Chapter 3

2070 Words
Ellen Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Braylon rito sa school namin. Naka-separate ang upuan ko sa mga kaklasi ko. Malayo ako sa kanila at para akong tanga na nag-iisa sa kabila. Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga at binalingan ang mga kaklasi ko. Tinaas ni Julio ang kamay upang makuha ang atensyon ng teacher namin. "Yes, Julio? May kailangan kaba?" "Ma'am, bakit po nag-iisa si Ellen sa kabila? Hindi ba puwedeng ibalik ni'yo na lang ang arrangements ng upuan." Muli akong napapikit. Hindi alam ni Julio ang nangyari sa buhay ko kaya ito nakakapagreklamo. Tumikhim ang teacher. "I'm sorry, Julio. Sumusunod lang kami sa utos dito sa paaralan." Tiningnan ko si Julio at inilingan. Wala siyang nagawa kun'di bumuntong-hininga. Nakinig ako sa leksyon kahit na naiinis ako ng sobra sa ginawa ni Braylon. Humanda talaga sa akin ang lalaking iyon pag-uwi ko mamaya. Pagkatapos nang klasi namin ay inaya ko si Julio sa canteen at sabay kaming kumain. Pinakita niya rin sa akin ang mga gawa niyang paintings. Simula elementary ay kaklasi ko siya. Partner ko rin sa mga sayawan at group assignments. "Ellen, nagtataka ako, bakit may mga bodyguards ka kanina nang pumasok ka sa school? Don't get me wrong ha? Alam kong mayaman kayo at nag-iisa kang babae sa tatlong magkakapatid pero hindi naman ito nangyari noon na halos ayaw kang malapitan." Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko pa kayang sabihin kay Julio na may asawa na ako. Ngumiti ako sa kaniya. "Utos kasi ng papa ko, Julio. Sumusunod lang rin ang paaralan na ito." Nagsapo siya ng mukha. "Humihigpit na ang pamilya mo sa iyo. Kung sabagay naiintindihan ko sila. Nag-iisa kang prinsesa nila sa loob ng bahay. Kaya lang, baka isang araw pati ako hindi kana puwedeng kaibiganin." Pinalo ko siya sa braso. "Ano kaba? Kilala kana kaya ng papa ko at mga kapatid. Huwag ka ng malungkot diyan! Bilisan mo na lang kumain." Pinilit niyang ngumiti sa akin sabay tango. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa bahay. Noong gabing sabihin sa akin ni papa na dapat kong pakasalan si Braylon ay nagwala ang Kuya Ernest ko. Hindi siya sang-ayon dahil bata pa ako. Pero wala na siyang nagawa nang hindi ko tinanggihan ang utos ni papa. I was closed with my two brothers. Patay na ang mama namin limang taon ang nakalipas. Kaya nga kami na bankrupt dahil pinagamot siya nang pinagamot ni papa pero hindi pa rin naka-survive sa sakit niyang leukemia. Bata pa ako noon nang mawalan ng Ina. Tumayong tatay at nanay ko si Kuya Ernest dahil si papa ay nalulong sa sugal. Hindi niya matanggap na wala na ang mama kaya siya nagbisyo. Naiintindihan ko dahil sobra niyang mahal ang mama namin. Si Kuya Edden naman ay walang pakialam. Matigas ang ulo at puro kalukuhan ang ginagawa sa buhay. Hindi ko kailanman naramdaman na hindi kompleto ang pamilya ko. Pero ngayon nasa poder na ako ni Braylon ay puro takot na lang ang nararamdaman ko. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay nakakatakot. Para siyang uhaw at sabik na maangkin ako, pero hindi niya ako pinupuwersa kaya pinagpapasalamat ko iyon. I hate his outfit. I hate his attitude. I hate his stares. I hate everything about him. Palaging may hawak na baril ang dalawa niyang bodyguards na hindi maawat sa kaniya. Naiinis ako sa mukha at haircut ng dalawa. Mga palamura, basta nakakairita! Mabuti na lang at mabait si Kuya Robe. Pagkatapos ng klasi ko ay nagpaalam ako kay Julio. Si Kuya Robe ay nasa labas na ng classroom at naghihintay sa akin. Maulan ngayon kaya may dala siyang payong. "Ellen?" Tawag niya sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Inayos niya ang payong upang hindi ako mabasa. Nang pasakay na kami ay tinawag ako ni Julio. Ngumiti at kumaway sa akin. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay kinausap ako kaagad ni Kuya Robe. "Ellen, huwag mo sana ako mamasamain. Mas mabuting mag-iingat ka at hindi nakikipag-usap sa lalaki mong kaklasi." Napalunok ako. Tiningnan ko ang driver namin bago ko siya binalingan. "Si Julio lang po ang nag-iisa kong kaibigan sa school. Kapag pinagbawal pa iyon ni Braylon ay mamamatay na ako ng boredam sa classroom. Alam mo bang naka-separate ang upuan ko sa kanila. Para akong tanga na mag-isa sa gilid." Naiinis ako. He sight. Muli ko siyang binalingan. "Malalaman naman po ni Braylon kung magsasalita ka." Seryoso niya akong nilingon. "Hindi sa lahat ay kaya kong magsinungaling, Ellen." "Then, just for Julio, please. Siya lang po Kuya Robe. Kaibigan ko lang siya. Kaibigan ko lang." Muli siyang bumuntong-hininga. Tumango sa akin kaya napangiti ako. Nang makarating kami sa mansyon ay nagkakagulo ang mga bodyguards sa labas. Para bang may nangyaring away at nagtatakbuhan ito sa likod ng bahay. Sabay kaming bumaba ni Kuya Robe na may pagtataka. "King, ano bang nangyayari?" Agad pinigilan ni Kuya Robe ang tinawag niyang King. Isa ito sa bodyguard ni Braylon na nakakairita. Tiningnan niya kami. "Nagwawala si Ms. Venna. Tatawagin ko si Bossing!" Kumaripas na siya papasok sa loob ng mansyon. Nakarinig ako ng sigaw ng babae. May mga nabasag na gamit. Huminto ako at pinakinggan ang pinanggalingan ng tili. Nasa likod ng mansyon kaya hindi ko makita kung sino ang sumisigaw. Agad akong pigilan ni Kuya Robe nang balakin kong pumunta doon. "Ellen, mas mabuting pumasok kana lang sa loob." "Sino si Ms Venna?" Natigilan siya. Matagal bago niya ako nasagot. "Si sir na lang ang tanungin ninyo tungkol sa kaniya." Hindi ako nagpumilit at pumasok sa mansyon. Nakasalubong ko sa sala sina Braylon. Nagulat pa ito nang makita ako. Huminto at pinasadhan ako ng tingin. Gumilid ako at hindi siya kinausap. Hindi siya nagsalita at agad lumabas ng mansyon. Kuryoso ako sa nangyayari sa labas kaya imbes na pumanhik ay sa kusina ako dumeretso. Nginitian ko ang masungit na si Yaya Jen. Humila ako ng upuan at pinatong doon ang bag pack. "May gusto kabang kainin, Iha?" Unang beses na kinausap niya ako. Umiling ako sa kaniya at ngumiti ulit. "Iinum lang po ako ng tubig." "Sandali at tawagin ko si Gemma. Siya dapat ang gumagawa ng mga kailangan mo." Tinaas ko ang kamay sa kaniya sabay iling. "Huwag na po. Ako na ang kukuha." "Hindi puwede, Iha. Ang rules sa bahay na ito ang dapat masunod. Maupo kana doon at tatawagin ko si Gemma." Wala akong nagawa kun'di ang sumunod. Bumalik ako sa mesa kahit na nauuhaw. Hindi nagtagal ay pumasok si Manang Gemma. Nakangiti sa akin at agad akong binigyan ng isang basong tubig. "Napagod ka yata sa eskwela, Iha. Gusto mo bang kumain o igagawa na lang kita ng meryenda mo?" "Meryenda na lang po. Salamat." Mabilis ang mga kilos niyang gumawa ng meryenda ko. Tinimplahan ako ng juice at waffles na may chocolate. Muli akong nagpasalamat sa kaniya at tahimik na kumain. Pinakita ko kay Manang at Yaya Jen ang paintings na natapos ko. White Pony na may nakasakay na babae. "Ang galing mo pala, Iha. Napakagaling ng mga kamay mo gumuhit." Puri nilang sabay. Nginitian ko sila at pinaliwanag kung bakit ko ito gusto. "Saan mo iyan ilalagay, Iha? Balak mo bang ikabit sa ding ding ng kuwarto ninyo?" Umiling ako sa kanila. "Hindi po. Ibibigay ko ito kay Braylon." Namula ang mukha ko pagkatapos kong sabihin iyon. Ngumiti sa akin ang dalawa kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Binalik ko iyon sa kinalalagyan niya at binalot ulit. Matagal akong naghintay sa kwarto namin bago pumasok si Braylon. Kunot ang kaniyang noo at magkasalubong ang mga kilay. Lumapit siya sa maliit na refrigerator sa gilid ng kuwarto at kumuha ng beer. Wow! Kaya pala mayroon ditong mini refrigerator dahil alak ang laman. Hindi niya ako pinansin at lumabas ito sa balkunahe ng kwarto namin. Sinundan ko siya ng tingin. Ano kaya ang nangyari sa labas at ganito siya kagalit? Napayuko ako nang bumaling siya sa loob. Bukas ang glass window kaya kitang kita niya akong nakaupo sa gilid ng kama. "Ellen, come here?" Malalim akong nagpakawala ng hininga. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Para na naman nanlulumo ang mga paa ko dahil titig na titig siya sa akin. "May kailangan po ba kayo?" He just stared at me. "Closer, mahal ko..." Lumunok ako. Dumagundong ang dibdib ko at kinakabahan na lumapit pa sa kaniya. Agad niyang inabot ang baywang ko at hinila paupo sa kaniyang kandungan. Namimilog ang aking mga mata na hindi makaimik. "B-braylon.." Naibulong ko ang kaniyang pangalan. Muli akong lumunok sabay basa ng ibabang labi. "Don't talk. Don't asked. Just sit in my lap." Pinigilan kong huminga. Hindi ako komportable na halos itali niya ako sa kaniya katawan. Permi lang ang braso niya sa baywang ko. Ang isang kamay ay hawak ang bote ng beer at umiinom. Malalalim siyang humihinga habang nilalagok ang laman ng bote. Tinaas ko ang kamay upang kamutin ang ilalim ng ilong ko. Hindi ko kaya ang amoy ng kaniyang iniimon. Para akong nasusuka. Tumikhim ako at muling tinawag ang pangalan niya. Binagsak niya ang bote sa pabilog na mesang nasa katapat namin. "What is it, Ellen? You see, mainit ang ulo ko." "A-ayaw ko ng a-amoy niyang beer. Nahihilo po ako." Napasapo siya ng mukha. Inabot ang bote at nilayo sa akin. May candy na nakalagay sa mesa. Inabot niya iyon, nagbukas ng isa at binigay sa akin. Agad kong tinanggap para hindi na naman uminit ang kaniyang ulo. Umabot ulit ng isa at binalatan. Muling nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang palad niyang gumalaw sa ibabaw ng tiyan ko. Muntik na akong ubuhin dahil sa nerbiyos. "O-okay ka lang ba?" Naramdaman kong ngumiti siya. Pinaikot pareho ang mga kamay sa baywang ko. "Concern na sa akin ang asawa ko ah. Ang sarap naman sa pakiramdam. Ulitin mo nga?" Umirap ako sa hangin. Tinatanong ko lang naman dahil gusto ko ng makawala sa pagkakayapos niya sa akin. "Bakit tumahimik ka? Ulitin mo ang tanong mo, mahal ko." Binalingan ko siya. "Ano bang nangyayari sa likod ng bahay kanina?" Kumunot ang noo niya at mahinang nagmura. Napapikit ako. "Never mind." "May narinig akong sumisigaw na babae." "Ellen. Is not your business." Bumuntong-hininga ako at inawat ang braso niya pero mas lalo iyong humigpit sa baywang ko. "Sino si Ms Venna?" "What the f**k?" Muli akong napapikit nang makalas na siyang nagmura. "Sinong nagsabi sa iyo ng pangalan niya? Sino?" Umiling ako. "Narinig kong binanggit ni King nang magtanong si Kuya Robe." "I will f*****g kill that man! Dammit!" Bigla akong natakot. Papatayin niya si King dahil lang sa binanggit ang pangalan ni Ms Venna? Mababaw na dahilan upang pumatay ng tao. Nilingon ko siya. Nagtama ang mga mata namin. Ang mata niyang mapupungay kapag natititigan ako ay nililigaw niya itong isipan ko. Nawawala ako sa sarili pero nando'n ang takot. Malakas akong lumunok at nagbaba ng tingin. "H-huwag ka ng magalit. . .may. . .may ibibigay ako sa iyo." Nag-iwas ako ng tingin. Nang magpakawala ito ng malalim na buntong hininga ay tumingin ako sa kaniya. Umaliwalas na ang kaniyang mukha at hindi na siya galit. "What you going to give me?" Tanong niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko at tumayo. "Kukunin ko lang sa loob." Hindi ko na siya pinasagot at pumasok sa loob ng kuwarto namin. Agad kong kinuha ang dala kong paintings kanina. Muli akong lumabas sa balkunahe at binigay sa kaniya. Tiningala niya ako bago iyon inabot at binuksan. Tumitig siya sa paintings. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon pero para siyang namangha. Nang sulyapan ako ulit ay pinilit kong ngitian siya. "Noong una kitang makita na pumunta sa mansyon namin ay ganiyan ang desenyo ng damit mo." Namula ang mukha ko. Hindi ko kasi makalimutan ang unang encounter namin. He chuckled. Hinaplos ang paintings bago iyon itinabi sa gilid. "Come here?" Itinaas niya ang kamay sa akin. Nanlamig na naman ang buong katawan ko sa pa come here come here niya. Inabot niya agad ang pulsuhan ko at hinila sa kaniya. Muntik na akong tumili nang bumagsak ako sa malapad niyang dibdib. Hinaplos niya ang buhok ko, ang ilong ko, ang pisngi ko hanggang sa labi ko. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi na ako makakilos. "Thank you, Ellen." Mariin akong napapikit nang bumaba ang labi niya sa mga labi ko at hinalikan ako. Hindi ako makakilos at parang nanigas nang maramdaman ko ang init ng halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD