"Huwag kang mag alala, Miguel, naipainom ko na sa kanya ang gamot. Pagkagising niya'y hindi na niya maalala ang nangyari sa inyo kagabi," ang mahinahong saad ng lola ni Shaun, matapos mapainom nito ang likidong itim na nasa loob ng maliit na boteng hawak ng matanda. Parang nabunot ang malaking tinik sa dibdib ni Miguel sa pahayag ng matandang Virgie sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung sakaling malaman ni Shaun ang tunay na katauhan niya. Hindi pa siya handa. "Ingatan mo ang apo ko, Miguel," ang malungkot, at nababahalang saad ng matanda." Nasa panganib ang kanyang buhay. Alam mong hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo mahuhuli, at pagbayarin sa ating ginawang pagtaksil, at pagtalikod sa kanila. Natatakot ako." Hindi mapigilang hindi mangamba ang matanda sa kali

