CHAPTER 37

1725 Words

"WHERE'S your phone?" tanong ni Matteo sa asawa nang makabalik sila sa resort. Pinatay na nito ang makina ng sasakyan. "Bakit?" Kinuha nito ang shoulder bag na nakapatong sa mga hita ni Sab at binuksan iyon. Matapos nitong makuha ang cellphone ay hinagis nito ang bag sa paanan niya. "Matteo, anong ginagawa mo?" Pinilit niyang agawin ang cellphone ngunit hindi siya nagtagumpay. "Simula ngayon hindi ka na p'wedeng humawak ng cellphone or ng kahit anong gadgets." "Ano? Hindi mo p'wedeng gawin sa akin 'to. Akin na ang cellphone ko!" Lumabas na ito ng sasakyan at lumapit kina Darwin at Sandro na noon ay nagkukwentuhan sa tabi ng gate. Naiinis na sumunod si Sab sa asawa. "Sandro, Darwin, huwag na huwag n'yong pahihiramin ng cellphone or kahit anong gadgets si Sab kahit anong mangyari."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD