TAHIMIK na umiiyak si Sab habang mag-isang umiinom ng whiskey sa mini-bar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Sa isang iglap pakiramdam niya ay biglang gumuho ang mundo niya. Mayamaya ay lumapit sa kaniya si Sandro. Bago matulog ay nakagawian na nito na maglibot sa bahay para i-check na nakasarado ang mga pinto at bintana. "Anyareh, sismars? Bakit naglalasing ka riyan?" Tumayo ito sa tabi niya. "Kanina pa ako nag-aalala sa 'yo. Kanina ka pa iyak nang iyak simula nang magpunta tayo sa office ni Sir Matteo. Ano bang nangyari?" Napatingin siya sa kaibigan na tila nagmamaka-awa rito na damayan siya. "Have a seat. Samahan mo akong uminom." "Pass muna. Baka mapagalitan na naman ako ni Sir Matteo kapag nakita niyang nag-iinuman tayo," tanggi nito n

