KASALUKUYANG nagluluto ng almusal si Sab sa kusina nang tumunog ang doorbell. Sumilip muna siya sa bintana para tignan kung sino ang dumating. Gano'n na lang ang panglalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang mga magulang na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay niya. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Kailangan niyang matawagan si Matteo na noon ay natutulog pa rin sa kwarto niya. Kailangan niya itong masabihan na huwag munang bababa para hindi ito makita ng mga magulang niya. Subalit mukhang mahimbing pa rin ang tulog nito dahil ayaw sagutin ang tawag niya. Aakyat sana siya sa kwarto para kausapin si Matteo subalit pumihit na pabukas ang pinto ng bahay niya. May susi ang parents niya kaya malayang nakakapasok ang mga ito sa loob. Lalong lumakas ang kaba sa

