Chapter 10 Kampante si Ellize sa pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ni Martin sa halos isang taon nilang pagiging magnobyo ay hindi niya nasubukang nambabae o nahuli na nakipagharutan ito sa ibang babae kahit na nga marami ang nagpapakita dito ng interes dahil bukod sa gwapo at simpatiko na ay mayaman at maimpluwensya pa ito. Pagpasok nila sa loob ng restaurant ay aral na ang mga waiter at waitress na naroon agad ng may sumalubong sa kanila para ihatid sa mesang nakareseba para sa kanila. Pansin naman ni Ellize ay tila mas espesyal ang ayos ng mesang nakalaan sa kanila kumpara sa ibang mesang naroon. “There’s something unusual in this place,” hindi napigilang puna ni Ellize. Ngumiti lamang si Martin na iginiya siya para ganap na makaupo sa silya na naroon. “Maybe you miss the ambian

