Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa, matapos niyang sabihin sa akin iyon. Tila nakapako ang aking dila, ni isang salita ay di ko magawang mabigkas. Hindi ko inaasahang marinig iyon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Pagmamahal nga ba talaga itong naramdaman ko para sa kanya? Ewan, naguguluhan pa rin ako hanggang sa ngayon. Oo, masaya ako kapag kasama ko siya. Ibayong haplos sa aking puso ang hatid sa akin sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, lalo na at ako ang dahilan ng mga ngiting iyon. Nabubuo niya ang araw ko, at pagdating niya sa buhay ko ay parang nakompleto niya ang nawawalang puwang sa aking pagkatao. Pero sapat ba ang lahat ng iyon para sabihin kong mahal ko rin siya? Paano kung nilinlang lamang ako ng damdamin kong ito? Paano kung isang

