Ellen
Hindi ko na nabisita ang pamilya ko simula nang may mangyari sa daan noong papunta kami sa bahay. Bahay at paaralan din ang napupuntahan ko sa tuwing weekdays. Mas lalong humigpit ang pagbabantay sa akin ni Braylon dahil hanggang sa labas ng classroom ay may dalawang bodyguards na nakamata sa akin.
Hindi na ako malapitan ni Julio dahil hinaharang nila siya. Nasasakal ako sa ganitong klasing buhay pero ako naman ang may gusto. Ako ang tumalon sa nagliliyab na apoy para lang isalba ang aking pamilya.
Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga. Nilikod ko ang kamay at naglakad lakad sa gilid ng swimming pool. Kung marunong lang sana ako lumangoy ay baka nakababad na ako rito ngayon.
Sinilip ko ang glass house. Tahimik at nakababa ang mga kurtina. Nasa kabilang gate sina Braylon at may ginagawa. Balita ko ay mahilig siyang mag welding ng mga sirang sasakyan.
Lumapit ako sa dati kong puwesto kung saan nakalagay ang mga paintings ko. Binilihan ako ng malaking painting board stand at nilagay dito sa gilid ng swimming pool. He always warned me not to closer in the pool, lalo na raw kapag wala siya sa bahay.
Naramdaman ko ang matinding pagmamalasakit niya sa akin pero hindi ko kasi maiwasan na matakot sa kaniya. Lalo na kapag na-corner niya ako sa loob ng kuwarto namin. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi napagsasawa ang sarili na halikan niya ako.
Pinilig ko ang ulo nang maalala ang ginawa niya sa akin. Naninindig ang balahibo ko sa batok. Umiyak ako nang umiyak nang gabing iyon pero kumalma siya at inalo ako.
Akala ko ay bibigyan na naman niya ako ng candy kinabukasan pero itong painting standing board ang binili niya sa akin.
I appreciated him, really. Takot lang ako sa kaniya. Takot ako sa mga titig niya. Takot ako sa malakidlat niyang boses. Takot ako kapag napapalapit siya sa akin, at hanggang ay natatakot pa rin ako sa kaniya.
Tumayo ako sa tapat ng painting board at kinuha ang pencil. Sinimulan ko ang kaniyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang balbasin niyang panga...at ang labi niyang umangkin sa labi ko.
Tahimik lang ako at pinag-aaralan ng maayos ang bawat parte ng kaniyang mukha. Kinapalan ko ang kaniyang kilay at kinopya ko kung anong actual noon.
"Ang guwapo mo sana, kaya lang nakakatakot ka..." Bulong ko. Hinaplos ko ang ilong.
Muntik na akong mahulog sa swimming sa gulat nang may magsalita sa likod ko.
"Wow! Ang ganda naman niyang ginuguhit mo. Si Braylon talaga!"
Namimilog ang mga mata ko at napatayo ng maayos nang makita ko si Venna. Matangkad siya sa akin dahil sa high heels na suot. Nakalugay lang ang kulot niyang buhok at masyadong makapal ang kolorete niya sa mukha.
Braylon's told me that she is his woman. Ganito pala ang mga tipo ni Braylon? Matapang at metikolosa.
Nginisihan niya ako at lumapit pa sa standing board. Bigla akong kinabahan nang titigan niya ang drawing ko na para bang nanlilinsik ang mga mata.
Lumunok ako at naalerto. Nang itaas niya ang kamay upang hawakan ang puting paper ay pinigilan ko siya sa pulsuhan.
"What are you trying to do?" tanong ko na hindi binibitiwan ang kaniyang pulsuhan.
Masama niya akong tiningnan. "Ano pa ba? Eh 'di punitin itong painting mo. Walang kwenta!" At hinila niya ang dulo noon.
Nahati sa gitna kaya tinulak ko siya. Napaatras siya at muntik ng mawalan ng balanse.
"Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kaya ako nagkakaganito! Kung hindi ka sana dinala rito ni Braylon ay ako ang Reyna dito."
Nilapitan niya ako at sinabunutan.
"Bago ka magyabang sa akin kilalanin mo muna ako! Papatayin kita, Ellen! Hindi mo makukuha si Braylon sa akin! Hinding hindi!"
Malakas niyang hinila ang dulo ng buhok ko kaya sumakit ang anit ko. Napangiwi ako at hinanap ang pulsuhan niya. Malakas ko iyong pinalo kaya nabitawan niya ako.
"Isaksak mo sa baga mo si Braylon at manatili ka sa impyernong pamamahay na ito! Wala akong balak na agawin siya sa iyo! Sa iyong, sa iyo siya!" Sa galit ko kay Venna ay malakas ko siyang tinulak. Napaupo siya sa damuhan kaya dinaganan ko.
"Ikaw ang una kong papatayin bago mo ako magawaan ng masama!"
Hinawakan ko siya sa buhok at sinabunutan. Hindi ko na makilala ang sarili ko sa galit sa babaeng ito.
Malakas siyang sumigaw.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Pinigilan niya ang kamay ko pero hindi ko siya binitawan. Nagagalit ako. Sa kaniya ko ibubuntong ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko kay Braylon.
"If you hate me, Venna! I hate you too!"
Isang malaking kamay ang pumigil sa akin. Hinawakan ang pulsuhan ko at parang kidlat ang boses nang magsalita siya.
"Stop it, Ellen!"
Nabitawan ko si Venna. Nanlilinsik ang mga mata kong tiningala si Braylon. Alam kong hindi niya ako paniniwalaan kaya tanggap ko na.
"Braylon please help me. Papatayin niya ako, papatayin ako ng asawa mo."
Muling uminit ang ulo ko sa kasinungalingan ni Venna. Sasabunutan ko siya ulit pero agad pinaikot ni Braylon ang braso niya sa baywang ko at binuhat ako. Dinaluhan ng mga tauhan niya si Venna. Ako naman ay hinawakan niya sa magkabilang braso at sinigawan.
"Tumigil kana Ellen! Tumigil kana!"
Bumalong ang luha ko. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at tumakbo ako palabas. Hinarang ako ng mga tauhan niya pero sumigaw si Braylon na pabayaan nila ako.
Nang nasa kalsada na ako nakaramdam ako ng awa sa sarili. He will never choose me over his woman. Si Venna ang matagal niyang kasama kaya normal lang na mas kakampihan.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Parang tinatarakan ng kutsilyo ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Pinunasan ko ang mga mata at nagtuloy tuloy maglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya iwan saan ako pupunta.
Kaysa naman bumalik ay nagtuloy tuloy akong maglakad. May pumarang sasakyan sa tapat ko kaya ako napahinto.
"Ellen?"
Nakagat ko ang ibabang labi nang makita si Julio. Muling sumilay ang kirot dito sa dibdib ko nang makita ko ang isang taong kakampi ko.
Agad siyang bumaba at nag-aalalang nilapitan ako.
"Anong nangyayari sa iyo ha? Saan ka nanggaling? Bakit ka umiiyak?"
Tinakpan ko ang mukha. Tinanggal ni Julio ang kamay ko sa mukha at pilit hinahanap ang mga mata ko.
"Ellen, what happened? Sabihin mo sa akin? Nag-aalala ako."
"Can we talk somewhere, Julio. . .please.."
Tumango siya. Agad hinawakan ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pinto sa kaniyang sasakyan.
Dinala ako ni Julio sa malapit na play ground. Umupo kami sa tabi at kinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa buhay ko.
"A-ayaw kong magpakasal, Julio pero anong magagawa ko? Lubog kami sa utang sa lalaking iyon at ako lang ang gusto niyang ipambayad sa kaniya."
Nakaawang ang mga labi ni Julio habang nakikinig sa akin.
"Dapat sinabi mo sa akin Ellen para matulungan ko kayo. May pera din naman ako."
Umiling ako. "Hindi sapat, Julio. Milyones ang utang ni papa sa lalaking iyon."
Umawang ulit ang mga labi niya. Hinawakan ako sa mga kamay at tiningnan sa mga mata.
"Ellen, kahit gaano kahirap ay kakayanin ko para sa iyo. Hindi kita iiwan. Nandito ako palagi sa tabi mo.."
Muli akong napaiyak. Magkasunod sunod akong tumango kay Julio. Niyakap niya ako at hinayaang umiiyak sa kaniyang balikat.
"Maria Elena!"
Parang humiwalay sa akin ang kaluluwa ko nang marinig ang boses ni Braylon. Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Julio at sabay kaming napatingin sa kinatatayuan ni Braylon.
Napalunok ako nang makita ang galit sa kaniyang mukha. Nag-aapoy ang kaniyang mga mata habang titig na titig sa amin ni Julio. Nanuyo ang lalamunan ko. Sina King at Hudas ay may mga hawak na baril. Napatayo ako agad at nilapitan si Braylon.
Inabot niya ang kamay ko at hinila sa kaniya.
"You are mine, Ellen." At tiningnan si Julio. Nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Julio ay nakatayo na rin ito at kuryosong nakatingin sa amin.
"How dare you talking with other man! How dare you, Ellen!" He gritted his teeth.
Nilingon niya ang dalawang tauhan.
"Ayaw kong makita ang lalaking iyan na sikatan pa ng araw kinabukasan. Patayin ni'yo at itapon sa ilog. Sa sino mang lalaki na kumakausap sa asawa ako ay papatayin ko!"
Nanlalaki ang mga mata ko. Tiningnan ko si Julio pagkatapos ay binalik kay Braylon. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at umiling sa kaniya.
"No, please! Kaibigan ko si Julio. Kaibigan ko siya!" Makaawa ko.
Tiningnan ako ni Braylon. Naniningkit ang mga mata at umiigting ang panga.
"Walang kaibigan sa pagitan ng lalaki at babae, Ellen. He likes you, I can see that. Bago ka niya agawin sa akin ay papatayin ko muna siya."
Muli kong hinila ang kamay niya. Umiling ako sa kaniya. Natatakot na ako. Natatakot ako sa gagawin ni Braylon sa kaibigan ko.
"Para mo ng awa! Huwag kang papatay ng dahil sa akin... please.." Niyakap ko ang braso niya. Nanlalamig ako sa takot lalo na at nakikita ko kung gaano kagalit si Braylon sa mga oras na ito.
"Kung marunong kang sumunod sa akin Ellen ay hindi sana ito mangyayari."
"Braylon, maawa ka! Huwag ninyong sasaktan si Julio!" Pakiusap ko. Napaglipat lipat ko ng tingin sina Julio at Braylon.
Matapang na nagsalita si Julio.
"Huwag mo akong alalahin Ellen. Mas mabuting mamatay ako kaysa mapunta ka sa lalaking iyan!"
Nanlalaki ang mga mata ko. Umiling ako kay Julio at sinabihan siyang tumigil.
Ngumisi si Braylon. "Mamatay ka man o mabuhay ay akin pa rin ang asawa ko!" Nilingon niya si King. "Kill him!" utos niya.
Kumapit ako ulit sa kamay ni Braylon. "No, please! No!"
Hinaklit niya ako sa braso at hinila palapit sa kaniyang sasakyan. Nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Julio ay binubugbog na siya ng mga tauhan ni Braylon.
Ps: Pasensya muna kayo sa ngayon, super drain lang talaga ako. babawi ako kapag recovered na. salamat po sa inyo.