MAG-ISA na lang si Sab sa kaniyang silid nang magising siya pasado alas siete ng gabi. Nadismaya siya nang hindi makita si Matteo sa kaniyang tabi. Akala niya ay umuwi na si Matteo dahil hindi niya nakita ang mga gamit nito sa kaniyang silid. Nang makaramdam siya ng gutom ay bumaba na siya para mag-dinner. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang abutan niya si Matteo na nagluluto sa kusina. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa nakikita. Oo, masaya siyang makita ulit si Matteo ngunit naiirita siya dahil sobrang kalat sa kusina niya ngayon. Ang pinaka-ayaw niya kasi sa lahat ay may nakikialam sa mga gamit niya sa kusina at hindi iniingatan ang mga iyon. Hindi kasi biro ang halaga ng mga gamit niya at ang iba ay in-order pa niya sa ibang bansa. Pakiramdam ni Sab ay umakyat ang lah

