ALAS-SAIS pa lang ng umaga ay gising na si Sab. Maingat siyang bumaba sa kama at dahan-dahang naglakad papasok sa C.R. Matapos makapag-toothbrush at makapaghilamos ay bumaba na siya sa kitchen para ipagluto ng almusal si Matteo. Nagluto siya ng bacon, corned beef, itlog at fried rice tulad nang lagi nitong ino-order sa bakeshop niya noon tuwing umaga. "Nandito ka lang pala." Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Napangiti siya nang makita si Matteo na nakatayo sa pinto ng kitchen. Pinatong nito sa ibabaw ng dining table ang bitbit na cellphone at dalawang malaking portfolio bags. "Maupo ka na, love. Maluluto na 'to. Mag-breakfast ka muna bago ka pumasok sa office." Lumapit sa kaniya ang asawa. Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan siya sa teynga. "I'd love to. Kaso maaga an

