Nag-ready kami para sa unang station. Ako ang pinakahuli sa pila namin habang si Sir Jayden naman ang nasa harap ko. Wala pa kaming kutsara sa bibig namin dahil ipapainom pa sa amin ang calamansi juice ng member na nasa harap namin na nakabalik na pero nakahanda naman na iyon sa staff na nag-aalalay sa amin. Excited akong isubo sa ipapasubo ni Sir Jayden sa akin! Lulunukin ko talaga agad iyon with pride. “Your time starts now!” Todo cheer kami sa unang ka-grupo namin. Maingat ngunit may kaunting kabilisan ang paglalakad niya paikot sa upuan. Kinakailangan daw ay walang matapon sa juice at pansin kong medyo naging mabait naman sila dahil hundi naman nag-uumapaw sa pagiging puno iyon. Pagkabalik nito ay kaagad na bumaba ang kasunod sa kanya at ngumanga. Naghagalpakan kami sa tawa dahil

