Hagalpakan ang lahat ng mga kasamahan namin, maging ang mga host nang matapos kaming mag-cheer. That’s what I’m saying. Kapag kasi kabastusan, unang-una talaga tayo kaya tuwang-tuwa palagi. Sa amin lang ang kakaiba at talagang nakakatawa kaya expected ko na kami na ang nanalo. May bonus na kami kaagad hindi pa man nagsisimula ang mismong mga palaro. Sana money ang prizes para ganahan talaga ako. “Alright! Now that we already heard your group names and chants, which were truly unique on it’s own way and remarkable to us, we will now start on our first game. Itong laro na ito, gamit na gamit na ito eh, imposibleng hindi niyo ito alam dahil noon pa man, nilalaro na ito sa mga team building. Our first game is pahabaan ng gamit!” excited na sabi ng host. Alam ko naman na ang mechanics ng

