5

926 Words
Italy Karina PUMASOK AKO SA loob ng aking hotel room at isinandal ang aking sarili sa pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kapagkuwan ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. “I made it,” ang nasabi ko sa aking sarili. “I’m free.” For ten days, at least. Pero nanamnamin ko ang bawat segundo ng kalayaan na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at nagmulat ng mga mata. Iginala ko muna ang aking paningin sa loob ng aking hotel room. Junior suite iyon. Malaki para sa isang tao. Mas gusto ko sana ng mas maliit na room dahil hindi ko naman planong maglagi roon gaano. Pero iyon lang ang room sa bahaging iyon na available nang magpa-book ako. Ang bahaging nakaharap sa dagat. Iniwan ko ang maliit na maletang dala ko at tinungo ang malaking bintana at binuksan. Sumungaw ako sa bintana. Makapigil-hininga. Ngayon ay alam ko na talaga ang ibig-sabihin ng salitang iyon. Maganda ang panahon. Kalmado ang asul na dagat. Ramdam ko ang pagkalma ng buong sistema ko, ang paggaan ng pakiramdam. This is what it takes to feel this good. Amalfi. Nasa Amalfi na ako sa wakas. Ako mismo ang nag-ayos ng trip na iyon. Hindi ko rin ipinagsabi kung saan sa Italy ako magtutungo. Ang alam lang ni Miss Anne ay sa Italy. Medyo may alam si Michelle pero sinikap kong itago ang ilang detalye. Gumawa pa nga ako ng fake itinerary para sa kanila. Ang totoo, ang tanging plano ko lang pagkalapag sa bansang iyon ay magtungo sa Amalfi. Bahala na sa mga susunod na araw. Ayokong mag-alala ang ilang tao. Ayoko rin na maabala. Sa loob ng mahabang sandali ay nanatili lang ako roon, nakatingin sa kalmado at asul na dagat. Ninamnam ko ang magaan at payapang pakiramdam. Hindi ko hinayaan ang sarili kong mag-isip masyado. Sa loob ng sampung araw, wala akong ibang iisipin kundi ang sarili ko. Walang ibang magiging mahalaga kundi ang sarili ko. Pumihit ako paharap sa aking silid at mas pinag-aralan ang magiging kuwarto sa loob ng sampung araw. Maluwang at airy. Parang hindi nakakulong. Puti ang dominant color. Simple, clean and elegant. Naroon ang mga basic ammenities. Malaki ang kama na nasa isang flatform at napapalibutan ng lace curtains. Binalikan ko ang maleta na nasa may pinto pa rin. Hinila ko iyon at naupo sa malambot na kama. Imbes na buksan ang maleta upang ilabas ang ilang gamit ay nahiga ako. Napaungol ako sa ginhawa. Napakakomportable at napakalambot. Parang gusto kong manatili na muna roon pero sayang ang araw. Pinilit ko ang sarili kong maupo uli. Binuksan ko ang maleta para lang ilabas ang ilang toiletries. Mabilis kong hinanap ang banyo at naghilamos. Naglagay lang ako uli ng moisturizer at sunblock. Hindi ko na pinagkaabalahan pa masyado ang buhok ko. Kahit na ang suot ko ay hindi na ako nag-abalang magpalit. Halos wala sa loob na napangiti ako nang maalala ang reaksiyon ni Michelle nang makitang isang maleta lang ang dala ko. Sa mga nakaraang trips ko, minimum na ang tatlo. Ngayon ay talagang pinagsumikapan ko ang isa at may kaliitan pa iyon. Gusto kong maranasan kung paano. Pilit kong pinagkasya ang lahat ng sa palagay ko ay kailangan ko para sa trip na iyon. Medyo nakaka-stress nang kaunti dahil parang ang dami kong pangangailangan. Parang may kung anong kulang sa akin. Pero madalas kong ipaalala sa sarili ko na hindi ako si Karina, ang aktres, sa loob ng sampung araw. Isa lang akong simpleng babae na nagbabakasyon sa ibang bansa. Hindi ko kailangan ng cute outfits, shoes and accesories dahil wala akong planong kumuha ng pictures para sa i********:. Hindi rin ako magba-vlog. Lumabas na ako ng kuwarto bago pa man ako masyadong mawili roon. Paglabas ko ng hotel, sa loob ng ilang sandali ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakatayo lang ako at hindi alam kung saang direksiyon magtutungo. “Can I really do this?” ang naitanong ko sa aking sarili. Nahaluan ng kaba at takot ang nadarama kong excitement. This is the first that I’ve done something like this alone. Sa mga trip ko, local and abroad ay palagi akong may kasama. Someone was always there to bring me anything I need, to take me anywhere I want to go. Someone was always there arranging things for me. “Can I really do this?” ang tanong ko uli. Paano na lang kung may mangyaring hindi maganda sa akin sa lugar na ito? Masyado akong malayo sa Pilipinas. Malayo ang mga tao na makakatulong sa akin. Maganda ba talagang ideya na bumiyahe akong mag-isa? Mae-enjoy ko ba? Sino ang kakausapin ko? Paano na lang kung hindi ako marunong mamasyal mag-isa? Paano na lang kung sanay ako masyado na may gumagawa ng mga bagay-bagay para sa akin? Paano kung— “Stop,” ang pananaway ko sa aking sarili. Pilit kong binura ang mga duda at tanong sa aking isipan. Lalago lang iyon at lalo lang akong hindi makakagalaw sa spot na iyon. Wala akong patutunguhan. “Ngayon ka pa ba maduduwag kung kelan narito ka na?” ang sabi ko uli sa sarili ko. “Malayo na ang narating mo. Ginusto mo `to. Naniniwala ka na ito ang kailangan mo. Huwag kang maduduwag ngayon. Kaya mo `to.” Huminga ako nang malalim. Pinilit ko ang sarili ko na gumalaw at humakbang. Kayang kaya ko. Hindi ako matatakot. Mananatili akong excited, masaya at panatag. Kailangan kong maghanap ng pizza at pasta. Those comfort food will really improve my mood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD