ISANG mahabang buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Sab matapos hanguin sa oven ang dalawang baking sheets na may lamang french macarons. Isa ito sa mga specialties niya kaya naman gano'n na lang ang frustration niya nang makitang pumalpak ang gawa niya sa kauna-unahang pagkakataon. Puro crack ang ibabaw ng macarons habang ang iba naman ay hindi umalsa nang maayos.
Naiinis na nilapag niya ang mga baking sheets sa lamesa. Simula nang maghiwalay sila ni Anthony tatlong buwan na ang nakakaraan ay hindi na siya nakapag-bake nang maayos. Sa sobrang kalungkutan ay tila nawalan siya ng gana sa halos lahat ng bagay. Kadalasan ay nagmumukmok lang siya sa kaniyang silid at kung minsan ay ngsu-swimming siya sa dagat.
"Hey, what's wrong?" natatawang tanong ni Amelia na noon ay naglalakad papalapit sa direksyon niya.
"Good morning, mom." Bumeso siya sa ina tapos ay tinuro rito ang mga macarons. "Palpak po 'yong na-bake ko."
"Gan’yan talaga kasi nga wala ka pa sa mood mag-bake. Saka alam mo naman kung gaano kaarte ang process ng pagbe-bake ng french macarons, 'di ba? Kaunting mental lapse lang, papalpak ka talaga riyan.” Ginagap ni Amelia ang mga kamay ng anak at pinisil ang mga iyon. “Take your time, hija. Maghihilom din ang puso mo.”
Tumango-tango siya.
"I just want to check kung kaya ko na bang bumalik sa bakeshop. Nakakahiya na po kasi sa inyo."
Simula kasi nang umuwi siya sa bahay ng mga magulang ay ang mommy niya muna ang nag-manage ng bakeshop niya. Pansamantala itong tumira sa bahay niya at umuuwi ito sa Quezon Province every Monday. Two days ito sa mansyon nila para makasama silang mag-ama.
Noong dalaga pa si Amelia ay may sarili rin itong bakeshop at isa rin itong magaling na pastry chef. Dito niya namana ang galing niya sa pagbe-bake. Ito rin ang nagturo sa kaniya ng iba't ibang recipe at techniques sa baking.
"Give yourself a break, Sab. You've been working your ass off for eight long years. Magpahinga ka muna rito sa bahay kasama ang daddy mo. Ako muna ang bahalang mag-manage sa bakeshop mo, okay?" Tinanggal ni Amelia ang suot niyang hair net. "Don't worry about me. Masaya ako na mag-take over sa bakeshop mo. Na-miss ko kayang magtrabaho sa kusina."
Nginitian niya ang ina. "Thanks, mom."
"Basta mag-relax ka lang dito. Bumalik ka na lang sa Manila kapag okay na ulit ang isip at puso mo."
Tumango-tango siya.
"I'll go ahead. May ihahabilin ka ba sa staff mo?"
“Wala po. Tatawag na lang ako kay Trisha mamaya.” Hinatid niya ang ina palabas ng mansyon kung saan naka-abang na ang kotseng sasakyan nito papunta ng Manila.
"Mag-ingat po kayo, mommy."
"HELLO, TRISHA!" magiliw na bati ni Sab sa matalik na kaibigan matapos nitong sagutin ang video call niya. Nasa kusina ito at naka-upo sa tapat ng lamesa.
"Oh my god! Sab, miss na miss na kita. Kumusta ka na?"
"Okay naman. Enjoying my vacation. Kumusta kayo? Kumusta si mommy?"
"Okay naman kami rito. Ang cool ng mommy mo. Parang ikaw lang din. Sobrang bait sa 'min. Saka ang sarap din ng mga pastries niya. Manang-mana ka talaga sa nanay mo. Ano na? Kailan ka babalik dito?"
"Hindi ko pa sure. Feeling ko hindi ko pa kayang bumalik sa trabaho. Hindi nga ako makagawa ng maayos na french macarons ngayon."
"Hay, naku! Kalimutan mo na kasi ang damuhong Anthony na 'yon. Maghanap ka na lang ng iba. Umuwi ka na kasi. Mag-bar tayo minsan. Mag-boy hunting tayo," malanding wika nito sabay tawa nang malakas.
"P'wede ba ayoko muna ng lalaki. Manloloko lang silang lahat, okay?"
"Huwag mo naman lahatin. May okay pa rin naman."
"Basta ayoko nang mag-boyfriend ulit."
"Never say never. Malay mo pagbalik mo rito, may makilala kang gwapo at macho na muling magpapakilig sa 'yo."
Napa-iling na lang siya sa sinabi nito. Iniba niya na lang ang topic para hindi na humaba pa ang usapan.
"Kumusta naman si mommy? Hindi ba siya nahihirapan sa trabaho?"
"Hindi naman, beshy. Todo alalay kami sa kaniya lahat dito. Grabe! Ang cool ng mommy mo. Minsan nga kami na nahihiya sa sobrang kabaitan niya."
"Ako nga rin nahihiya na sa kaniya. Once a week na lang kung umuwi siya rito sa bahay."
"Buti pumayag ang daddy mo?"
"Wala naman siyang magagawa. Na-miss ni mommy na mag-manage ng bakeshop at mag-bake ng cakes and pastries."
"I see. So, kailan ka babalik dito? Miss na miss na kita, Sab! Mag-move on ka na kasi. Kalimutan mo na ang damuhong lalaki na 'yon."
Sandali siyang natigilan. Kinapa niya ang dibdib. Pakiramdam niya ay nabawasan na ang sakit na kaniyang nararamdaman dahil sa ginawa ni Anthony.
PAGKATAPOS mag-almusal ay naglakad-lakad si Sab sa tabing dagat. Bitbit niya noon ang cellphone at isang tumbler na may lamang mainit na kape. Tuwing umaga ay nakagawian na niya ang pagtambay sa tabing dagat kasama ang aso nilang si Kisses.
Nang mapagod ay naupo siya sa buhanginan. Pinanood niya ang paggalaw ng mga alon habang nag-iisip.
Tatlong buwan na ang matuling lumipas mula nang hindi siya sumipot sa kasal nila ni Anthony. Parang gusto na niyang bumalik sa Maynila. Nami-miss na niya ang dati niyang buhay, ang mga kaibigan niya, ang bakery, lalong-lalo na ang trabaho niya.
Panahon na ba para bumalik siya sa Maynila? Panahon na ba para ipagpatuloy muli ang buhay niyang biglang huminto dahil sa panlolokong ginawa sa kaniya ni Anthony?
Nahinto sa pag-iisip ang dalaga nang may humintong lalaki sa harapan niya. Nalipat ang atensyon niya sa mabalahibo nitong binti. Halatang galing ito sa dagat dahil basa ang paa nito at tumutulo pa ang mga butil ng tubig mula sa katawan nito.
Unti-unting umangat ang kaniyang mga mata sa binti nito hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa suot nitong swimming trunks. Napalunok siya nang mapansin ang malaking umbok na nakatago sa trunks na suot nito. Malamig ng simoy ng hangin na nanggagaling sa tabing dagat pero pakiramdam niya ay biglang nag-init ang paligid.
"Enjoying the view?" nakakalokong tanong ng lalaki sa baritonong tinig.
Tila natauhan si Sab nang marinig ang boses nito. Nang makabawi ay agad niyang inalis ang tingin sa magandang tanawing iyon at nag-angat ng tingin. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.
"Get out of my sight!" mataray niyang wika para mapagtakpan ang paghangang naramdaman nang nakita ang mukha ng lalaki.
Gwapo ito. Brown hazelnut eyes, matangos ang ilong at balbas-sarado ang pangahang mukha. Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin nang nginitian siya, na lalong nagpalakas ng karisma nito. Idagdag pa ang mala-Adonis nitong pangangatawan.
Parang bigla niya tuloy nakalimutan na galit nga pala siya sa mga kalahi ni Adan.
Man hater pala, huh? kastigo ng utak niya.
Hindi pinakinggan ng lalaki ang pagtataboy niya rito. Sa halip ay nilahad pa nito ang isang kamay sa harap niya.
"Hi! I'm Matteo Madrigal."
"I'm not interested." Kinuha ni Sab ang cellphone niya at nag-text sa mommy niya para sabihing babalik na siya sa Manila bukas.
Naupo si Matteo sa tabi niya. Halatang turista ang lalaki. May mga sinasabi ito tungkol sa probinsya nila ngunit hindi niya ito pinapansin.
Mayamaya ay natigilan ang dalaga nang mapansing wala sa tabi niya si Kisses.
"Kiss?!" sigaw niya tapos ay nilibot ang mga mata sa paligid.
Gano'n na lang ang pagkagulat niya matapos bumaling sa gawi ni Matteo at bigla na lamang nitong kinulong ang kaniyang mukha sa mga palad nito. Unti-unting bumaba ang mukha nito hanggang sa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi. Pinanlakihan siya ng mga mata, lalo na nang makapasok ang dila nito sa loob kaniyang bibig. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki, pati na rin sa naging reaksyon ng kaniyang katawan. Nakaramdam siya ng kaka-ibang init na unti-inting gumagapang sa kaniyang katawan.
Naalarma si Sab nang magsimulang maglikot ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig. Tinulak niya ang lalaki sabay sinampal nang malakas ang pisngi nito.
"Bastos!"
"Ang sabi mo kasi 'Kiss'. Sino ba naman ako para tanggihan ka?"
"I was looking for my dog, stupid!"
Natawa ito sa sinabi niya. "Sorry. Akala ko kasi gusto mo lang akong halikan."
Lalo siyang nainis sa sinabi nito. Naiinis na dinampot niya ang mga gamit at tumayo na sa buhanginan.
"Bastos! Manyak!" sigaw niya tapos ay pinagsisipa ito sa binti.
Tila balewala kay Matteo ang ginagawa niya. Tawa lang ito nang tawa.
Natigilan lang si Sab nang marinig ang kahol ng aso mula sa kaniyang likuran.
"Huwag ka nang babalik sa lugar na 'to kahit kailan!"
Tinalikuran na ni Sab ang lalaki at tinungo na ang daan pabalik sa bahay nila.
"Kisses, let's go!"
Agad namang sumunod sa kaniya ang aso.