Chapter 9 “Iba talaga kapag inspire ang aking frenny at nadadalaw ng boyfriend grabe ang rating ng episode mo today nilamon ang kasabay na palabas sa kabilang channel,” bati ni Berna kay Ellize. Sinilip naman ni Ellize ang resulta ng rating at napangiti siya sa laki ng agwat ng kalaban nilang channel. “Magaling kasi ang teamwork ng team mo my dear Berna hindi ka toxic katrabaho kaya nakakapag isip ng maayos at malayang nakakapagcontribute ng ideas ang lahat kahit na yung mga scriptwriters natin unlike sa mga naririnig kong team na lagi silang under pressure na kailangan nlang talunin ang katapat na palabas kaya sa halip na makapag isip sila ng maayos ay hindi tuloy nila magawa,” kwento ni Ellize. “Halika na at i-treat kita ng coffee,” alok ni Berna kay Ellize. “Ay hindi ko tatanggihan

