Kabanata 10

1256 Words
Pagkatapos namin mapagkasunduan ang tungkol sa magiging set-up ko sa oras na magsimula ang klase ko lumabas na ako para magsimula sa trabaho. Kaagad akong binigyan ng isang tray na may ilang drinks at itinuro kung saang table ko dapat ihatid iyon. Medyo maaga pa kaya kalmado pa ang mga tao. Mamaya pa ulit ang toxic hours namin bandang hatinggabi. Kapag mga ganoong oras ay aligaga talaga kaming lahat dahil sa dami ng nangyayari. Ang dami na kasing lasing ng ganoon at nagwawala sa dance floor. Minsan nga ay naiinggit ako. Gusto ko tuloy ayain ulit sila Shienel na mag-bar kaso routine lang namin iyon tuwing nakakatapos ng major exams. Hinatid ko ang mga inumin sa mga costumer. Isa-isa kong nilapag iyon sa lamesa. Pagkatapos ay isa-isa ko silang nginitian para batiin ngunit napahinto ako sa pamilyar na lalaki na nakaupo sa gitna. Pigil na pigil akong mapapikit at mapailing nang makita si Joseph. Pambihira naman, anong ginagawa nito rito?! Tinalikuran ko sila at bumalik na sa counter. Kinuha ko ang panibagong tray para ihatid iyon sa ibang customer ngunit nang humarap ako ay nabigla ako nang makita sa harap ko si Joseph. Muntik pa ngang tumama sa kanya ang tray at halos matapon pa ang drinks. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Wala na talagang gagawing maganda sa buhay ko ang mga lalaking ito. Kahit kailan ay magiging panira sa araw ko. “Tammy, usap muna tayo,” seryosong sabi nito. Hindi ko napigilang irapan siya. “Lumayas ka nga sa harapan ko. Nakikita mong may trabaho ako tapos lalapit ka pa,” iritableng sabi ko rito. Gumilid ako para lagpasan siya pero humarang na naman ito sa harap ko. Unti-unti na akong napipikon sa pangit na ‘to. “Magkano ba ang sahod mo kada gabi? Babayaran ko ang para sa ngayon kaya please, mag-usap naman muna tayo…” pagmamakaawa nito pero hindi ako naawa! Mukha siyang asong galis na-betsin na hindi ko malaman kung iiyak na o magwawala kapag hindi ko pinagbigyan! “Isang milyon! Kung kaya mo kong bayaran ng ganyan kalaking halaga ay baka makipag-usap pa ko sa’yo! Tumabi ka nga!” sigaw ko rito. Mabuti na lang at malakas ang tugtog kaya’t wala gaanong nakarinig sa akin kundi ang mga kapwa staff namin. Wala namang naglakas loob na umepal. Mabuti naman dahil sila ang mayayari sa akin kapag nangialam pa sila. “Tammy naman, huwag ka nang magbiro ng ganyan,” pangungulit pa nito. Bwisit na bwisit na ako. Ang bigat-bigat ng dala ko at kanina ko pa iyon hawak dahil hindi niya ako hinahayaang makadaan. Badtrip naman oh! “Hindi ako nakikipagbiruan! Kung wala kang isang milyon, huwag ka ng mangarap na makausap ako ngayong gabi!” Pinilit kong makawala sa kanya ngunit nagmatigas siya. Ang ending, natapon tuloy sa kanya ang mga inumin. Pambihirang buhay naman talaga oh! Dahil sa nangyari ay nakuha na namin ang atensyon ng karamihan. Hindi ko napigilang sumabog at hinampas sa ulo niya ang tray na hawak ko. Napadaing ito at napahawak doon. “Kita mo na! Epal ka kasi eh. Ikaw magbayad niyan ah, Joseph! Kapag iyan, kinaltas sa sahod ko, ipapa-blotter na talaga kita!” sigaw ko pa sa kanya. Maya-maya pa ay narinig ko ang matinis na boses ni Sir Jayden na papalapit sa amin. “Oh my gosh, what happened?! Ano na naman ito, Tamara?” natataranta niyang sabi. Bago pa man ako magsalita ay nilapitan na niya si Joseph. Pasimple niyang hinimas ang dibdib ni Joseph. Bumakat na kasi ang damit niya dahil sa natapos na drinks sa kanya. Nakita tuloy ang magandang katawan nito at siyempre, ang bakla at malantod kong amo ay kunwaring to the rescue na pero ang totoo ay ta-tsansing lang naman! “Oh my… you’re so wet. I’m so sorry for the inconvenience, Sir. What can we do to repay you?” mahinhing sabi nito. Halos sumakit na ang ulo ko dahil kanina pa ako umiirap sa kinatatayuan ko. Natahimik si Sir Jayden nang isa-isang tinanggal ni Joseph ang butones ng polo na suot nito. Kaagad kong tinignan ang reaksyon ni Sir Jayden at nakita ang pagniningning ng mga mata nito habang unti-unting lumilitaw ang matipunong dibdib ni Joseph. Okay naman siya, mukha namang tao na may muscles pero dahil nga sa nakaraan namin ay hindi ko mahanap sa sarili kong ma-attract sa nakikita ko sa kanya ngayon. Lumitaw na rin ang abs nito. Bulgarang binilang ni Sir Jayden iyon at nang makitang walo iyon ay napasinghap siya at napatakip sa kanyang bibig. Nakakaloka! Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko siya kinakaya! Nang tinanggal ni Joseph ang huling dalawang butones ng polo niya ay sabay kaming napaatras ni Sir Jayden. Sh*t na malagkit, may kagubatan! Pigil na pigil ang pagtawa ko nang makita ang dismayadong mukha ni Sir Jayden. Mula kasi sa pusod ni Joseph ay unti-unting kumakapal ang talahiban niya at hindi siya maganda tignan! Proud na proud pa ang itsura ni Joseph nang tumingin sa akin. Like I was missing a lot because of his exposed body. Asa naman! Tumikhim si Jayden. Lumapit siya kay Joseph at ibinalik ang polo niya sa kanyang katawan upang matakpan ang kagubatan. “Sir, malamig, baka magkasakit ka. Papasamahan kita sa staff ko, bihis ka muna doon,” mabilis na sabi ni Sir. Tawang-tawa ako dahil kanina lang, todo siya kung landiin si Joseph ngunit na-turn off bigla dahil sa masukal nitong kagubatan. Lumapit sa kanya ang isang kasamahan ko sa trabaho upang dalhin malapit sa staff room. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I bursted out laughing at Sir Jayden’s face. Lumitaw ang pandidiri sa mukha nito. “My goodness gracious! Hindi ba uso sa kanya ang shave? Nakapasok siya rito pero wala siyang pambili ng pang-akit! Kahit nga gunting lang like ew! That’s too gross. Some men have really hairy, you know, pero OA ng sa kanya! Parang mula nang tumubo iyon ay never pa naka-experience ng trim! My gosh, baka may kuto pang gumagapang. Gross talaga!” sunod-sunod na reklamo nito habang ako naman ay mamatay na sa kakatawa. “What’s so funny, Tamara? Sino ba ang lalaking iyon? May mga natapon na drinks that means, bawas sa sweldo mo riyan. My gosh! I thought I’ll be having a good night!” stressed na sabi nito. Napahinto kaagad ako sa pagtawa. “Sir, for your information, siya po ang nangulit sa akin. Tanong mo pa sa mga tao rito kung sino ang ayaw umalis sa harapan ko at sagabal sa pagtatrabaho ko. Kung hindi niya pinilit ang sarili niya sa akin, walang matatapon,” paliwanag ko. Napahilot ito sa kanyang sentido. “So siya ang magbabayad ng mga iyan?” tanong nito. Tumango ako. Huminga ito nang malalim at napailing. “Huwag na,” wika nito. Sinitsitan niya ang isang staff at pinalapit. “Sabihan mo nga ‘yung lalaki na after niya magbihis, umalis na siya ng restobar ha? Ipapasundo ko sa bouncer kapag hindi siya sumunod. Ayoko na siyang makita ever sa loob ng restobar ko. Baka bangungutin pa ako sa mga nakita ko,” sabi nito. Natawa akong muli. “Kala ko ba bet mo, Sir? Ex ko iyon eh. Gusto mo ireto kita?” biro ko rito. Nandidiring napatingin ito sa akin. “Yuck, ex mo? No thanks! I didn’t know na type mo pala ang ganoon ha!” Napangiwi ako sa sinabi niya. “High school pa kami noon, Sir! Hindi ko na siya type! Mas type pa kita sa mga ex ko eh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD