CHAPTER 21 (SPG)

1430 Words

"GOOD morning, love!" bati ni Matteo sa nobya na noon ay abalang nagbe-bake sa kusina. "Morning." Lumapit sa kaniya si Matteo at niyakap siya mula sa likuran. Tumingin ito sa ginagawa niyang black forrest cake at pinanood ang paglalagay niya ng icing. Dinampot nito ang isang kutsara na nakapatong sa lamesa. "Wow! Mukhang masarap 'yan. Patikim naman." "No!" sigaw ni Sab sabay hampas sa kamay ng binata. "Para kay Benjo 'to." Natigilan ito at tinitigan siya ng masama. "Benjo na naman?!" "Birthday niya kasi ngayon. Ito ang favorite cake niya kaya ito ang nire-request niya sa akin taon-taon." Lalong umasim ang mukha nito. Halatang nagseselos na naman sa bestfriend niya. "May lunch party nga pala mamaya sa bahay nina Benjo. Gusto mo bang sumama sa akin?" Tuluyan nang napikon si Matteo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD