Chapter 11 Nang masiguro na plantsado na ang lahat ng kailangan nila ni Chin ay sinabihan niya itong bumalik na sa kanyang silid habang siya naman ay nagtungo na comfort room para magshower at gumayak para sa unang meeting nila ng araw na iyon. Nasa lobby na sila ng hotel at matiyagang naghihintay ng may pumasok na siang balingkinitang babae na maputi at sopistikada halata sa kilos nito at pananamit na nabibilang sa alta sosyedad kaagad itong lumapit sa receptionist kasunod ang anim na lalaki na halatang body guard nito sa kilos at galaw pa lang. “I’m Jacquelyn Del Moro and I have a meeting with Martin Vera Evangelista,” pakilala nito. “Good afternoon Madam, actually Mr. Evangelista is already here,” nakangiting sagot ng receptionist. Walang emosyong tiningnan ni Jacquelyn ang recepti

