"SISMARS, may plano ka bang ubusin ang lahat ng paninda rito sa mall?" naiiling na tanong ni Sandro habang tinututulak ang isang push cart. Nakasunod ito kay Sab na noon ay walang tigil sa paglalagay ng mga damit, sapatos at bag sa cart. Natawa siya sa tinuran nito. "Ang sarap palang magwaldas ng pera ng ibang tao," nakangiting tugon niya. Nasa swim wear section na sila noon at tumitingin naman siya ng swimsuit. "Kaninong pera ba 'tong ginagastos mo? Pinadalhan ka bang allowance ng daddy mo?" Umiling siya. "I'm using Matteo's credit card. Binigay niya sa akin ito after naming ikasal. Naisip ko lang kasi, bakit ba ako magpapaka-stress sa resort kung puwede naman akong mag-enjoy sa mall gamit ang pera ng asawa ko?" "What a b***h!" Napahagalpak ng tawa si Sandro. "You know what? I really

