabalik ng bahay.
Tinulungan niya ako magsampay kaya kinuha kong pagkakataon ito upang makapagtanong.
"Ano bang kasalanan sa iyo ng pamilya ko at ganoon na lang katindi ang galit mo sa kanila?"
Natigilan siya at binaba ang hawak.
"Saka na natin pag-usapan iyan Ellen kapag nahanap ko na sila."
Kumunot ang noo ko. "Nangangapa ako sa sitwasyon Braylon kaya sana sabihin mo sa akin."
Sinampay niya ang pantalon. "Mainit dito sa labas. Tara na sa loob." Iniba niya ang usapan.
Ngumuso ako. "Sabihin mo na kasi sa akin."
Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay.
"Halika na sa loob. Malamok dito sa labas."
Wala na akong nagawa nang hilain niya ako papasok at sinara ang pinto.
Binitiwan niya ako at may kinuha sa loob ng kwarto. Pagbalik niya sa sala ay may dala na itong petroleum jelly. Lumapit sa akin at inabot ang kamay ko.
"Masisira ang kamay mo kapag hindi ka naglagay nito."
Umirap ako sa hangin. Naging concern pa sa kamay ko. Kung talagang concern siya ay hindi dapat niya ako dinala sa islang ito na walang kuryete. Hinayaan ko siyang aplayan ng petroleum jelly ang mga kamay ko at paa.
Nakatingin ako sa seryoso niyang mukha. Kahit kailan ay hindi ko na-imagine si Braylon na gagawin niya ito sa akin. Tumaas ang kamay ko at humaplos sa kaniyang panga. Pati ako ay nagulat sa naging kilos ko pero huli upang tanggalin ko roon ang palad ko.
Natigilan siya at tiningala ako. Nag-iwas ako ng tingin sabay basa ng labi ko.
"S-salamat."
Tinigil niya ang ginagawa at walang pasabing inangkin niya ang mga labi ko. Nagulat ako sa umpisa pero kaunan ay pinikit ko ang mga mata at humalik pabalik.
Nang maramdaman ni Braylon ang sagot ko ay mas lalo siyang naging mapusok. Humaplos ang kamay sa mga hita ko at hinagod ng madiin ang labi sa akin. Umakyat ang kamay ko sa leeg niya at hinaplos ko iyong habang ang mga labi namin ay hindi pa rin naghihiwalay.
Pareho na kaming mapusok at nag-iinit nang may biglang kumatok. Agad akong napadilat at tinulak si Braylon. Kinagat ko ang ibabang labi at lumingon sa pinto.
Malalim siyang bumuntong-hininga.
"Sino iyan?" Tanong niya.
Umayos ako ng upo nang tumayo si Braylon.
"Boss,"
Natigilan ako nang marinig ang boses ni King. Sila ang dumating kaya agad akong napatayo. Nilapitan ni Braylon ang pinto at binuksan. Alam ko na ang pakay ng tauhan niya rito. Malamang at may report ito tungkol sa mga kapatid ko.