PAGKATAPOS ng mahigit isang oras na biyahe, sa wakas ay huminto rin ang motor ni Matteo sa isang sikat na hotel and restaurant sa Antipolo. Habang naglalakad ay nakakapit siya sa braso ni Matteo. Unti-unti na siyang nagiging clingy sa binata. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang isang hanging bridge na paakyat sa sikat at dinarayong 360 degrees viewing deck. "Saan mo gustong dumaan? Sa hanging bridge or mag-stairs tayo?" Na-thrill siyang dumaan sa tulay pero bigla siyang nag-alangan nang maalalang naka-high heels siya. "What's wrong? Are you afraid of heights?" untag nito nang makita ang pag-aalangan sa kaniyang mukha. "No." Bumaling sa kaniya si Matteo. "Then, what's wrong? Hindi mo ba nagustuhan 'yong lugar?" "Hindi naman. Actually matagal ko nang gustong pumunta rito. K

