Chapter 2

1731 Words
Ellen Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumaloob sa makapal na kumot. Binalot ko ang sarili at naglagay ng unan sa pagitan namin ni Braylon. Mahaba ang suot kong pajamas at hindi ko na hinubad ang bra ko. Natatakot ako sa kaniya kahit nagiging mabait ito sa akin minsan. Kailangan kong matulog ng maaga dahil may pasok pa ako bukas. Kasalukuyan pa akong nag-aaral sa private university na isa sa pag-aari ni Braylon. Grade twelve na ako at ilang buwan na lang ay graduation na namin. Mariin akong pumikit at niyakap ang unan. Nasa baba pa si Braylon dahil kausap ang mga tauhan. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay para akong bangkay na nanlamig. Nagulo ang sestima ko. Nilakob na naman ako ng kaba at takot. Hindi siya nagsalita at dumeretso sa banyo. Nang marinig ko ang lagaslas ng tubig ay malalim akong napahinga. Sana may maiinom akong gamot ngayon para makatulog. "Antok, please po dalawin mo na ako." Bulong ko sa sarili. Tahimik akong nanalangin at mariing pumikit. Tumatak sa isipan ko ang salita niya kanina. Pagsilbihan ko siya sa kama, iyon lang ang magiging papel ko sa mansyon na ito. Tumigil ang lagaslas ng tubig at narinig kong bumukas ang pinto. Pinigilan kong huminga at nagkunwaring tulog na. Ang sumunod kong naramdaman ay lumundo ang kama. Naamoy ko ang mabango niyang shower gel na ginamit ko rin kanina. Pabalang niyang hinablot ang unan sa pagitan namin at tinapon iyon sa sahig. Nagmura siya. Mariin akong pumikit at hindi gumalaw. "Alam kong hindi kapa tulog Maria Elena ko. Stop acting and turned your face to me. Gusto kong mapagmasdan ang maganda mong mukha bago ako matutulog." Nagbara ang lalamunan ko. Ayaw ko! Ayaw kong humarap sa kaniya dahil natatakot ako ng sobra. Muli siyang nagmura. "Naririnig mo ba ako mahal ko? Ang sabi ko humarap ka sa akin? Sundin mo ang utos ko para wala tayong problema!" Naiiyak akong tumihaya. Binalingan ko siya at namimilog ang mga mata ko nang makitang wala siyang baro. Tanging boxer lang ang suot at nakikita ko na naman ang nakakatakot niyang mga tattoos. Ngumisi siya sa akin. "Humarap ka sa akin? Umusod kapa dito!" Nginuso niya ang pagitan namin. Binuhat ko ang unan at sumunod sa kaniya. Ang laki ng katawan niya. Kasing laki lang yata ng baywang ko ang braso niya. Para siya iyong lalaking nagbubuhat ng bakal. Humarap ako sa kaniya at pumikit. Naramdaman ko na naman ang malalim niyang paghinga. "Buksan mo ang mga mata mo at tumingin sa akin? Hindi pa kita binigyan ng permiso na pumikit na." Sinunod ko siya. Matamis siyang ngumiti sa akin. Natutuwa siya kapag natatakot niya ako. Tinaas niya ang palad at hinaplos ng hintuturo niya ang aking pisngi. Nanindig na naman ang mga balahibo ko sa batok. "Good girl, mahal ko. Napakaganda mo. Napakaganda talaga ng Maria Elena ko." Muli akong lumunok. Para akong inantok dahil sa takot sa kaniya. "M-matutulog na po ako. May pasok pa ako bukas." Muli niyang ginalaw ang hintuturo sa pisngi ko. Tumango sa akin. "Good night my little wife." Hindi ako sumagot at pumikit na ng mariin. Alam kong nakatitig siya sa aking mukha pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin at pinilit na matulog. Nang magising ako kinabukasan ay nasa ibabaw na ng dibdib ni Braylon ang ulo ko. Hindi ako makagalaw dahil nakakulong ako sa malalaki niyang braso. Gumalaw ako upang magising siya. Pinilit kong kumawala pero mas lalo niya akong niyakap sa kaniya. "Papasok pa ako sa school po. B-baka ma-late ako." He groaned. "Hindi ka mali-late kahit hapon kapa pumasok." Kumunot ang noo ko. Nilagay ko ang kamay sa tapat ng dibdib niya at pinilit na bumangon. "Ellen?" Natigilan ako nang marinig ang naiirita niyang boses. Binalingan ko siya. "Bakit?" "Hindi kita binigyan ng permiso na bumangon sa kama ko. Bumalik ka dito dahil gusto pa kitang yakapin." Inirapan ko siya. Hindi ako susunod sa kaniya kung pag-aaral ko ang maapektuhan. Tumakbo ako papasok sa banyo at nag-lock ng pinto. Napahinga ako ng maluwang at naghilamos sa sink. "He is scary!" Tinitigan ko ang mukha sa salamin. Namumutla ako. Agad na tumalon ang puso ko nang kumatok siya. "Akala mo ba wala akong duplicate key sa bahay na ito? Kahit magsara kapa diyan ay mapapasok kita. Mas mabuting sumunod ka na lang sa akin mahal ko!" Pinagkrus ko ang kamay sa tapat ng dibdib. Sira ulo talaga ang lalaking ito. Ang rumi pa niya magsalita tulad ng tattoos niya sa katawan. Mabilis akong naligo at hindi siya pinansin, ngunit paglabas ko ng banyo ay nasa gilid siya ng pintuan. May suot na ruba at nakasandal sa semento. Mahigpit kong hinawakan ang tali ng ruba ko. Masama ko siyang tiningnan. "Huwag mo akong tingnan ng ganiyan." Napangiwi ako ng hablutin niya ako sa braso. "Pinaparusahan ko ang mga taong hindi marunong sumunod sa mansyon na ito. Gusto mo ba Ellen?" Matapang ko siyang tiningnan. Tinaasan ko ang noo at hinamon siya. "Anong gagawin mo sa akin ha? Papatayin mo? Mas mabuti nga iyon para makawala ako sa empyernong poder mo!" Nag-init ang mga mata ko. Umiling siya. "Hindi ikaw ang gusto kong patayin. Hinding hindi Ikaw." Natigilan ako at napalunok. Bigla akong kinabahan. "S-sino?" Biglang nanginig ang boses ko. Seryoso niya akong tinitigan. "Kapag nagkamali ka at sumuway sa utos ko ay lahat ng malalapit sa iyo ang sasalo ng parusa mo. Gusto mo ba iyon?" Agad akong umiling at kumapit sa braso niya. Natatakot ako. "No...please.." naiiyak ako. Hinawakan niya ako sa chin at pinatingin sa kaniya. "Ito ang magiging buhay mo Ellen simula ngayon. Asawa mo ako kaya sumunod ka sa gusto ko. Lahat ng utos ko at hiling ay gagawin mo. Huwag mong kalimutan na billions ang nawala sa akin para lang mapakasalan ka. Malaki ang siningil sa akin ng ama mo kaya dapat lang na magbayad ka ng tama." Binitiwan niya ako at pumasok na ito sa loob ng banyo. Bumulong ang luha ko. Pumasok ako sa walk in closet at nagbihis ng mabilisan. Umakyat si Manang sa kuwarto namin. Nginitian ko siya at tinuro ang banyo. "Nasa loob po ang a-asawa ko." Namula ang mukha ko pagkatapos iyon sabihin. Ngumiti siya sa akin. "Okay lang iyan Iha. Halika ka dito at aayusin ko ang buhok mo." Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod. Mapaparusahan sila kapag sinuway ko si Braylon. Umupo ako sa tapat ng tokador at nagsimulang suklayin ni Manang Gemma ang aking buhok. Nakangiti siya sa akin habang ginagawa ang trabaho. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa banyo si Braylon. Nakaruba at nagpupunas ng basang buhok. Natigilan siya nang makita kami sa tapat ng tokador pero agad rin naglakad palapit sa walk in closet. "Magandang umaga po, sir." Bati ni Manang sa kaniya. Tumango lang siya kay Manang pagkatapos ay sinulyapan ako. Nag-iwas ako ng tingin. "Ang ganda ganda mo, Iha. Nagustuhan mo ba ang ayos ko sa buhok mo?" Tumango ako. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. "Maraming salamat po, Manang." Tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin. Suot ko ang uniforme at sapatos. Nagpaalam si Manang na bababa na dahil ihahanda ang lunch box ko. Muli akong nagpasalamat at hinintay si Braylon na matapos magbihis. Kumunot ang noo ko nang makita ang suot niya. Naka-long sleeve ito ng Leopard stand collar at nerolyo niya hanggang siko ang manggas. Naka-jeans at may suot na chin necklace. Pumikit ako sabay iwas ng tingin. Para siyang gangster. Nakakatakot pati pananamit niya. "Let's go." Aya niya. Tumango ako at tumayo. Dinampot ko ang back pack bag at sumunod sa kaniya. Nang nasa pasilyo na kami ay hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Pumasok kami sa kusina. Nandoon sina Manang at Yaya Jen. May mga pagkain na sa mesa. Pinaghila niya ako ng upuan at tahimik akong sumunod. Kinuha ni Manang ang back pack bag ko at nilagay sa loob ang baon kong lunch box. Ayaw ko na kasing magbitbit ng lunch box kaya nilalagay ko na lang iyon sa loob ng bag ko. "Salamat po, Manang." Ngumiti siya sa akin. Bumalik sa sink at nagligpit ng mga ginamit. Tahimik kaming kumain kahit panay ang tingin niya sa akin. Para niya akong ulam na bago ngunguya ay tititig muna sa akin. Ang sarap hampasin ng pagmumukha niya. "Ellen, ito na ang bago mong I.D." Inabot sa akin ni Kuya Robe ang hawak na I.D nang nasa labas na kami ng gate. Nakapamusla sa tabi ko si Braylon. Ang iba niyang bodyguards ay nasa paligid at nakamasid sa amin. Tiningnan ko ang I.D. Binasa ko ang pangalan at hindi na ako nagulat kung naging last name ko ang last ni Braylon. ELLEN DE LEON PALLIS It's good. Maganda ang apelyido niya at parang malakas. Sinuot ko iyon at sinulyapan si Braylon. "Puwede na ba akong pumasok?" Paalam ko sa kaniya. Tinago ni Kuya Robe ang ngiti dahil sa naging tanong ko. Tiningnan ako ni Braylon. "Ihahatid ka ni Robe at susunduin sa school. Huwag kang pasaway doon. Lahat ay monitor ko." Umirap ako sa hangin. Hindi na ako magtataka kung gagawin niya iyon. "Huwag kang nakikipag-usap sa mga kaklasi mong lalaki. Maliwanag?" Napangiwi ako. Paanong hindi gayong nag-iisa lang na kaibigan ko si Julio. Pareho kaming mahilig sa paintings kaya kami nagkasundo. "Narinig mo ba ako Maria Elena?" Sinulyapan ko siya at dahan-dahan na tumango. "Opo. Narinig ko po." He tsk! "Aalis na ako." Lalapit na sana ako kay Kuya Robe pero tinawag niya ako. "Aalis kaba na hindi ako hinahalikan?" Parang sinabuyan ng mainit na tubig ang buong mukha ko. God! Nasa paligid lang ang mga tauhan niya pati si Kuya Robe. Malakas ang pagkakasabi niya doon kaya alam kong rinig na rinig nila. Sumimangot ako at bumalik sa tabi niya. Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa baywang at hinalikan sa magkabilang pisngi. "Take care mahal ko." Hindi ko na siya sinagot at agad pumasok sa sasakyan. Nakakahiya siya pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa pisngi niya ako hinahalikan. Napahinga ako ng maluwang nang makawala sa mga mata ni Braylon. Gusto kong puriin ang kaguwapuhan niya pero nauuna ang inis ko at takot. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang pasensya ko at pagtitiis sa kaniya. Basta habang secured ang papa ko at kapatid ay magtitiis ako sa poder ni Braylon. Lahat ay kaya kong tiisin para sa pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD