Ellen
Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon? Basta na lang akong umalis sa bahay ni Braylon at tumakbo palayo. Sinusubukan kong tawagan ang pamilya ko pero walang isa man sa kanila ang sumasagot. Ayaw kong bumalik sa bahay namin dahil baka mahanap ako ni Braylon.
Malaya na ako. Nakatakas na ako sa poder niya kaya bakit pa ako babalik? Lumingon ako sa paligid. Maraming tao. Halos maduling ako sa mga taong naglalakad, iyong iba ay nagtatakbuhan para pumara ng jeep.
"Saan ako pupunta? Saan ko hahanapin ang pamilya kong iniwanan ako sa ere?"
I got frustrated. Nanginginig ang mga kamay ko sa magkahalong galit at takot.
"Hinding hindi na ako babalik sa kaniya." Pinunasan ko ang lumandas na luha sa mga pisngi ko.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nasaksihang eskena kanina. Hindi nga ako nasasaktan ng physical sa piling ni Braylon pero namamatay naman ako sa emosyonal.
Kinalikot ko ang cellphone. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Kuya Robe. Hindi ko na inisip na tauhan siya ni Braylon. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa kaniya upang magmakaawa na tulungan niyang makatakas ay gagawin ko. Lahat ay gagawin ko.
"Ellen?" Tawag niya sa pangalan ko.
Inayos ko ang pagkakadikit ng cellphone sa tainga ko.
"T-tulungan mo po ako. Umalis ako sa bahay ni B-braylon."
Sandali siyang natahimik. Narinig kong nagpakawala ng buntong hininga.
"Nasaan ka?"
Tiningnan ko ang paligid. Nasa gilid ako ng kalasada at may tulay. Hindi ko alam kung nasaan ito.
"H-hindi ko po alam kung nasaan ako." Nanginig ang mga labi ko. Nagsimula na naman uminit ang mga mata ko at hindi ko na napigilang umiyak.
"Calm down, Ellen. Sabihin mo sa akin ang nasa paligid mo. Hahanapin kita."
Sinabi ko kay Kuya Robe ang lahat ng nasa paligid ko. Binilinan niya akong huwag aalis sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi niya ako mahanap.
Nagtanong tanong na rin ako sa mga tao nang mahimasmasan ako at hindi nagtagal ay nahanap ni Kuya Robe ang kinaroroonan ko.
"Ellen?"
Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan sa braso. Hindi ako makapagsalita. Naiiyak na naman ako nang makakita ng kakampi. Inaya niya ako sa kaniyang sasakyan at dinala sa kaniyang tinitirahang apartment.
"Ellen, sigurado akong mag-alala sa iyo si Sir kapag nalaman niyang nawawala ka. Bakit kaba umalis?"
Lumunok ako. Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng deretso.
"Hindi na po ako babalik sa mansyon na iyon. Hahanapin ko ang pamilya ko. Alam mo bang nawawala ang papa ko pati mga kapatid ko?"
Nanlalaki ang mga mata ni Kuya Robe.
"Saan mo nalaman?"
"Tinawagan ako ni Kuya kanina at sinabing umalis na ako sa poder Braylon. Siya ang dahilan kaya kami nagkakaganito. Siya ang nagpapahirap sa amin! Kaya please, tulungan mo akong makalayo. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang lahat ng ito. Hindi ko na kayang pakisamahan si Braylon. Hindi ko kayang nakikita sila ni. . .Venna.."
Malalim siyang nagpakawala ng buntong hininga.
"Wala silang relasyon ni Venna."
"Nanliliit ako Kuya Robe sa tuwing nakikita ko sila."
Natahimik siya. Nag-iwas ako ng tingin kaya malalim siya ulit na bumuntong-hininga.
"Ellen, hindi masama ang intensyon sa'yo ni sir Braylon kaya ka niya pinakasalan. Hindi siya masamang tao."
Pumikit ako. Kahit totoo man ang sinasabi niya ay hindi na ako babalik. Hindi na!
"P-please po.."
My voice cracked. Nagsimula na naman akong umiyak sa harapan ni Kuya Robe. Baka sakaling maawa siya sa akin.
"Anong gusto mong gawin ko, Ellen?"
Tiningnan ko siya. "Gusto kong umalis ng bansa."
Natigilan siya. Hinilot ang sentido bago ako sinagot.
"Pero alam mo kung anong mangyayari kapag nalaman ni sir Braylon na ako ang may pakana kaya ka nakaalis. Buhay ko ang kapalit, Ellen."
Nanlalaki ang mga mata ko. Alam ko. Alam kong mangyayari iyon kapag nahuli siya.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.
"Magpapakalayo layo ako. I will lost communication with you. Please, tulungan mo lang akong makaalis."
Tumango siya sa akin. Dumaloy ang luha sa mga mata ko pero napangiti ako ni Kuya Robe.
"Salamat po... maraming maraming salamat."
***
Braylon's POV
Iniwanan ko si Venna nang sumapit ang tanghalian. I miss my little wife. Muntik na akong hindi nakapagtimpi kahapon. I almost cross the boundaries. Hindi ko alam kung anong nakain ko at ngayon pa ako na-obsess sa isang babae. She still a minor. Kaya kong maghintay hanggang sa eighteenth birthday niya.
Pagkapasok ko sa loob ay dumeretso ako sa kusina.
"Manang, nasaan ang asawa ko?"
Nilingon niya ako. "Kanina pa hindi bumababa sir. Bumaba siya kaninang umaga pero umakyat rin ulit. Ayaw ko naman katukin dahil baka natutulog pa."
Tumango ako. Lumabas ako ng kusina at umakyat sa kwarto namin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Susuyuin ko ba?
"f**k! That's gross!" Ngumiwi ako.
Napailing ako. Pumasok ako sa kwarto namin pero hindi ko siya nakita. Nakaayos ang kama at walang kalat sa loob.
"Ellen?"
Sinilip ko siya sa walk in closet pero walang tao.
"My love?"
Binuksan ko ang banyo pero wala rin siya sa loob.
"Ellen?"
Nakaramdam ako ng takot. Lumabas ako ng kwarto namin at hinanap siya sa mga bakanteng room hanggang sa balcony.
"Ellen?" Nakakapikon na! "Ellen, my love?"
Dumungaw ako sa pool pero wala rin siya doon. Tiningnan ko ang CCTV sa sulok pagkatapos ay nagmamadali akong bumaba ng sala.
"Manang, tawagin mo si King! Nawawala ang asawa ko!"
Nagkagulo sa loob nang magsimula akong manigaw. Agad na pumasok sina King.
"Boss?"
Hinilot ko ang sentido.
"Check mo ang CCTV. Nawawala ang asawa ko."
"Yes, boss!" Agad siyang pumasok sa theater room.
"Hudas, sinong bantay sa gate kanina?"
Umiling siya. "Wala boss! Nasa welding house kaming lahat kanina."
Malutong akong nagmura. Sumunod ako kay King upang tingnan ang CCTV.
Pagkapasok ko sa loob ay seryosong nakatutok ang mga mata ni King sa monitor.
"Nakita mo ba?"
Tumango si King. "Nagmamadali siyang umalis. Walang bantay ang gate."
Pinulot ko ang lalagyan ng pen sa ibabaw ng mesa at hinagis sa pader.
"Find my wife! Tawagan ninyo si Robe at sabihing mag-hire ng investigator!"
Tumayo si King. "Sige po."
Wala akong ginawa kun'di ang panoorin ang paglabas ni Ellen. Nagagalit ako. Nasasaktan ako. Magagawa pala niya akong iwanan kahit anong pananakot ko sa kaniya.
"Mahahanap din kita kahit saan ka pumunta!"
Lumabas ako ng theater room at umakyat sa itaas. Umupo ako sa edge ng kama at sinabunutan ang buhok. Hindi ko siya dapat iniwan kagabi. Hindi ako dapat nagpabaya lalo na at nagkasagutan kami ng dahil sa kaibigan niya.
Tutuluyan ko na talaga ang Julio na iyon kapag nalaman kong doon humingi ng tulong si Ellen.
Dumating si Robe na may mga kasamang investigator. Ang mga tauhan ko naman ay hinanap si Ellen pero hindi makita.
Magdamag akong naglasing nang hindi siya matagpuan. Saan siya nagpunta? Nawawala na rin ang mga kapatid niya at ama. Hindi ko alam kung saan sila nagsipunta.
"Braylon, tama na iyan.." inawat ako ni Venna dahil madaling araw na ay naglalaklak pa rin ako ng alak.
"Pabayaan mo ako! Bumalik ka sa bahay mo!" sigaw ko sa kaniya.
Malalim siyang bumuntong-hininga. Tumalikod at iniwanan ako sa mini bar.
"Ellen..." I murmured her beautiful name.
Naalimpungatan ako nang may tumapik sa akin sa balikat.
"Ellen?"
Nadismaya ako nang makita ang mukha ni Robe.
"Sir, tama na iyan. Ayusin mo ang sarili mo."
"Nahanap ninyo na ba ang asawa ko? Kung nasasakal siya sa akin kaya siya umalis ay maling disisyon. I am doing this to protect her."
"Kaysa magmukmok ka. Tumulong ka na lang kung saan siya hahanapin."
Natigilan ako at tiningala si Robe.
"Wala ba siya sa bahay ni Julio?"
Umiling si Robe. "Wala siya roon,"
Tinaas ko ang kamay at pinaalis si Robe. Ayaw ko siyang masigawan kaya mas mabuting umalis na lang sa harapan ko.
Pagkaalis ni Robe ay umakyat ako sa kwarto namin. Wala pang report sina King tungkol sa paghahanap sa asawa ko.
Dumeretso ako sa closet at hinawi ang mga damit niya. She didn't bring anything.
"Babalik ka. Alam kong babalik ka." Inamoy ko ang dulo ng bestida niya sabay pikit.
Lumabas ako sa mula sa closet at kinuha ang gamit niya. Binuksan ko ang nakabalot niyang paintings. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang ginuhit niya.
Ako at si Venna. Hindi ko na maalala kung anong araw ito pero hindi ako makapaniwala na nakita niya kami.
Kinuha ko iyon at nagagalit na pinunit.
Nang bumalik sina King ay hindi pa rin nila natagpuan ang asawa ako. Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin balita kung saan siya nagpunta.
Lumabas ako ng bahay nang makitang makulimlim ang langit. Tumayo ako sa tapat ng pool at hinintay na bumuhos ang ulan.
"Ellen?"
Biglang kumulog ng malakas. Nilapitan ako ni King upang papasukin pero sinigawan ko ito.
"Pabayaan ninyo ako! Mas gugustuhin kong mamatay kaysa malayo sa kaniya!"
Nang bumuhos ang malakas na ulan ay doon ko pinakawalan ang sakit. Ayaw kong umiiyak na may nakakakita sa akin. Ayaw kong kinaawaan ako. Ayaw kong nagiging mahina sa harapan ng ibang tao.
"Ellen..."