Chapter 11

2007 Words
Ellen Working in the orphanage is not easy. Kailangan ay determinado ka at masipag. Mahal mo ang trabaho mo at mahaba ang iyong pasensya. Ilang araw na kami rito sa Siem Reap ng mga co-team ko. Si Justin ay babalik na sa US sa susunod na linggo. But he was looking forward to meet me in the Philippines. Binigay sa akin ang social media account niya upang may communication kami. Natuwa ako dahil determinado talaga siyang pumunta ng Pilipinas upang magboluntaryo. Nang matapos ang dalawang linggo naming program rito sa Siem Reap ay bumalik kami sa Phnom Penh. Nalungkot ako nang umuwi na si Justin pero mas marami ang dumating. Binigyan namin sila ng welcome party rito sa home foundation volunteer. Masaya ako dahil iba't ibang dayuhan ang mga nakikilala ko at nakakasama. "Ellen?" Binalingan ko ang Manager naming si Crotia. Ngumiti ako sa kaniya. "May I talk to you for a while." Tumayo ako. "Yes, sure!" Lumapit ako sa kaniya at sabay kaming lumabas upang maglakad lakad. "Someone is coming from the Philippines. Can you assist them tomorrow if it is okay with you." Magkasunod sunod akong tumango. Mabuti na ay may magagawi ritong Pilipino. Sa loob ng tatlong taon na pagbobuluntaryo ko rito ay hindi pa ako nagkakaroon ng Pinoy na kasamahan. "It's okay with me, Ma'am. I'm glad that someone in my country come to visit." Tinapik niya ako sa balikat. "You are tough, strong, and very patience young woman I know. Everyone's here are so proud of you, Ellen." Nag-init ang mga mata ko. Dito sa Cambodia ay walang criticism, appreciate nila kung anong kaya mong ibigay. "Thank you so much, Ma'am Crotia. Thank you also for guiding me all these years that I am here." Mahigpit niya akong niyakap. Si Ma'am Crotia Blair ay isa sa manager nitong international volunteers foundation. Siya ang nakausap ko sa email noong nag-apply ako rito. Natulog akong may ngiti sa mga labi. Excited na akong makaharap ang bagong darating na panauhin bukas kaya matutulog ako ng maaga para ganado ang utak ko. Pagkagising ko kinabukasan ay nagligpit ako ng kwarto. Nagwalis rin ako sa pasilyo at labas. May malapit na temple sa amin at kung minsan ay winawalis ko ang labas noon. Pagkatapos ng agahan namin ay naiwan ako sa accomodation. Hindi nagtagal ay may pumara na itim na van sa tapat ng accomodation namin. Ito yata ang darating na bisita. Sabi nila ay magbibigay raw ito ng donations at hindi isang boluntaryo. Sinalubong namin sila. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan ay napatda ako. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o illusion ko lang ito. Bumaba si King. Binuksan ang likod. Hindi na ako makakilos mula sa kinatatayuan ko nang makilala ang mga bisita. Namawis ang mga kamay ko at hindi malaman ang susunod na gagawin. Agad kong nakilala ang mahahabang binti nang iapak niya iyon sa sementong sahig. Malakas akong lumunok at tumingin sa kaniya. Walang nagbago sa itsura ni Braylon. Kasing tigas pa rin ng bato ang aura niya ngayon. Binalot ako ng takot. Anong ginagawa niya rito? Kung ako man ang pakay niya ay nagsasayang lang siya ng oras. Hindi na ako babalik sa kaniya. Maayos na ang buhay ko at nakapagsimula ulit. Tiningnan ako ni Braylon kaya nagbaba ako ng tingin. Nilapitan sila ni Ma'am Crotia at nakipagkamay kay Braylon. Nang tumingin ako ulit sa kanila ay nakatingin sa akin si King. Tipid na ngumiti. Hindi na ako makakilos ng maayos dahil tinubuan na ako ng takot sa mga dumating na panauhin. "Ellen, he is the one I told you last night. Come, meet Braylon Pallis." Si ma'am Crotia. Napalunok ako ulit. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at hindi ko magawang tingnan si Braylon ng deretso. Para niya akong sinusunog sa nag-aapoy niyang mga mata. "Sir, she one of our volunteers here in Phnom Penh. Ellen De Leon." Nanuyo ang lalamunan ko nang itaas ni Braylon ang kamay sa akin upang makipag-shake hands. Alanganin akong napangiti kay ma'am Crotia pagtapos ay inabot ang kamay ni Braylon na kanina pa nakalahad. Nagulat ako nang hawakan niya iyon ng mahigpit at dinala sa labi niya. Matunog niyang hinalikan ang likod ng palad ko na siyang kinalaki ng aking mga mata. "I know her," ani ni Braylon sa mababaw na boses. Umawang ang mga labi ni ma'am Crotia. Nag-iwas ako ng mga mata dahil hindi ko pa kayang magpaliwanag sa kaniya sa mga oras na ito. Nanlalamig ang buong katawan ko at nanlulumo ang mga tuhod. Anong susunod kong gagawin? Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Braylon pagkatapos ng tatlong taon. Inaya sila sa loob ng opisina kaya naiwan ako sa labas. Palakad lakad ako at hindi matahimik. Gusto kong umalis at muling magtago pero saan ako pupunta? Hindi ko ito lugar kaya hindi dapat ako nagpapadalos dalos. Nagtagal sila ng isang oras bago lumabas mula sa opisina ni ma'am Crotia. Nakangiti na sa akin si ma'am Crotia. Sigurado akong nalaman niya na ang lahat ng tungkol sa amin ni Braylon. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. "I never knew that he was your husband, Ellen. I'm sorry for asking you last night, about the help." Umiling ako sa kaniya. Muli siyang ngumiti sa akin. "He wants you to come with him today. I think he is here to bring you home." Napatda ako. Pero dahil ayaw kong magmukhang unprofessional ay nginitian ko lang si ma'am Crotia at nagpaalam na kakausapin ko si Braylon. Nilapitan ko si Braylon. He was cold. Nakasunod lang ang mga mata niya sa akin pero masyadong tahimik kaya ako kinakabahan. "Bakit ka nandito?" He tsked. "Nandito ako para kunin ka." "Hindi ako sasama sa iyo. Lumayas na ako kaya ayaw ko ng bumalik sa pamamahay mo." Tiningnan niya ang malaking accomodation. "Alam mong lahat ng gusto ko Ellen ay nakukuha ko. Gusto mo bang ipa-demolish ko ang accomodation na ito. I have that power to destroy everything. Huwag mo akong subukan kung ayaw mong magsisi sa huli." Kalmado pero makahulugan ang mga salita niya. Nakaramdam ako ng takot. Malalim siyang bumuntong-hininga. "Ipunin mo na ang mga gamit mo kung ayaw mo ng gulo." Nang tumingin ako sa paligid ay marami palang kasamang bodyguards si Braylon. Buong akala ko ay si King lang ang kasama pero biglang nagsilabasan ang mga bodyguards niya. "Hurry up, Ellen. Ayaw kong inuulit ang mga salita ko." Nag-init ang mga mata ko pero tinibayan ko ang loob. Hinding hindi ako iiyak sa harapan ni Braylon. Nagpaalam ako kay ma'am Crotia. Sinabi ko sa kaniyang babalik lang ako rito kinabukasan. Wala na akong nagawa kun'di sumama sa halimaw kong asawa. Magkatabi kami sa back seat ng Van. Nasa front seat naman si King at ang driver. Hindi ko siya kinakausap kahit ang tapunan ng tingin. Galit at takot ang nararamdaman ko kay Braylon ngayon. Magsisimula na naman siyang munduhan ang buhay ko. Syempre binili niya ako sa halagang milyon sa pamilya ko. Nang makarating kami sa isang private na villa ay hindi niya ako hinayaang maglakad na mag-isa. Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Pagkapasok namin loob ay binitiwan niya ang kamay ko. Namaywang siya at magkasunod sunod na huminga ng malalim. "Nandito ka lang pala sa Cambodia sa loob ng tatlong taon? Sinong tumulong sa iyo? Sinong malakas ang loob na ilayo ka sa akin?" Napapikit ako. Tumataas ang boses ni Braylon at alam kong galit na siya. Umiling ako sa kaniya. "A-ko lang. W-walang tumulong sa akin." Buhay ni Kuya Robe ang magiging kapalit kapag sinabi ko ang totoo. Natatakot na ako. Hinarap niya ako. Madilim ang kaniyang mukha at umiigting ang mga panga. "Magsalita ka ng totoo, Ellen?!" Parang humiwalay sa akin ang kaluluwa ko sa sobrang pagkatakot. Napaiyak ako at umiling. "Wala! Umalis akong mag-isa!" Mahina akong humikbi. Malutong siyang nagmura at nilapitan ako. Hinablot niya ako sa braso at dinikit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa panga at pinatingin sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata. "Punong puno ng pagmamahal sa tuwing tinititigan ko ang mga mata na ito noon. Pero ngayong natitigan kita ulit ay wala akong ibang nararamdaman kun'di galit. . .galit Ellen." Matigas niyang salita. Bumulong ang mga luha ko. Ramdam ko sa pananalita ni Braylon ang pait at puot. Diniinan niya ang pagkakahawak sa panga ko. "Tingnan mo ako ng deretso Ellen at magsabi ka ng totoo." Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Pumikit ako at hinayan ang sarili na umiiyak sa kaniyang harapan. "Magsalita ka!" Napaigtad ako. Hinding hindi ako aamin. Hinding hindi ako magsasalita tungkol sa pagtulong sa akin ni Kuya Robe. "P-pakawalan mo na lang a-ako. Hayaan mo akong mabuhay rito para mo ng awa!" Ngumisi siya. "Hahayaan kitang maging masaya dito samantalang ako ay binabangungot gabi gabi. Hindi puwede Ellen. Sabay tayong mapupunta sa empyerno! Katulad ng pinangako mo sa harapan ng abogadong kumasal sa atin na sa hirap at ginhawa ay magkasama tayo." Nilapit niya ang mukha sa akin at inamoy ang buhok ko. "Kahit saan ka man magpunta ay maamoy kita. Huwag mong subukan ulit na tumakas sa akin." Binitiwan niya ang panga ko kaya muntik na akong ma-out balance. "Nasa taas ang kwarto natin. Umakyat kana doon!" utos niya. Tinawag ko siya nang tumalikod ito sa akin para lumabas. "Anong kailangan mo sa akin Braylon? Bakit hindi mo na lang ako pakawalan!" Naningkit ang mga mata niya sa akin. Malalaki ang mga hakbang niyang binalikan ako at kinuyumos ng halik. Nanlalaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit niyang bibig na kinakain ang labi ko. Halos ikapugto ng aking hininga ang mapusok niyang paghalik sa.akin. Sabay kaming hinihingal nang pakawalan niya ang labi ko. "Because you're my wife! And I hate you, Ellen! Naiintindihan mo! Umaakyat kana sa itaas!" Tinalikuran niya ako at mabilis na lumabas. Tinakpan ko ang bibig at mahinang humikbi. Masakit ang mga salitang binibitiwan sa akin ni Braylon. Para akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib. Umakyat ako sa itaas at agad kong nahanap ang kaniyang kwarto. Dala ng sama ng loob ay humiga ako sa kama pero hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising ako nang may humahaplos sa aking hita. Pamilyar sa akin ang mga kamay niya kaya hindi na ako nagulat. Hinawakan ko iyon at pabalang na tinanggal. He groaned. Dinikit niya ang dibdib sa likod ko at niyakap ako sa baywang. Pumikit ako at muli na namang nakaramdam ng inis sa kaniya. Naramdaman kong dinikit niya ang ilong sa batok ko at inamoy ako doon. "I miss your scent Ellen. I miss the warmth of your body." Nanindig ang balahibo ko sa batok. Parang may sakit si Braylon habang binibigkas ang mga salitang iyon. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa baywang ko pero hindi ako nagtagumpay. "Huwag kang umaarte sa akin ngayon dahil lahat ng naranasan ko sa loob ng tatlong taon ay ipaparanas ko sa iyo, Ellen." Napabalikwas ako ng bangon. Gusto ko siyang sakalin dahil napipikon na ako sa mga salita niya. Walang puso at tama nga ang kapatid kong isa siyang halimaw. Tumihaya siya at ginawang unan ang kaniyang mga kamay. "Masaya ka bang nakikita akong nahihirapan hah? Masaya ka bang ginaganito mo ako?" Ngumisi siya. "Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo Ellen. You choose to leave than staying with me. Kung hindi ka umalis ay baka may anak na tayo ngayon." Hinablot ko ang kumot at tinapon sa kaniya. "Hinding hindi mangyayari iyon!" Tatayo na sana ako upang iwanan siya sa kama pero agad niya akong nahawakan sa kamay at hinila sa kaniya. Dinaganan niya ako nang matumba ako sa kama. "Braylon!" Nanlalaki ang mga mata ko. Hinuli niya ang kamay ko at tinaas iyon sa aking ulunan. "Tapos na ang paghihintay ko Ellen. Tapos na kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kukunin ko kung anong nararapat sa akin!" Muling nanlalaki ang mga mata ko nang sakupin ng mapangahas niyang labi ang mga labi ko. Dinaganan niya ako upang hindi makagalaw kaya kahit anong subok kong magpumiglas ay hindi ako makawala sa malaking katawan ni Braylon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD