MUNTIK nang maibuga ni Sandro ang iniinom na alak nang makitang papalapit si Matteo sa pool side. "Sir, pasensya na po. Pinilit lang akong uminom ni Ma'am Sab. Magagalit daw po kasi siya sa akin kapag tinaggihan ko siya," agad nitong paliwanag nang makalapit ang amo. "It's okay. I understand." Nang makalapit siya kay Sandro ay tinapik-tapik niya ito sa balikat. Napatingin siya sa mga lata ng alak na nagkalat sa tabi ng pool. Anim na lata ang naroroon at lahat ng iyon ay wala ng laman. "Marami na ba siyang nainom?" "Yes, sir. Siya nga po halos naka-ubos lahat niyan. Mukhang masama po ang loob. Grabe palang magselos si ma'am." Lihim na natuwa si Matteo. Mukhang naapektuhan nga nang husto si Sab sa away nila kaya nakuha nitong maglasing. "Magpahinga ka na, Sandro. Ako na ang bahala ka

