3

2180 Words
Karina Napatingin ako kay Michelle nang marinig ko ang snicker mula sa kanya. Kasalukuyan akong nasa loob ng tent at nakaupo. Handa na ako para sa makeup. Inihahanda na ni Joey, ang aking makeup artist, ang mga kailangan niya. Nasa kandungan ko ang script kahit na memoryado ko na ang mga linya. Nakita ko na abala ang assistant ko sa phone niya. “`Something interesting?” ang kaswal kong tanong. Recently ay nilimitahan ko ang paghawak sa smartphone. Na-realize ko kasi na masyadong maraming kinakain na oras ang social media. Sa totoo naman ay mas si Michelle ang nag-a-update ng mga social media accounts ko. Mukhang hands-on ako pero hindi talaga. Nagpasya ako na mas pagtuunan ng pansin ang pagbabasa ng mga libro. Tumingin sa akin si Michell. “Ha?” “Mukhang may kung ano sa nababasa mo riyan sa phone mo. Bihira ang ganyang mukha.” Sumandal ako sa upuan at nagpakakomportable nang simulan ni Joey ang paglalagay ng skin care products sa mukha ko. Nilapitan ako ni Michelle at ipinasilip sa akin ang tinitingnan niya sa phone. Kusa ang pagtikwas ng aking kilay. Isang picture o meme—hindi ko talaga sigurado kung ano ang tawag. Nahahati sa dalawa ang larawan. Sa upper part ay isang larawan ng lalaki na may kahalikan sa isang bar. It’s the kind of kiss that’s hot and steamy. Sa tuktok ng larawan na iyon ay nakasulat ang, “In a world full of Adan...” Sa ibabang bahagi ng larawan ay kuha namin ni Jaime. Hinahagkan niya ako sa noo. The picture is perfectly sweet and romantic. Sa ibaba ng larawan namin ay nakasulat ang, “...be a Jaime.” I had to snicker too. Natawa si Michelle. “`Di ba?” “Kung alam ng mga tao ang trot, beh,” ang sabi rin ni Joey na napapailing-iling. Minamasahe niya ang mukha ko para magblend nang husto ang moisturizer at primer na inilagay niya. Isa rin si Joey sa iilang tao na nakakaalam ng totoong relasyon namin ni Jaime. Hindi maiiwasan dahil palagi kaming magkasama. Mas matagal ko pa nga siyang kasama kaysa kay Michelle. Mas alam niya ang mga pinagdaanan ko kay Jaime. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang upper part ng picture. Hindi gaanong kita ang mukha ng babae pero kitang-kita ang mukha ni Adan. He’s sexy. Hindi iyon makakaila. “He looks like a good kisser.” Nang matahimik sina Michelle at Joey ay saka ko lang na-realize na naiusal ko ang mga salita. Nang tumingin ako sa kanila ay nakita ko kaagad ang shock sa mga mukha nila. Hindi ko napigilan ang matawa. “What?” ang sabi ko. “Uy, may nalalaman ka nang ganyan,” ani Joey habang pabirong dinutdot ang tagiliran ko. Mas natawa ako. It feels good to laugh and be happy about something I’m not even sure what. “Of course may mga ganyang alam na ako. Hindi na ako childstar.” Tumingin uli ako sa picture, hindi nahihiya. “Mukhang enjoy si Ate Gurl.” Parehong natawa na rin sina Michelle at Joey. Hindi ko hinayaan na mamatay ang screen. Pinagmasdan ko talaga ang larawan. Fascinated ako sa hitsura ni Adan sa larawan na iyon. He looks like he’s really into the kiss. Gusto ko na lang panatilihin ang mga mata ko sa kanya. Parang may part of me na sana... sana ay mahagkan din ako sa ganoong paraan. It’s a weird feeling pero hindi ko na talaga gaanong inisip pa. Siguro rin ay medyo naiinggit ako sa lakas ng loob ni Adan. Totoo ang larawan na iyon. Fake ang larawan namin ni Jaime sa ibaba niyon. Anuman ang sabihin ng mga tao, para sa akin ay parang much better pa rin si Adan. Hindi naman sa kino-condone ko ang cheating. Pakiramdam ko lang ay there’s more to the story. Pakiramdam ko lang ay hindi ito basta bad behavior. Rebellion, maybe? Bilang nasa isang loveteam din ako, alam ko ang kalakaran. Hindi ko sigurado kung ano ang totoong relasyon nina Adan at Rianne sa totoong buhay pero sigurado ako na hindi lahat ng nakikita ng mga tao lalo na sa social media ay totoo. Ang ARia ang pinakamalaking karibal ng Kaime. We’re exclusive to rival TV networks. Magkakalaban ang mga show at pelikula namin. Parehong may malaking fandom ang dalawang loveteam. Parehong mga passionate. Madalas na maikumpara sa isa’t isa kahit na hindi dapat dahil magkaibang-magkaiba kami ng mga brand, image at personalidad. Maituturing na edgier ang ARia kaysa sa amin ni Jaime. Mas sexy, mas bold at mas brave daw. Mas moderno ang mga pananaw sa mga bagay bagay. Ang Kaime ay umaapaw sa sweetness and goodness. Dahil nagsimula kami ni Jaime mga teenager pa lang kami, naroon palagi ang innocence kahit na tumatanda na kami. Parang ayaw mawala ng fans ang purity na nakapalibot sa aming dalawa. Mas konserbatibo kami kumpara sa ARia. Mas nakayakap daw sa Filipino values. Gusto kong matawa nang malakas sa huling bagay na sumagi sa isipan ko. Kung alam ng lahat ang totoo. “Ang guwapo lang ni Adan talaga,” ang sabi ni Michelle habang kinukuha mula sa akin ang phone. Gusto kong magprotesta pero pinigilan ko ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan si Joey sa mga kailangan niyang gawin sa mukha ko. “Totoo, beh,” ang pagsang-ayon ni Joey sa sinabi ni Michelle. “Hindi ko masisisi si Ate Gurl kung bigla na lang um-attack. Kailangan talaga higpitan ni Rianne. Huwag nang palabasin kasama ang mga barkada kundi madadalas ang ganyan.” May opinyon ako pero hindi ko na isinatinig pa. Hindi ko personal na kakilala si Adan pero siyempre ay alam ko ang tungkol sa kanya at si Rianne. Maliit lang naman talaga ang mundo ng show business. Saka madalas nga kaming maikumpara kaya marami-rami rin akong mga impormasyon. Marami-rami rin akong naririnig tungkol sa kanilang dalawa. Parehong may lahing foreigner sina Rianne at Adan. American si Adan dahil sa America siya ipinanganak. Pero part Italian, part American at half Pinay ang kanyang ina. Ang kanyang ama ay French-Australian. Si Rianne ay sa isang probinsiya sa Pilipinas ipinanganak pero may German-American na ama. Parehong gumugol ng panahon ang dalawa sa ibang bansa. Naalala ko na na-threaten nang husto si Miss Anne sa loveteam nila. Parang mas fun ang tamabalan na iyon. Mas exciting para sa mga tao. Bago. Refreshing. Hindi namin sinubukang gayahin ang style ng ARia. Nanatili kami sa imahe namin ni Jaime pero mas pinaigting ang branding at promotion. Siniguro na magiging visible kami sa mga tao. Kaya siguro parehong matagumpay ang dalawang loveteam ngayon. Contrast. Gusto ng mga tao ang pagkakaiba namin. Gusto ng tao na hindi kami magkapareho. Na madalas naming salungatin ang isa’t isa. Gusto ko rin naman ang magandang kompetisyon sa pagitan namin. Sa palagay ko ay nag-grow ako dahil sa competition na iyon. Mas pinaghusayan ang ginagawa. Hindi nakampante ang isa’t isa. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang talagang pinagdadaanan sa kasalukuyan ni Adan. Naitatanong ko kung ano ang talagang estado ng relasyon niya kay Rianne. Ang sabi ng marami ay totoo ang relasyon. Maraming patunay sa debosyon niya sa ka-loveteam at real-life girlfriend. Marami rin naman ang patunay ng devotion sa akin ni Jaime sa social media kaya hindi ako kaagad nagpapaniwala. I know too much about this kind of life. Hindi ko gustong husgahan kaagad si Adan. Nagmulat ako ng mga mata nang kalabitin ako ng kung sino. Noon ko lang napansin na tumigil sa pagsasalita sina Michelle at Joey. Kaagad kong nalaman kung bakit. Nasa loob na ng tent si Jaime, kasama niya si Kaye, ang assistant niya. Kahit na umahon ang pagkairita, pinagsumikapan kong huwag iyong ipakita. Hindi rin naman ako ngumiti. Kaya kong pekein pero mas gusto kong ireserba ang enerhiya ko. Masyado pang maaga. “Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” ang tanong ni Joey, masigla at palakaibigan ang tinig. Hindi mahahalata ng sinuman na hindi rin gaanong natutuwa ang kaibigan ko na makita ang dalawa sa kasalukuyan. Si Kaye ang sumagot. Ngiting-ngiti at mukhang maganda ang araw niya. I didn’t let that bother me. I’m so done being bothered by this woman. She doesn’t deserve any of my time and attention. “Selfie. We want a selfie for Instagram.” “Selfie?” ang nasabi ko. “Okay.” Ayoko nang gaanong pag-isipan iyon. Ayoko na ring magtanong kung bakit dahil alam ko naman ang sagot. Marami kaming pondo para sa social media posts dahil noong isang araw lang ay nagkaroon kami ng “pictorial.” Iyong klase ng pictorial na hindi gaanong pro. Iyong parang candid lang. Iyong mga kuhang behind the scenes na mukhang naglalaro lang kami habang nagtatrabaho. Pang-everyday. Pang-stories. Hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko. Hinintay kong si Jaime ang lumapit sa akin. Siya itong may kailangan. Siya itong kailangang patunayan sa lahat na ito ang better man, na nakaisa ito kay Adan. Sa paningin siguro ng marami, mas mabuting lalaki si Jaime. Siguro ay pareho lang sina Jaime at Adan, sa totoo lang. Ayokong magkaroon ng pakialam. Inihanda ko na lang ang aking sarili. Kailangan kong ngumiti at magmukhang masaya. Wala pa man ay parang malaking chunk na ng enerhiya ko ang nawawala. Lumapit si Jaime at sa loob ng ilang sandali ay naging abala kami sa pagkuha ng ilang selfie. Parang forever ang itinagal niyon. Hindi na nila ako gaanong pinansin nang makuha nila ang gusto. Ni hindi nagpaalam nang umalis. “Be like Jaime,” ang pabulong na sabi ni Michelle nang makaalis na sina Kaye at Jaime. “Maigi pa yata itong si Adan, harapan.” “You don’t know what’s really happening to Adan,” ang sabi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Pero alam ko ang mga ganap kay Jaime. Eye opening for me ang last two years.” “Baka pareho lang sila,” ang sabi ko na lang. “Hindi na dapat pinagkukumpara pa. Let’s talk about something else.” “Buntis daw si Karen,” ani Joey. Napasinghap si Michelle. “Totoo ang mga balita na si Ano ang tatay?” Ipinikit ko uli ang aking mga mata at pinakinggan na lang ang chatter nina Michelle at Joey. Ang Karen na tinutukoy nila ay isa sa mga supporting actress sa project na iyon. Promising at may talento pero mukhang naakit ng isang beteranong aktor na maaari na niyang maging ama at may asawa. Mas gusto kong isipin ang tungkol doon kaysa anumang tungkol kay Jaime o kay Adan. Naging maayos ang umaga ko. Tuloy-tuloy ang shoot at wala namang gaanong problema. Break ko nang dumating si Miss Anne. Sa van na kami naglagi. Umasa ako sa isang magandang balita. “Kailangan mo ba talaga ng bakasyon, Karina?” ang seryosong tanong niya sa akin. Inisip ko munang maigi ang mga sasabihin ko sa kanya. Nagpasya ako na magsabi ng totoo. Umasa ako na sana ay maintindihan niya ako at pagbigyan sa kahilingan ko. “I feel like I’m suffocating sometimes. Nahihirapang huminga. Hindi makatulog. Parang abala masyado palagi ang isipan pero wala naman akong nabubuong solid thought. Parang ang dami-daming nangyayari pero hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ni hindi ko gaanong maipaliwang sa inyo nang maayos. It’s just... I just... I think I just need a break. I need to get away.” Napatango-tango si Miss Anne. Nakabadya sa mukha niya ang pagmamalasakit at kaunting pag-aalala. “Okay. Okay. You’ve never been irresponsible. Kung sa palagay mo talaga ay ito ang kailangan mo, gagawan ko ng paraan. Tapusin mo lang ang mga importanteng engagement. I-reschedule ko ang mga dapat na i-reschedule.” Nakahinga ako nang maluwag. “Thank you, Miss Anne.” “Nabanggit sa akin ni Michelle ang Italy? Doon ka pupunta?” Tumango ako. Hindi ko pa alam kung saan talaga sa Italy pero desidido na ako sa bansa. “Vlogs and pictures for IG.” Umiling ako. “No. No pictures. No vlogs. I just want the time for myself. Let me be selfish for a while, Miss Anne.” Tumango ang aking manager. “Okay. If that’s what you really want.” “Thank you so much, Miss. I promise, babawi ako. I promise, I’m gonna try to find what’s wrong with me and fix it.” Gusto ko rin naman kasing maging okay. Hindi ko gustong magpatuloy ang restlessness and unhappiness na nadarama ko sa kasalukuyan. Hindi ko naman inaasahan na ang bakasyon na ito ang solusyon sa lahat. Hindi magiging magic. Alam ko lang na ito ang simula ng paghahanap ng solusyon. I just need to get away and be by myself. I just need some quiet and freedom to think and act. I feel like I just need to find myself again. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD