“For our first activity, let’s loosen up a bit first at dahil kakabuo pa lang ng grupo niyo, siyempre mawawala ba ang introduction niyo as a group? Create a name, much better if unique and remarkable and do a short chant or cheer. Ang may pinakamaganda ay makakatanggap ng bonus at the end of the day. I will give you five minutes for that. Goodluck everyone!” energetic na sabi ng host. Ang dami kong narinig na pag-angal. Hindi na ata talaga mawawala ang ganito sa mga team building. Kahit sa klase, kapag naghati-hati sa grupo ay may paganitong eksena talaga. Bitbit pala iyon hanggang kapag nagkatrabaho ka na. Dahil kagrupo namin si Sir Jayden ay ramdam ko ang ilang at takot ng mga kasamahan ko sa kanya. Napailing ako at nagsalita. “Guys, bakit hindi kayo nagsasalita? Dahil kay Sir Jayde

