Chapter 5

1436 Words
Satana's Pov   Ang mga natitirang oras para sa iba pang klase ay mabilis na lang na lumipas, kung kailan gusto kong patagalin ang oras kasi ayoko pa na magkrus ang landas namin ni Aeious ay tsaka naman parang ang bilis-bilis ng oras, ba't gano'n?   "Hala! Sinong hinihintay ni Aeious dito?" Kinikilig na bulong ng mga babae kong kaklase na hindi ko naman na pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglagay ng gamit sa bag ko. Lumapit sa 'kin si Elias at kinuha ang mga librong dala-dala ko. "Ako na ang magdadala." Pagpipresinta n'ya, hindi na rin ako tumutol at hinayaan na lang s'ya sa gusto n'yang mangyari masyado na rin akong nabibigatan do'n at nangangalay na ang braso ko.   "Wala naman akong assignment maliban don sa report ilagay mo na lang 'yan sa locker ko alam mo naman 'yon di ba?" Tumango s'ya at kinuha na ang susi ng locker na iniabot ko sa kanya at nauna nang maglakad.   Saglit kong isiniklop ang aking buhok at inipit bago tuluyang lumabas ng classroom. "Ikaw na nga 'yong may kailangan sa 'kin, ako pa talaga 'yong maghihintay." Gulat na nilingon ko si Aeious habang nakasandal s'ya sa may pader malapit sa pintuan ng classroom halata rin na naiinis na s'ya. Ang mga kaklase kong nakakita non maging ang ibang estudyante ay nakatingin na sa 'min at nagbubulong-bulungan pa.   Seryoso ko s'yang tiningnan, ang noo n'ya ay nanatiling nakakunot hindi katulad kanina wala na ang vest ng uniform na suot n'ya at nakabukas na rin ang unang dalawang butones ng pang-itaas na polo n'ya. Sandali nga bakit ba pati ito ay napapansin ko ngayon? "Sino ba kasing nagsabing maghintay ka dito? Tingnan mo nakukuha pa tuloy natin ang atensyon ng mga kaklase ko." The corner of his lips lift as he gave me that taunting look.   "Get used to it, madalas ay nagiging sentro ng atensyon ang mga babaeng nakakasama ko." Mayabang n'yang sinabi at hinila na ako paalis ng building. Ilang hakbang ang layo mula sa gate ng SCC ay nagawa ko ng hilahin ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya, sinamaan ko s'ya ng tingin habang hinahaplos ko ang parteng yon ng ng pala-pulsuhan ko na namumula-mula na dahil sa pagkakahawak n'ya.   "Ang hilig-hilig mo mangaladkad nakakainis ka na!" Inis na sigaw ko at inirapan s'yang ulit. I was caught of guard when he grab my hand to check on my bruise. Malalim s'yang huminga at sunod-sunod na nagpakawala ng malulutong na mura. "Thus it hurt?" Sinsero n'yang itinanong habang nakatingin pa rin sa parteng 'yon ng pulso ko. Binawi ko na rin kaagad ang kamay ko mula sa kanya at umiling.   "Mawawala rin 'yan, ganyan lang talaga 'yong balat ko mabilis mamula na parang magkakapasa kapag mahigpit na nahawakan ng matagal, kahit konting tapik lang nga ay namumula na 'yan." Tumingin ulit s'ya sa 'kin at gano'n din ang ginawa ko. I look away immediately as it always feel like I'll have a heart attack whenever I would stare at him.   Hindi s'ya 'yong tipikal na strict na campus president at pa-cool kid na mayamang estudyante. He's more than that, he's kind of dangerous that you would really want to runaway whenever he's around you. There's something about him that scareas me for unknown reason.   "Sandali lang, si Elias nasa building pa s'ya baka binalikan n'ya ko sa classroom inutusan ko kasi s'yang ilagay 'yong libro ko sa locker — Sina Creed na ang bahala sa kanya. Didiretso na tayo sa bahay para sa report n'yo." Napakurap-kurap ako sa sinabi n'ya lalo na ng lumapit s'ya sa 'kin at s'ya na mismo ang nagsuot sa 'kin nung helmet na kanina n'ya pa inaabot pero tintingnan ko lang dahil sa gulat.   Ako, pupunta sa kanila? As in sa bahay nila?   Nang medyo matauhan na ay tsaka ko pa lang rin narealize na sa BMW n'ya kami sasakay. "May short o cycling ka namang suot hindi ba?" Maagap n'yang tanong nang makasakay na s'ya sa motorsiklo, naguguluhan man sa mga nangyayari ay tumango pa rin ako sa kanya bilang pagsagot. "S-sandali, susunduin ako ni Daddy ngayon — Naitext ko na si Tito Hugo, alam n'ya ng sa bahay ka na didiretso isa pa inimbitahan kay ni Lolo para sa dinner mamaya." Even with his explanation, I am still confused looking at him like a fool. Atsaka tinawag n'yang Tito si Daddy? Ibig sabihin close s'ya kay Daddy o close si Daddy sa pamilya nila?   "Hey!" He shouted out of annoyance, dahil na rin sa pagkataranta dahil sa pagsigaw n'ya ay mabilis na 'kong sumakay sa motorsiklo n'ya at kaagad na yumakap sa kanya. Madalas na ata akong namamalik mata, feeling ko kasi ay umismid s'ya sa 'kin bago n'ya tuluyang pinaandar ang motorsiklo.   I hugged him tighter like my life depends on it the whole time, pakiramdam ko'y naiwan ang kaluluwa ko sa SCC at hindi ko kaagad nagawang makababa sa motorsiklo n'ya kahit na nasa loob naman na kami ng malawak na mansyon ng mga Montefiore. "Tsansing ka na, p'wede mo na 'kong bitawan at bumaba ka na." Kalmado n'yang utos nang mahubad n'ya na ang kanyang helmet at isinabit 'yon sa side mirror ng kotse.   Mabilis na uminit ang pisnge ko dahil sa kahihiyan, 'yong totoo ilang beses ba 'ko dapat na mapahiya? Kahit na nanghihina pa ang mga tuhod ko'y pilit akong bumaba sa motorsiklo n'ya at humawak sa puno para hindi mabuwal mula sa pagkakatayo. "Okay ka lang ba?" Bago ko pa man masagot ang tanong n'ya ay napansin ko na kaagad ang paglapit ng isang matandang lalaki, may pagkakahawig sila ni Aeious at medyo may kaputian na rin ang mga buhok n'ya ngunit kapansin-pansin pa rin ang matuwid n'yang tindig.   "Aeious, s'ya na ba 'yong anak ni Hugo?" Nakangiting tanong n'ya habang nakatingin pa rin sa 'kin, ngumiti ako sa kanya at napahawak na lang sa strap ng aking bag. Unlike his grandchild this Montefiore has a friendly vibe in him kahit na medyo intimidating rin ang presence n'ya.   Lumapit sa kanya si Aeious at nagmano. "Opo Lo, nauna lang s'ya dito kasi nagpalatulong s'ya sa 'kin para sa isang assignment nila." He muttered. Binalingan naman nilang dalawa ang kalalabas lang na si Creed. "Lo, nakahanda na 'yong sasakyan tara na para makabalik na rin tayo kaagad nasa fish pond na rin po si Tito Hugo."   "Magmeryenda ka na lang muna d'yan, patapos na rin naman 'to." Si Aeious na patuloy pa ring nagtatype sa laptap, s'ya na rin mismo ang gumawa ng presentation para sa report namin at kapag inaagaw ko 'yon sa kanya at sinasamaan n'ya lang ako ng tingin.   Hindi kalayuan mula dito sa lounger nila kung saan matatanaw ang infinity pool nila ay makikita na rin ang malawak at kalmadong dagat. Tumayo ako at naupo na lang sa gilid ng pool kung saan inilublob ko ang paa ko sa pool. Bahala s'ya kung gusto n'ya na s'ya ang gumawa noong presentation pag-aaralan ko na lang 'yon mamaya kapag nakauwi na kami.   "Ilang minuto na rin akong nakaupo rito at halos papalubog na ang araw nang maramdaman ko s'yang naupo sa tabi ko, but my eyes remained on the sun's setting. Ang daya lang kasi araw-araw nilang nakikita ang ganitong view ang swerte n'ya. "Watching you from a far you look like a kid savoring your freedom" he commented, nilingon ko s'ya ngunit diretso lang rin s'ya nakatingin sa dagat.   "I guess I am, isang taon lang naman 'to pagkatapos ay babalik na naman ako sa dati." I whispered and smile bitterly at the realization, noong nakaraang linggo ay pumayag na si Mommy na magstay ako dito ngunit pagkatapos ng isang taon ay babalik na rin ako ng Milan.   "Bakit?" He asked as if he's really curious about it, isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya hindi ito ang gusto kong pag-usapan naming dalawa. "Wala" I paused for a moment and look at him. "Sorry nga pala sa nangyari kanina akala ko kasi ikaw 'yong nakabuntis sa kanya. Wag kang mag-alala hindi ko pa rin sasabihin 'yong tungkol don." Agap ko at umiwas na ng tingin habang marahan kong ipinapadyak ang paa ko at nilalaro ang tubig na nasa pool nila.   For the first time, I saw him smile sweetly and genuinely at me as he stand up and offer me his hand. Saglit ko 'yong tiningnan. "Pumasok na tayo sa loob nando'n na ata sina Lolo pati na rin ang Daddy mo." The moment our skin touched it feels like the butterfly in my tummy are having their protest as my heart beats rapidly.   Ano ba 'tong nararamdaman ko?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD