“My gosh! Sobrang dumi talaga ng bibig mo!” maarteng sabi nito. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Nameywang ako ako sa kanya. “Alam mo, Sir, ikaw lang ang kilala kong bakla na hindi bulgar at open minded sa mga ganitong salita. Ang dami kong friends na mas malala pa ang bibig kaysa sa akin. Walang hiya-hiya ang mga iyon ng pagsabi ng p*pe o t*ti, ako na nga ang sumusuko sa kanila eh pero ikaw, hotdog na nga lang, madumi na kaagad?” diretsong sabi ko rito. “Excuse me, don’t compare me to my sisters okay? You don’t know me at tinatanggap ko ang ganyang mga salitaan sa iba pero kapag sa’yo talaga nanggagaling, naasiwa ako!” paliwanag nito. “Sus, parang hindi naman! Bakla ka ba talaga, Sir Jayden? Parang hindi eh!” Sumama ang mukha nito pagkarinig sa sinabi ko. Medyo napaatras ako

