"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon, upang mabuhay," ang malamig na saad ni Miguel sa kalahing aswang. "Ngunit, kung uulitin ninyong muli ang pagpapahamak sa lalaking ito, hindi ko kayo papatawarin. Lilipulin ko kayo pati, ang mga pamilya ninyo!" "Patawarin mo kami, Miguel. Ngunit, napag-utusan lamang kami ng pinuno." "Sabihin mo sa pinuno na walang makakaalam tungkol sa ating lahi hanggat titigilan na niya ang paghahabol sa amin. Wala na kaming balak pa ni inang Virgie na bumalik sa baryo. Kung muli siyang magkamaling pagtangkaan ang buhay ng lalaking, ito. Maghahasik ako ng lagim sa kaalyansang mga tao, at gawin ko silang sandata laban sa inyo." Samantala, maliwanag na maliwanag ang bilog na buwan sa kalangitan, tila ba may araw na nagbibigay ilaw sa mga taong naninirahan sa baryo Pola

