"SIGURADONG magugustuhan ni Mr. Gomez ang mga designs na ginawa mo," nakangiting wika ni Brittany habang naglalakad sila ni Matteo. Nasa mall sila noon para i-present sa bago nilang kliyente ang kanilang project proposals. Isang simpleng ngiti lang ang naging tugon niya sa dalaga. Mayamaya ay natigilan siya sa paglalakad nang mapansin sa 'di kalayuan sina Sab at Sandro. "What's wrong?" tanong ni Brittany na napilitan ding huminto sa paglalakad. Tumayo ito sa harap niya at mataman siyang pinagmasdan. "Nothing." Kinuha niya ang sunglasses na nakasuksok sa bulsa ng suot niyang polo at sinuot iyon. Pasimple siyang sumulyap sa direksyon nina Sab. Nakita niyang tila na-estatwa ito sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanila. Habang nakatingin kay Brittany ay isang plano ang agad na nabuo sa

