Adan “NOT BAD. NOT bad at all.” Pumasok ako sa loob ng aking hotel room. Hindi ako nakaharap sa dagat pero hindi rin naman maituturing na masama ang view. Luntian ang mga bundok. Makukulay ang mga kabahayan na nakatayo sa coast na iyon. Ang kailangan ko lang naman talaga ay komportableng kama at malinis na bathroom. Hindi na gaanong mahalaga ang ibang bagay. Hindi ako maarte sa tinutuluyan kapag nagbibiyahe. It’s just a place to sleep. I won’t spend much time there. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. “I can’t believe I’m here,” ang nasabi ko sa kawalan. Hindi ko sigurado kung ano ang dahilan ng pagparoon ko. Nagrebelde lang ba ako? Nainis? May gusto ba akong patunayan kina Owen at Rianne? O sadyang gusto ko ng katahimikan? I booked a flight to Los Angeles. May mga malalapit at

