Kabanata 8

1040 Words
Sa sobrang pagka-stress ko sa mga hinayupak kong ex ay hindi na ako nakatulog pagkauwi. Pinili ko na lang na maglinis ng bahay, lalo na ng kwarto ko. Medyo nagkalat kasi doon nitong nakalipas na linggo dahil sa straight na mga duty ko. Kapag umuuwi kasi ako ay wala na akong ibang nagagawa masyado kundi matulog. Ang mga nakatoka kong gawain sa bahay ay sinalo na ng mga kapatid ko. Tama lang iyon, malalaki na sila, para naman matuto sila sa gawaing bahay at hindi palaging nakaasa sa amin nila nanay. Inayos ko ang mga nagkalat kong damit. Ang dami ko na palang naisuksok na labahan. Hindi tuloy naisama noong naglaba kanina ang kapatid ko. Ako na lang ang magsasalang sa washing machine, may ambag naman na ako sa bills at grocery kaya pwede na akong gumamit kahit medyo napagastos. Niligpit ko ang mga gamit ko at sinilip ang bag ko. Kung ano ang kalat niyon mula sa nakaraang sem, iyon pa rin ang nadatnan ko ngayong magpapasukan na ulit. Napailing ako at tinanggal ang mga plastic ng pagkain na tinago ko roon. Mas marami pang lamang basura ang bag ko kaysa sa mga gamit ko sa pang-aral. Kinuha ko ang tatlong filler na mayroon ako, anim subject ko last sem pero tatlong filler lang ang gamit ko, puro pa sa first page lang may sulat. Napailing ako at napangisi. Hindi ko talaga kasi hilig magsulat saka aanhin ko pa ang pag-notes kung pwede namang ipa-photocopy ang notes ni Alana. Mas maganda at mas makulay pa ang sulat niya kaysa sa akin. Ang sulat ko parang kinayod ng manok eh. Pinunit ko na lang ang first page ng mga iyon para magamit ko pa ngayong sem. Laking tipid din talaga minsan kapag tamad. Hinalughog ko pa ang bag ko at nakakita ako ng isang ballpen. Nasa pinakailalim lang pala, pambihira. Sa tuwing kailangan ko saka palaging nawawala. Buti na lang maraming extrang ballpen si Shienel kaya nakakahiram ako. Sinubukan ko iyon at nakitang may tinta pa. ‘Yun oh, nakatipid din ako sa ballpen. Iiipit ko na lang siguro sa fillers ko para hindi mawala. Ang bag ko ay hinabol ko sa labahan para kahit hindi bago sa pasukan, malinis naman at mabango. Kinuha ko ang checklist na meron ako galing sa enrollment para sa kakailanganin namin ngayong year. Third year na kami at papasok na ang mga major subjects kaya mas maigi na may sarili na kaming gamit para sa mga future projects namin. Naisip kong magtungo sa mall para makapag-canvass kung magkano ang mga iyon para mapag-ipunan ko sa mga susunod na sahod. Pagkatapos kong maglinis ay naligo ako ulit. Hapon na niyon kaya naman nang umalis ako ay nag-request ang mga kapatid ko ng pasalubong at kaagad naman akong pumayag. Bihira lang kami kumain sa labas dahil palagi kaming nagtitipid pero dahil malaki ang sasahurin ko kada linggo at may natira pa naman sa akin ngayon ay makakapag-uwi ako sa para sa kanila. Dumiretso ako sa mall at nagsimulang tingnan ang mga kagamitan sa pananahi. Halos malula ako sa presyo ng mga iyon. Ultimo maliliit lang ay ilang libo na kaagad ang halaga. Maling desisyon ata na sa mall ako tumingin. Baka mayroon pang ibang pwedeng mabilhan. Wala pa rin kasi akong idea kung saan pwedeng mamili dito sa Abra na mura lang. May alam ako na mura kaso malayo. Sa Maynila pa iyon at hindi naman ako mapapadpad ulit doon. Noong high school kasi ako ay lagi akong sinasama doon ng Tita ko para maging katulong niya sa pagtitinda. May inuupahan siyang stall doon at kapag bakasyon ay naroon ako ng ilang ilang araw, matagal na ang isang linggo upang tumulong sa kanya sa mga paninda niya. Binibigyan niya rin ako ng pera siyempre bilang pasasalamat at sagot niya ang pamasahe ko sa bus at kahit medyo bata pa ako noon ay sanay na ako sa ganoon katagal na biyahe mag-isa. Higit walong oras din iyon kapag sa bus. Iyon na kasi ang mura, kaysa naman sa eroplano. Nag-ikot-ikot pa ako sa mall at nang makita ang oras na malapit na ang hapunan ay nagtungo na ako sa sikat na fastfood para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko. Habang papunta doon ay hindi sinasadyang napatingin ako sa high class restaurant na nadaanan ko. Naningkit ang mata ko nang makita kung sino ang nasa loob na sweet na sweet sa kasama niyang maskuladong lalaki. Malalaki ang ngiti nito at kinikilig pa habang sinusubuan yung kasama niya. Sumama ang mukha ko dahil ngayon ko lang nakita si Sir Jayden na ganyan kalandi sa lalaki. I mean, he didn’t really looked like a gay unless you would hear him talk while we were at work pero ngayong nasasaksihan kong lumandi ito sa kapwa niya lalaki ay tila doon ko talaga napagtantong baklang-bakla ito. Nakita ko pa nga ang kamay nitong humihimas sa hita ng matipunong lalaki na kasama niya. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa aking bibig nang makitang dinakma nito ang pagkal*laki ng kasama! Oh my gosh! Ang bastos! Hindi ko siya kinakaya! Hindi ko na masyadong nakayanan ang nakita ko kaya dumiretso na ako ng lakad bago pa niya mapansin na nakita ko siya at pinanuod ko pa mismo ang ginawa niya. Kabado ako ng mga oras na iyon dahil personal na buhay naman ni Sir Jayden iyon pero grabe talaga! Akala ko, lowkey na gay lang siya, malantod din pala! Halos hindi mawala sa isipan ko ang huli sa aktong ginawa ni Sir Jayden kanina. Kinilabutan talaga ako. May mga kaibigan akong bakla, naririnig ko ang mga kabulastugan nila at okay naman sa akin iyon, tawang-tawa pa nga ako pero never ko pa silang nakita talaga na ganoon! Ibang usapan naman na kasi iyon at hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin si Sir Jayden ng normal at hindi naalala ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa pila sa kakaisip tungkol sa nakita ko. Ako na pala ang nasa unahan at kanina pa ako tinatawag ng nasa cashier. “Ma’am, order niyo po?” tila nauubusan ng pasensya na tanong nito. Wala sa sarili akong sumagot. “Jolly na hotdog po, ‘yung nadadakma.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD