Pareho kaming nagulat ‘nung cashier sa sinabi ko. Nakita kong napahinto rin ang ibang staff sa tabi niya at ang ilang customer malapit at napatingin sa akin. Halos marinig ko ang pagpipigil nila ng tawa. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Parang gusto ko biglang tumakbo palayo doon.
Sa kakaisip ko ito sa nakita ko kay Sir Jayden eh! Nagiging bastos na rin tuloy ako!
“A-Ano, miss, h-hindi nadadakma. Pasensya na…” Tuluyan silang napatawa nang mautal ko. Napatakip ako ng aking bibig at bahagyang napapikit. Ilang beses akong pasimpleng huminga nang malalim upang kumalma.
Pagkauwi ko ay tuwang-tuwa ang mga kapatid ko dahil sa pasalubong ko sa kanila. Kaagad naming pinagsaluhan iyon at itinabi ang para kay tatay. Kapag kasi hindi ko iyon kaagad na kinuha ay baka maubos nilang lahat iyon. Sugapa pa naman ang mga iyan basta paborito nila ang pagkain.
Maaga lang din akong nakatulog sa araw na iyon. Dala na rin ng pagod sa maghapon kaya naman straight ang tulog ko. Ramdam ko nga ang pangangalay ng leeg ko dahil halos hindi ata ako gumalaw sa posisyon ko.
Nagising ako kinabukasan nang bandang tanghali. Pinatay ko na lang ang oras sa mga panahon na iyon at nang malapit nang gumabi ay saka ako naligo at nag-ayos para pumasok ng trabaho.
Medyo naka-move on na ko sa nasaksihan ko kay Sir Jayden. Ayoko na lang din pansinin dahil lalo akong nakakaramdam ng panghihinayang sa tuwing naalala ko iyon. Sa gwapo niyang iyon, siya dapat ang dinadakma!
Pinapasok kaagad ako ng mga bouncer. Sarado pa ang restobar dahil mag-aayos pa kami doon. Dumiretso ako sa office ni Sir Jayden dahil may oras pa naman bago tuluyang buksan ang restobar. Dala ko ang schedule ko sa nalalapit na pasukan upang ibigay iyon sa kanya para mapag-usapan na namin ang adjustment sa oras ng trabaho ko.
Two weeks na lang kasi at may pasok na ko. Mabuti na nga lang at okay lang kila Alana na panghapon ang klase namin. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko at wala namang kaso sa kanila ang oras dahil hindi naman sila nag-ta-trabaho tulad ko.
Nakadalawang katok pa lang ako sa pinto nang marinig ko ang boses nito. Bakas ang saya sa boses niya at napailing na lang ako doon.
“Come in,” matinis na sabi nito.
Binuksan ko ang pinto at nakita ang maaliwalas nitong mukha. Fresh at blooming na blooming! Mukhang nadiligan talaga kagabi!
“Tammy, what is it?” maligayang sabi nito. Inabot ko sa kanya ang papel na hawak ko.
“Schedule ko, Sir Jayden. Dalawang linggo na lang akong mag-full time kasi may pasok na ako next next week. Afternoon class naman ang mga iyon kaya’t makakabawi pa ako ng tulog,” wika ko. Tumango-tango ito.
Sinimulan niyang basahin ang nakalagay doon sa papel. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi na tila ba dinampian niya iyon ng kaunting blush-on. His brows are naturally thick but the shape is on point. Ang labi naman nito, bagama’t walang make-up ay may napansin akong kaunting shine doon na parang nilagyan ng gloss or balm.
Sa isang linggo kong pagta-trabaho rito, I didn’t notice him wearing a make up. Ngayon lang ko lang talaga napansin at kung titignan siyang maigi ngayon, talagang mas feminine pa ang itsura nito kaysa sa akin. If it wasn’t for his short and clean-cut hair, toned-body built, baka nga mas loud and proud looking woman pa siya sa akin. Lalo lang akong nakaramdam ng panghihinayang.
“Kapag part time employee, madalas ay nasa four to six hours lang ang trabaho. You can choose either of the two pero kahit anong piliin mo ay may special benefits ka pang matatanggap. Especially that you’re a fashion designing student, I can help you with the money regarding your projects in school or whatsoever,” wika nito.
I’m not sure he was only in a good mood right now kaya niya nasasabi ang mga iyan. Hindi biro ang mga gagastusin ko lalo na sa mga gagamitin ko sa majors ko pero kung willing to help talaga siya ay bakit hindi? Sarap naman talaga kung ganoon!
“Sure ba ‘yan, Sir? Wala ng atrasan ‘yan ha?” paninigurado ko. He laughed at me.
“Mukha ba akong joke sa’yo? Pasalamat ka at good mood ako ngayon dahil kung hindi, baka bawiin ko pa ang sinabi ko,” nakangiting sabi nito. Ngumisi ako. Sus, alam ko naman kung bakit masaya ka, Sir Jayden! Nadiligan ka kaya ganoon!
Mabuti at hinayaan niya akong pumili ng mixed na work load. Every MWF ay four hours lang ang trabaho ko dahil mas late ang tapos ng klase ko kapag ganoong mga araw at sa TTH naman ang six hours dahil kaunti lang subject namin sa araw na iyon. Sabado at Linggo naman ay wala kaming pasok kaya’t pwede akong mag-straight duty kung gugustuhin ko. Ibibilang na lang raw iyon bilang overtime ko.
Swerte ko dahil nakahanap ako ng ganito ka-flexible na trabaho. Ganoon siguro talaga kapag medyo bagets pa ang amo. Kapag kasi matanda ay tiyak mahigpit at ang daming kaartehan. Maarte rin naman si Sir Jayden pero hindi naman siya sobrang mahigpit. Siguro kasi hindi lang ito ang source of income niya. Maybe he had many things to do more beyond his restobar pero hindi ko na alam ang tungkol sa bagay na iyon.
Hindi naman kami super close. Kahit ganito ako makipag-usap sa kanya ay marunong naman ako makaramdam na boss ko pa rin siya at employee niya ako. Malakas ang loob kong sumagot sa kanya kapag nakita kong nasa mood siya pero noong minsang tahimik ito at mukhang badtrip ay ni lapitan siya hindi ko nagawa. I only knew him as my gay boss who run this restobar and nothing else. I guess, I’m in no position to know it either.
It was as if there was this huge line between us that I can’t touch though pansin ko naman na sa lahat ng mga staff niyang babae ay ako ang madalas niyang nakakausap. Mas friendly kasi ito sa mga lalaki niyang staff at understandable na iyon kung bakit. Pero kahit na ganoon, I still respect him as my boss. Sayang lang talaga at lalaki rin ang hanap.