Ellen
“Akun”
It has been the word of the day since my arrival in Cambodia 3 years ago. It is the traditional Cambodian way of saying 'Thank you' (in Khmer, the language of Cambodia) by placing the palms of the hands together like in a praying gesture.
Nginitian ako ng isa sa Cambodiam Manager dito sa tinutuluyan naming orphanage home foundation pagkatapos niyang ibigay sa akin ang schedule ko para sa aking program.
"Have a rest, Ellen. You are very hard working young lady. Thank you so much for having you here."
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Pagkaalis niya ay pumasok ako sa kwarto ko at nilapag sa ibabaw ng maliit kong kama ang papel.
Tatlong taon na akong nagsasakripsyo rito sa orphanage bilang boluntaryo. Iba't ibang program na rin ang pinasok ko. English teacher, Child care, at animals care. Ngayong kumuha ako ulit ng bagong program at English teacher ulit.
Hindi mahirap magturo dito ng English dahil mga basic lang ang mga itinuturo sa mga bata. Tinuturuan ko lang sila magsalita ng basic English at kung paano tinatama ang mga grammars nila.
Marami kaming mga volunteers. Buwan buwan ay may umaalis at dumadating. Karamihan sa mga boluntaryo ay mga foreigners.
Noong una kong sabak rito ay kinakabahan ako dahil ang mga nakasabay ko ay mga beteranong volunteers. They have 10 to 15 years experience volunteering in different countries. I am not beyond their levels, I am not a professional. Pero hindi nila pinaramdam sa akin na hindi nila ako kapantay.
Alam ni'yo kung anong gusto ko rito sa Cambodia? Ang kultura nila. The temples also are magical. The peoples here are amazing, and the smiles of the childrens make me smile.
Niyakap ko na ang lugar na ito. It's crowded here at Phnom Penh and surrounding with poverty, but I love this place so much.
Nagpupunta na rin ako sa Siem Reap dahil nando'n madalas ang program ko. I explore the Angkor Wat. Ito ang pinakamalaking templo sa buong bansa.
Nawalan na ako ng contact sa Pilipinas. Tulad ng pangako ko kay Kuya Robe ay nagpakalayo layo na ako sa kanila. Ang pamilya ko ay wala na rin akong balita. Hindi ko na alam kung nasaan sila. Ang tanging dasal ko ay sana, nasa mabuti silang kalagayan at sana magkita kita pa kami.
But the sweetest pain he left in my heart was still there forever.
Nakita ko siya noong tinatago ako ni Kuya Robe. He was drunked and devastated. Tinatawag niya ang pangalan ko. Para siyang baliw na naglalakad sa kalsada habang may bitbit na bote ng alak.
Gustong magbago ang isipan ko sa mga oras na iyon na huwag ng umalis. Na huwag ng iwanan si Braylon pero iniwan ko pa rin siya. Lumayo pa rin ako sa kanya kahit alam kong nasasaktan siya ng sobra.
"Hayst!" Pinunasan ko ang luha at tumingala sa ceiling. "Bakit mo siya iniisip Ellen? Tatlong taon na ang nakalipas. Baka may mga anak na iyon kay Venna."
Bakit ako nasasaktan sa tuwing naiisip kong sila ni Venna ang magkakatuluyan? Nasasaktan ako ng hindi ko maintindihan.
Tinakpan ko ang mukha. Wala na akong pamilya at mag-isa sa buhay kaya siguro ako madalas emosyonal dahil ngayon ko pa napagtanto kung anong pakiramdam ng walang pamilya.
"Ellen, tama na!" Saway ko sa sarili ko. Pumasok ako sa Cr at naghilamos ng mukha. I hate this feelings.
Bumalik kaya ako sa Pilipinas at hanapin na lang ang pamilya ko. Paubos na ang savings ko. Hindi na ako makakaraos rito kapag nagkataong magwakas ang mga programs ko.
Malalim akong bumuntong-hininga. Weekends ngayon kaya nakatambay lang ako.
Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang isa sa student ko na naghihintay sa akin.
Ngumiti siya sabay lapit sa akin.
"Dried mangoes for teacher!"
Inabot ko ang maliit na plastic bag at nagpasalamat sa kaniya.
"Thank you, Pin."
Tumango siya. Ito ang madalas kong kausap rito dahil kahit papaano ay nakakapagsalita siya ng English.
Dito na lumaki sa orphanage si Pin. Iba't ibang dayuhan na rin ang nag-alaga sa kaniya. Mabait siyang bata at masunurin. Kung may kakayahan lang akong ampunin siya ay gagawin ko.
Nagpaalam siya sa akin na lalabas na. Muli akong bumalik sa kwarto ko. Habang hinahanda ko ang mga dadalhin kinabukasan ay nginangatngat ko ang dried mango na binigay sa akin ni Pin.
Gumagawa ako ng mga activities para sa mga bata. Tinuturuan ko rin sila kung paano mag-drawing at painting. Marami akong binahagi sa kanila na mga experiences ko.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis papunta sa Siem Reap. Kasama ko ang team ko na nag-ride lang ng bus dahil pare-pareho kaming nagtitipid. Anim na oras ang biyahe namin bago kami makarating sa accomodation na tutuluyan namin sa loob ng dalawang linggo.
Nang makarating kami sa tutuluyan namin ay nagkaniya-kaniya na naman ang bawat isa sa amin.
Ganito ang naging buhay ko sa loob ng tatlong taon. Palipat lipat ng tirahan at lugar na pagtuturuan.
I explored Cambodia. Minsan kapag wala kaming pasok ay inayaya ako ng mga team ko na mamasyal o kaya ay maglakad lakad sa market. Kadalasan ay sa dagat kami pumupunta at sa nagha-hiking sa bundok.
"Ellen, we're partners tomorrow!"
Malapad na ngumiti si Justin matapos niyang sabihin na kami na naman ang partner bukas.
Tumango ako. "Okay, no problem for me."
"Can I come in?"
Niluwangan ko ang pinto. Approachable si Justin sa lahat ng team ko. Isang buwan ko palang siyang nakakasama pero naging super close na kami.
"I heard that you are already 3 years volunteering here in Cambodia. Did you feel bored?"
Umupo siya sa maliit kong kama pagkatapos ay tiningala ako.
Umiling ako.
"I never feel bored. I love here."
"So when you are planning to go back in your country?"
Nag-isip ako saglit. "Maybe soon."
Tumayo siya at namaywang. "I'm planning to visit Philippines. Let's volunteer there."
Napatango ako. Ngayon ko pa ito naisip. Alam ko naman na marami rin ang boluntaryo sa Pilipinas na mga dayuhan, kaya lang naman ako nandito dahil may tinatakasan ako.
"You just give me an idea, Justin."
Ngumiti siya. Para siyang si Julio. Namimiss ko na tuloy ang kaibigan ko. Simula nang ipabugbog siya noon ni Braylon ay hindi na kami nagkita pa. Wala na rin akong communication sa kaniya.
Tama si Justin. Bakit hindi namin sunubukan na magboluntaryo sa Pilipinas. Matagal ko na rin plano ang bumalik. Siguro naman ay tahimik na ang buhay ni Braylon at hindi na ako guguluhin. Magsisimula ako ulit. Maghahanap ako ng trabaho sa Pilipinas para makaraos sa pang araw ayaw kong gastusin. Mabubuhay na ako kaya wala akong dapat ipag-alala sa mga darating na araw.
***
Robe's POV
Sa loob ng tatlong taon ay malaki ang pinagbago ni Sir. Mainit ang ulo at palaging nakasigaw. Gabi gabi akong binabangungot sa mga nagawa ko. Hindi siya magkakaganito kung hindi ko tinulungan si Ellen. Kung hindi ko hinayaang lumayo ang asawa niya.
Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni sir Braylon kapag pinagtapat ko sa kaniya ang mga nagawa ko. Sa ngayon ay nilalamon ako ng takot. Sinubukan kong sabihin sa kaniya pero umurong ang dila ko.
Bata pa si Ellen at may pangarap sa buhay kaya ko siya tinulungan. Nasasakal siya kay sir Braylon at nahihirapan na makitang may babae ang asawa.
Pinalayas ni sir Braylon si Venna simula nang malaman na kasabwat ito ng mga kapatid ni Ellen. Sinubukan nilang sirain si Sir Braylon pero hindi sila nagtagumpay.
Malaki ang utang ng mga kapatid ni Ellen sa bangko kaya sila wanted. Hinahabol na sila ng gobyerno kaya hindi na namin alam kung saan sila nagsipunta. Ang kompaniya at mansyon nila ay kinuha na ng gobyerno. Pero sinubukan na bayaran ni Sir Braylon ang mansyon kaya nabawi niya ito.
Ito lang ang alaala niya sa kaniyang asawa. Tumupad rin si Ellen ng pangako sa akin. Hindi na siya nagparamdam tatlong taon na ang nakalipas.
Alam kong nasa Cambodia pa rin siya hanggang ngayon base sa investigator na pinadala ko roon. I was proud of her. Sa murang edad niya ay nagawa niyang makipagsapalaran at mabuhay sa orphanage. Hindi madali ang buhay boluntaryo. Sacrifices, patience, and tolerance. Lahat ay mayroon ka dapat nito.
"Robe, tapatin mo nga ako? May alam kaba sa pagkawala ni Ellen?"
Malakas akong napalunok. Nasa conference meeting pa kami at hinintay na makaalis ang mga investors.
Namawis ako nang makitang seryosong nakatingin sa akin si Sir Braylon. Kalmado siya ngayon kaya pagkakataon ko na ito upang umamin sa kaniya. Nakokosensya na ako. Hindi ko na kayang magsinungaling. Hindi ko na siya kayang nakikitang nahihirapan araw araw.
"Sir,"
"Hindi ka lang secretary para sa akin, Robe. Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat. Lahat ng sekreto ko ay alam mo kaya tinatanong kita ngayon ng paharapan kung may kinalaman ka sa pagkawala ni Ellen?"
Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harapan niya. Yumuko ako at hadang tanggapin kung paparusahan niya ako.
"Patawarin mo ako sir. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat!"
Malalim siyang bumuntong-hininga. Akala ko ay tatama na sa akin ang kaniyang kamao pero hindi iyon nangyari.
"Handa akong tanggapin ang parusang ibibigay mo. Nagkamali ako sir. Nagkamali ako!"
Hindi siya nagsalita at muling bumuntong-hininga. Tiningnan ko siya.
Nang tumingin sa akin si Sir Braylon ay nakita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya nasasaktan.
"Nasaan ang asawa ko ngayon?" Mahinang boses na tanong niya.
Muli akong lumunok. "Nasa Cambodia siya ngayon. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa orphanage volunteers foundation ng Phnom Penh."
Nag-iwas siya ng tingin.
"Anong dahilan mo bakit mo siya tinulungan na makaalis ng bansa?"
Deretso akong sumagot. "Nang hanapin ako ni Ellen tatlong taon ang nakalipas ay nararamdaman kong nasasaktan siya. Nakikita ko sa mga mata niya at pananalita kung gaano siya kaapektado dahil sa inyo ni Venna. Inamin niya sa akin na hindi kana niya kayang pakisamahan. . .na hindi na niya kayang nakikita kayo ni Venna."
Naghilamos siya ng mukha at mahinang nagmura.
"Patawarin mo ako sir. Patawad sa mga nagawa ko."
Muli niya akong binalingan. "Tumayo kana diyan!" utos niya.
Umiling ako. "Handa akong tanggapin ang lahat ng kaparusahan sir!"
"Robe, tumayo kana diyan at ayusin mo ang mga papers ko. Pupunta tayo ng Cambodia."
Nanlalaki ang mga mata ko at muling napalunok. Mabilis akong tumayo at magkasunod sunod na tumango.
"Ihanda mo rin ang lahat dahil magbibigay ako ng donations sa orphanage kapalit ng asawa ko."
"Opo, sir!"
Inayos ko ang mga gamit ko upang lumabas ng conference room. Nang paalis na ako ay tinawag niya ako.
"Hindi pa tayo tapos, Robe. Mag-uusap pa tayo kapag nabawi ko na si Ellen. Huwag mong kalimutan iyan."
Tumango ako. Naninindig na ang balahibo ko sa batok at hinahanda ang sarili sa pagbabayad ko ng kasalanan. Nang makalabas ako sa conference room ay napahinga ako ng maluwang. Ngumiti ako sabay pikit.
"Malaya na ako sa mga sekreto ko!"