CHAPTER 35 (SPG)

1416 Words

TILA wala sa sarili si Sab habang naglalakad palayo sa private office ni Matteo. Parang ayaw mag-sink in sa isip niya ang lahat nang nalaman niya ngayong araw. O mas tamang sabihing ayaw niyang tanggapin ang mga bagay na binunyag mismo sa kaniya ng asawa. Dumerecho siya sa C.R. para roon sana ilabas ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Subalit inabutan niya sa loob si Brittany na nagre-tetouch ng make up. Agad itong napangiti nang makitang namumula at namamaga ang kaniyang mga mata. "Your eyes are swollen, dear. Mukhang nagamit mo na ang susing binigay ko sa 'yo kanina. I bet alam mo na ang sekreto ng asawa mo," nakakalokong wika nito sabay ngisi. " By the way, gusto mo ba na tulungan kita para mapadali ang annulment ng kasal n'yo ni Matteo? May kilala akong magaling na lawyer."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD